Chapter 25

52 9 0
                                    

Yesha's POV

Ngayon paalis na kami sa condo niya. Lalabas kami ngayon, alam niyo na date-date din pag may time ^^. Susulitin lang namin yung christmas break kasi siguradong kapag balik namin sa school wala na, sobrang busy na naman namin.

"Let's go??", binuksan niya yung kotse tapos pumasok na kami sa loob.

"Hindi pa ba tayo aalis??", kasi naman pagkapasok namin tinitigan niya lang ako. Parang baliw eh

"Hindi ko pala nasasabi sayo??"

"Ang alin??"

"You look beautiful today'', ^\\\^ kilig nenemen ake!

"Thanks. Ahmmm alis na tayo.", hindi na ako nagsalita sa buong biyahe namin. Pupunta lang naman kami ngayon sa amusement park. Ayaw ko na sa mall nakakasawa, paulit-ulit nalang naman kasi ng ginagawa. Sabi niya last time na nagpunta sila sa amusement park eh nung bata pa sila ni R-Kin. Kaya eto pupunta kami para maexperience niya ulit.

"Were here", waaaaaaaaaaaaaaah namiss ko talaga dito. Si Insan naman kasi KJ hindi niya daw trip yung mga ganitong lugar, masyado daw pambata. Masaya kaya dito •﹏•

"You look so excited huh?", naman. Kasama kita eh, pero syempre di ko sasabihin baka lumaki ulo niya. Kaya secret lang natin yun ah!..

Medyo malaki na yung pinagbago pero nandito parin ang pinakapaborito kong rides....☆_☆

"Oo...sakay na tayo! Ano ba ang pwede nating unahin??", siguro magiispace shuttle na agad kami. Para masaya...Woooooooooooh I'm so excited na talaga ^_^

"Anong sasakay??? Hindi muna tayo sasakay, kakain muna tayo!"

"Naman eh :3 Edi sana sa resto nalang tayo nagpunta kung kakain lang naman pala tayo", rides po ang pinunta ko dito at hindi pagkain ﹋o﹋

"Hindi ko naman sinabi na hindi tayo sasakay. Ang sa akin lang kumain muna tayo para kapag nagstart na tayong pumila hindi ka magugutom. Siguradong magugutom ka kasi mahaba ang pila kada rides, iniiwasan ko lang na magutom ka.", oo nga naman mahaba ang pila. Sorry naman akala ko naman kasi eh....Takot lang siya sa rides kaya ayaw niya.

"Sorry na. Tara kain na tayo.", tapos may nakita kaming food court dun sa may kabilang side. Hindi pa sana ako masyadong gutom. Naiingit din ako sa mga nakapila na, buti pa sila makakasakay na :3

"Wait lang ah...Bibili lang ako! Medyo mahaba naman ang pila, so kung gusto mo gumala ka muna basta wag kang masyadong lalayo ah", oo nga. Mahaba ang pila sa bilihan ng pagkain

"Opo", tulad nga ng sinabi niya nag-ikot ikot muna ako. Gusto ko bumili....kahit ano na color blue. Kaso mamaya nalang papasama nalang ako kay R-Dane para matulungan niya akong mamili ng magaganda. Naglakad-lakad nalamg ulit ako. Hala....medyo malayo na din ako sa food court T_T

"Psst!", may sumutsot sa bandang gilid ko kaya napatingin naman ako. Kala ko multo na >o

"Bakit po??", isang babaeng medyo nasa late 50's na siguro siya

"Gusto mo bang magpahula??", Hula?? Hindi naman ako mahilig sa ganito. Tsaka isa pa hindi talaga ako naniniwala sa hula-hula... Hula nga diba?? Kelan pa naging totoo ang hula

"Sorry po manang hindi po kasi ako naniniwala sa mga hula"

"Sige na hija, wala pa akong nahuhulaan ngayong araw", naawa naman ako kay manang. Mukhang wala pa ngang napunta dito sa kanya

"Sige po", pumasok kami sa maliit na tent. Nakakatakot naman dito medyo madilim pa. Tapos may mga dolls pa na nakasabit na sobrang nakakatakot

"Upo ka...", gaya nga ng sinabi ni manang umupo ako. "Akin na ang palad mo", binigay ko sa kanya ang palad ko kagaya ng sinabi niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko pero tinuloy ko parin, nakakatakot ba naman kasi yung aura ni manang bigala siyang naging seryoso, pero wala naman sigurong mawawala diba? First time ko din namang sumubok ng ganito.

"May taong nagmamahal sayo. At hindi siya titigil hangga't hindi ka niya nakukuha. Masyado siyang makasarili at hindi iniisip ang mararamdaman ng iba", napaisip naman akong mabuti. Ano nanaman to?? Bagong problema. Sino naman kaya yung tinutukoy ni manang.......Si R-Kin?? Pero wala na siyang magagawa kami na ni R-Dane. Tsaka tumigil na din naman siya, hindi narin daw siya nakakausap ni R-Dane

"Ano po manang?? Hindi ko po maintindihan"

"Yung taong mahal mo...Mapapahamak siya dahil sa taong yon. Matinding sakit at pagdurusa ang makukuha niyo. Mas mabuti na lumayo muna kayo sa isa't-isa", kinuha ko na ang kamay ko sa kanya. Bigla namang nanlamig ang mga kamay ko. Ano bang gustong palabasin ni manang?

"Wag kang matakot hija, parte ng buhay ang masaktan pero mas mabuti na gawin mo ang sinabi ko layuan mo muna siya"

"Bakit ko naman po lalayuan ang taong mahal ko? Wala naman pong nangyayaring hindi maganda sa amin ngayon...kaya wala pong dahilan para layuan ko siya"

"Sa ngayon siguro....Oo wala pa pero darating din ang panahon na-----

"Sa tingin ko po kailangan ko nang umalis kasi baka hinahanap na po ako ng boyfriend ko"

"Hija sana wag mong balewalain ang sinabi ko. Malalampasan niyo din naman ang problema niyo. Lagi kayong mag-iingat. Selos at galit ang kalaban niyo. Mag-ingat kayo."

"Salamat nalang po", pakatapos nun lumabas na ako.

Ano bang pinagsasabi ni manang??? baka naman! Hasit -.-...Sana naman hindi magkatotoo, ngayon palang natatakot na ako! Paano kung magkatotoo ang hula niya??. Naman Yesha hula nga magkakatotoo?? Natatakot ako. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi naman mangyayari yun kasi hula lang iyon. Yesha, wag kang maniniwala. Yesha, be positive. Yesha....

*tugsh*

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na namalayan na may nabanggan na ako. Oh my I'm dead =__=

"Sorry po talaga", lalaki to kasi matigas eh. 0///0 I mean malaki kasi yung katawan. Baka kung ano nang iniisip niyo :3

O.o

Nagulat ako kasi niyakap niya ako. Sisigaw na sana ako nkaso nagsalita siya.......

"Alam mo ba na muntik na akong mabaliw sa kakanahap sayo?? Sabi ko wag kang lalayo, nalingat lang ako saglit nawala ka na sa paningin ko. Akala ko kung napaano ka na! Saan ka ba kasi nagpunta??", si R-Dane pala to. Tinignan ko yung relo ko at nagulat ako kasi halos isang oras na pala kaming hindi nagkasama. Nagtagalan ba ako sa manghuhula na yun?? O naoccupy lang nung sinabi ni manang ang isip ko kaya hindi ko na namalayan yung oras??

"Sorry hindi ako nakapagpaalam sayo. May pinuntahan lang ako"

"Yesha naman. Haist! =__= Sorry rin kasi iniwan kita. Sorry kasi---------

"Ako ang may kasalanan. Ako ang dapat humingi ng tawad kasi umalis ako nang hindi nagpapaalam. I'm sorry"

nakakahiya, sinisisi pa niya ang sarili niya kahit ang totoo ako naman ang may kasalanan

"Yesha. Hindi ko kakayanin na mawala o mapalayo ka sa akin kaya please wag ka nang aalis ng walang paalam kasi mababaliw talaga ako", bigla namang pumasok sa isip ko yung sinabi ng matanda. Dapat ba akong maniwala?? Kakasabi ko lang na hindi ako naniniwala sa mga hula pero bakit ba nababagabag ako nito.

"Hey! Are you okay?? May nangyari ba nung nawala ka? Namumutla ka kasi...", baka naman nagkataon lang. Yung issue tungkol kay R-Kin...Siguro nagkataon lang yon. Nagkataon lang ang lahat kaya wala akong dapat na ipangamba.

"Oo... I'm okay. Nasaan na yung foods?? Tara kain na tayo", dapat siguro hindi ko na isipin yun. Nagkataon lang naman kasi yun....

Nagkataon nga lang ba? O baka dapat gawin ko na yung sinabi nung manghuhula para walang mangyaring masama?? Hindi ko na alam ang gagawin ko! Please give me a sign. Pero sa ngayon magpapakasaya muna ako kasama ang taong pinakamamahal ko. Sana naman po hindi siya totoo kasi hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon