Chapter 17

110 11 0
                                    

R-Dane's POV

"Malayo pa ba?", hindi ko alam kung bakit parang hindi mapakali si Yesha sa upuan niya. Ewan ko kung kinakabahan ba siya o sadyang ayaw niya lang sumama sa akin. Parang baliw eh

"Maybe andun na tayo ng 10 minutes pa", by the way papunta kami ngayon sa bahay namin

"Uhm! Bakit nga pala nagbago ang isip mo at doon na tayo sa bahay niyo magpapractice, last time I check kase ikaw pa ang nagpush na sa bahay nalang namin tayo magpractice para sa project na to", yeah it's true ako pa ang nagsabi na sa bahay nalang namin kami magpractice...At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukote ko that time. Kapag si Dad na ang kausap ko nawawala ako sa ulurat. Ganito ang nangyari

.~FLASHBACK~

Paakyat na ako sa room ko pagkatapos naming mag-away ni R-Kin. Anong gusto niya dahil sa pagiging selfish niya bumaba ang grades ni Yesha? Alam ko na running for valedictorian si Yesha kaya hindi ko hahayaan na madamay ang grades niya dahil lang sa pagiging childish ng kapatid ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero walang magandang future ang project na yun kung si R-Kin ang kasama niya, hindi siya nakanta at ni hindi marunong tumugtog! Pano na ang gagawin nila?!

*Knock*Knock*

"Yes?!", parang alam ko na kung sino tong kumakatok sa pintuan ko

"Anak papasok ako.", tumayo ako sa pagkakahiga ko, sinabi ko na at pupuntahan nanaman ako nito

"Anak pwe----

"No Dad. A-YO-KO po!"

"Anak nakausap ako ang kapatid mo at sobrang lungkot niya. Alam mo naman na hindi pwede sa kanya ang mahirapan or mastress diba?"

"Ano nanaman pong sinabi niya sa inyo?! Diba Daddy sinabi ko na naman po na aalis na ako sa school na yun pagkatapos ang project na ito?! Hindi pa po ba sapat lahat ng pagpapaubaya na ginagawa ko? Kulang pa ba at kahit isang beses hindi niyo magawang tanggihan ang kahilingan ng magaling kong kapatid? Aalis naman po ako....aalis ako kahit labag sa kalooban ko!"

"Anak, hindi siya katulad mo na malakas at madaling umintidi at sa inyong dalawa ikaw lang ang maaasahan at naaasahan ko, pagbigyan mo na ako...Gusto ko lang na pareho kayong maging masaya!"

"Gusto niyo po na pareho kaming maging masaya? Dad bago ata yun ah? Di po ba si R-Kin lang naman ang anak niyo dahil siya lang ang gusto niyong pasayahin? Siya lang ang lagi niyong inaalala, siya lang po ang an........

"Last na ito. Last na ito na hihilingin ko sayo para sa kapatid mo, wala na akong balak na papasukin siya sa school niyo. I forgot na dalawa nga pala ang anak ko I should be fair, it's not your fault kung bakit ganun ang kapatid mo at it is my responsibility to do those things for him. I'm so sorry son, hindi ko na inalala ang mararamdam mo. Sorry for everything."

Sobrang tagal kong hinintay na mangyari to, ang gumawa si Dad ng isang decision na ako naman ang mapapasaya. Hindi ko inakaala na mangyayari to sa totoong buhay kasi ang akala ko panghabang buhay nalang nilang gagawin ang lahat ng sasabihin ni R-Kin. Oo mahal ko ang kapatid ko pero hindi dapat tinotolerate ang maling pag-uugali niya

"Ano po ba ang gusto niyang mangyari?"

" Yung project na ginagawa niyo ni Yesha....dito nyo nalang gawin!", alam ko na na ito ang hihilingin ni R-Kin. May sakit siya pero magaling parin siyang makapag-isip. Oo nga naman hindi siya makalapit kay Yesha dahil nandito pa ako, so si Yesha nalang ang hahayaan niyang lumapit sa kanya sa pamamagitan ko...

" Sige po Dad, tutal kayo na ang nagsabi na last na to kaya....sige po dito nalang kami ni Yesha magpapractice", tsk. Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo sa ginagawa mo R-Kin

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon