Yesha's POV
"Abby ano ka ba? San ka pupunta diba napag-usapan na natin ito", ang kulit naman kasi eh. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko.
"Kung ikaw papayag ka na ganun-ganun nalang yun pwes ako hindi!", dapat nga ata hindi ko na sinabi sa kanya na si Malane ang nanakit sa akin. Madadamay pa siya!!
"Eh tapos na naman yun e.Tsaka ayos na naman ako.Kaya wag ka ng makulit pwede ba?", please sana naman makinig siya kahit ngayon lang apakakulet eh
"Sige na nga", parang gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. Minsan lang to makinig sa akin
"Talaga? Hindi ka mang-aaway?", baka kasi nananaginip lang ako
"Oo nga, ngayon hindi pero sa Lunes patay sa akin yang babaeng yun!", naku naman ngayon oo, hindi nya susugurin pero sa Monday naman niya lulusubin
"Ano ka ba naman, nuknukan ka kamo ng kulit", parang baliw lang
"Pwede ba tumigil ka na dyan Yesha, kung mahuhuli man ako ng mga tao ng guidance office atleast nakaganti at naubos ko ang buhok ng babaeng yun!"
"Yun na nga yung point e, baka madetention ka pa dahil lang sa akin, kaya pwede ba kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin"
"Ewan ko sayo, gagawin ko kung ano ang gusto ko.Ngayon maiiwan muna kita dahil maglilibot ako para naman sulit ang weekend ko dahil baka matinde ang maging parusa ko", oh iniisip din naman pala nya yung about dun sa detention thingy pero ayaw parin paawat
Sa Monday ko na nga lang poproblemahin si Insan, alam ko naman na mahal nya ako pero kapag ganito na hindi ata ako makakapayag na madamay siya sa gulong ako ang sangkot .Mahal lang talaga namin ang isa't-isa.
"So ano na ang nangyari sa inyo ni Fafa R-Dane??? Ikaw ha, umaalembong ka na", eto nanaman po kami sa pangungulit niya
"Ang kulit mo din no? Ang sabi ko sayo tinulungan nya lang ako, at kung hindi dahil sa kanya baka andun pa ako sa likod ng school hanggang ngayon", ang kulit ilang beses ko na kayang inulit sa kanya yun. Issue agad eh
"Arte naman nito ayaw pa aminin.Ang damot-damot", aba ako pa daw ang madamot e sya itong ayaw maniwala sa akin
"E si Klyde, anong meron sa inyo ng BBF ko ha???", eto na po ang simula ng isang new chapter *tenen*
"Mortal enemies I guess?", kunwari pa ito baka nga may lihim na pagnanasa ito sa BBF ko e.Ayos yun kung ganun kasi mapapanatag ang loob ko kasi may tiwala ako kay Klyde
"Talaga lang ha??? Ang sabi nga ng iba diba 'the more you hate, the more you love', kaya naman Abby baka naman may gus---------"
"YUCK! IWWWWWW! KADIRI KA! Ako magkakagusto kay Juding, ako Abbelane Clariz Fernandez may gusto kay Klyde? Mangyayari lang iyon kapag sumikat na ang araw sa gabi at pag may nakita ka na , na kulay puting uwak!!!", naku nagsasalita nanaman sya ng tapos tsaka masyadong defensive much si Insan. Lam na this!
"Okay sabi mo e....", mukhang sira na ang araw nya, pero masaya ako na nakikitang apektado si Insan kasi kapag ganun nabubuhayan ako ng pag-asa na may tsansa silang dalawa. Pero sana bumalik si Sky ang tunay na nagmamahal kay Insan
Abby 's POV
"Walang hiya talaga yung babaeng yun sinira nanaman ang araw ko.Ang galing talaga nung Insan kong yun, sa sobrang galing ang sarap itapon sa tulay.GRRRR"
Litsi ako? Magkakagusto kay Juding, ano namang magugustuhan ko dun matalino lang naman siya, mabait, responsable, masarap kasama, laging nakangiti na dahilan para mahawa ka kahit na badtrip ka at higit sa lahat siya lang naman yung lalaking..............................
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...