Chapter 12

115 14 1
                                    

R-Dane's POV

Napakasaya ng araw na ito, kasama ko si Yesha at hindi lang yun nadala ko pa siya sa favorite place ko...Pusang kalabaw bakit feeling ko nangangamatis ang mga pisngi ko...

"You look so happy my dear brother!!! Sinisimulan mo na bang sulitin ang mga araw na makakasama mo si Yesha??",akala ko ba mga babae lang ang kontrabida bakit pati tong kapatid ko nagiging antagonist ng story ko.

"TSK!", hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako paakyat sa kwarto ko. Masyadong maganda ang araw ko para lang sirain ng magaling kong kapatid.

"Kung ako sayo, sisimulan ko na siyang layuan para hindi na maging mahirap para sayo kapag dumating na yung oras na ako ang makakasama niya"

"Hindi ko siya lalayuan!", bakas sa boses ko ang pagkairita...Peste lagi na lang ba niya akong didigtahan at mamanipulahin?!

"Bahala ka ikaw din ang mahihirapan, sinasabi ko lang sayo na hangga't maaga pa ay gumising kana sa kahibangan mo!"

"Bakit hindi ka humarap sa salamin at sabihin yan sa sarili mo!"

"Anong sa...............

Badtrip na ako kaya, hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at umakyat na ako sa taas!

"Whooooooooo!", ang sarap lang isipin yung mga nangyari kanina

Ang kulit-kulit kasi ni Yesha...Tapos inaasar pa ako ng inaasar kay Chucky....Shemay ayoko talaga sa chakang manikang yun...Nagbibigay kilabot sa akin e...

*BEEP*BEEP*

FROM: Yesha Kulit

Psst! Wag kang maengay.............

Crush kita.

*DUG*DUG*DUG*DUG*

Lintek lahat ata ng dugo ko napunta na sa mukha! Ano ba tong babaitang to!

Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko hindi ko nalang siya nireplyan at nagbukas nalang ako ng aking FB...

66- friend request

157- notification

5- messages

At lahat galing kay Yesha

~HOY! HINDI AKO YUNG NAGTEXT PINAGTRIPAN LANG AKO NI INSAN

~R-DANE...HINDI TALAGA AKO YAN!

~SI ABBY LANG NAGTEXT NUN!

~R-Dane baka gusto mong magresponse sa MSG's ko...

~Huuuuuuuuuuuy =___________=

Bigla akong napangiti sa mga messages niya. Sobrang defensive eh! Alam ko naman na hindi niya ako magiging crush pero bakit kailangan maging ganito siya kadefensive.....May chance ba ako??

*pak*

Sampal ko sa sarili ko..ano ba itong pinagsasabi ko nagdedeliryo na ata ako e. At dahil nga wala akong magawa, mas mainam na pagtripan ko nalang din si Yesha

~Alam ko naman na may lihim kang paghanga sa akin, para namang hindi ko yun nahahalata!

Operation Pambubwisit kay Yesha begins....

Yesha's POV

"Moon prism power make-up!"

"Ano ba Insan ang engay-ingay mo..." kanina pa ako nakatingin sa labas ng bintana namin at nakatulala

"Kesa naman sayo na nakatulala. Nakadate lang si R-Dane nagkaganyan na??!", ang kulit ilang besez kaya ito inire ni Tita, kanina ko pa sinasabi na hindi nga date yun.Lumabas lang date na agad. Haist!

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon