R-Dane's POV
Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hanggang ngayon nakayakap parin ako kay Yesha. Hindi ko maiexplain yung feeling, sinasabi ng utak ko na hindi ito tama kaya dapat bumitaw na ako pero may part sa puso na nagsasabi na ' wala namang mali sa ginagawa mo, kaibigan mo siya ' ...Seriously.....nababaliw na ba ako???
"Wag kang aalis R-Dane please, don't leave" nagulat lang ako sa sinabi niya. Paanong????
"Ano bang sinasabi mo?? Bakit naman ako aalis??" ,this time natanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya
"Kasi naman kung anu-anong sinasabi mo...parang nagpaparamdam ka na lalayo ka na??", ganun ba yung dating sa kanya ng sinabi ko??
"Ano ka ba?? Syempre ang magkaibigan dapat hindi nagkakalimutan, tsaka pa mo naman nasabi na aalis ako?? Ikaw talaga", tapos ginulo ko pa yung buhok niya.
"Basta....wag kang lalayo sa akin kasi kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para maibalik ka!!!", ampotek....nababakla na naman ako. Bakit ba kasi ganito si Yesha?? Kinikilig ako sa mga sinasabi niya
"Ikaw talaga! Tara na nga ililibre nalang kita ng ice cream!!!", matalino si Yesha at kung dumating man ang araw na makikipagpalit sa akin si R-Kin hindi malabo na mapansin niya yun kahit sa konting maling galaw lang ni R-Kin.
"Anong flavor ba ang gusto mo??", papunta kami ngayon sa parang mini store...ang cute nga e..ang liit
(A/N: Tss. malamang maliit mini nga e...magtaka kung mini store yan tapos malaki pa sa SM...)
Wag mo nga akong awayin Miss Author!!!
By the way back to the story. Nasa loob na kami ng mini store at ang dami din palang pwedeng bilihin dito kahit na mini store lang siya
"Itong vanilla nalang ang sayo..."
"Ah wala na bang ube flavor?? Hindi ko kasi type ang lasa ng vanilla...mas gugustuhin ko pa na wag nang kumain ng ice cream kung vanilla lang din naman ang flavor", hindi ko kasi talaga type yung lasa ng vanilla
"Meron pang ube..Yan may alam na ako tungkol sayo. Una, magaling kang maggitara at sobrang ganda ng boses mo. Pangalawa, ayaw mo ng vanilla flavor" sabay tapik nya sa likod ko, sus...nambola pa maganda daw ang boses ko " Hayaan mo R-Dane dama kita.....ayoko din ng vanilla"
"Talaga lang ha??", parang niloloko naman ako nito ayaw daw ng vanilla flavor pero yun ang hawak-hawak niya, baka nga ayaw =___=
"E kasi naman yung chocolate e, walang almonds. Itong vanilla lang ang may almonds kaya ito na ang kinuha ko....Waaaaaaah loyal kasi ako sa almonds sobrang yummy kaya neto...ang sharap-sharap", parang baliw. Pero pansin ko nga na mahilig siya sa almonds, yung jelly case kasi ng phone niya ang design almonds pati yung palawit.
"Sa bagay hindi naman kita masisisi, masarap naman kasi talaga ang almonds", she's really different. Hindi siya yung babae na makulirete sa katawan, walang make-up or lipstick man lang...Hindi siya masyadong nakoconscious sa itsura niya and that's make her more beautiful...For me being simple is the true meaning of beautiful...
Yesha's POV
Ang takaw namin ang dami naming binili sa mini store, ang cute nga e. Ngayon naglalakad kami sa may sidewalk at syempre ano bang ginagawa ng mga nagkakaibigan?? Edi wala.......................................... .ahahahaha. Nagkukwentuhan lang kami ni R-Dane at marami na akong nalaman tungkol sa kanya...At yung iba nakakapagpahagalpak sa akin ng tawa...Ayaw niya kasi sa chaka dolls kasi nagkaphobia daw siya dun nung bata pa siya dahil kay Tiffany yung asawa ni Chucky. Sabagay sino ba naman ang natutuwa sa mga chaka dolls, nakakatawa lang isipin na kalalaki niyang tao takot siya sa mga dolls...Tapos hindi daw siya yung tao na papalit-palit, isang brand lang daw ang ginagamit niya mapasagamit sa kahit anong bagay...tulad ng perfume ...Ang bango kaya ng scent nun, ayaw naman ishare kung ano yung pangalan ng pabango niya parang tinatanong lang!! Grrrrrrr..
"Hoy! Yesha anong mukha yan??"
"Ewan, hindi ko naman ipagsasabi yung brand ng pabango mo tinatanong ko lang naman"
"Ang kulit mo naman e!!!"
"Nakakainis ka kasi, ayaw mo pang sabihin..Haist!"
"HINDI KO KASI TALAGA ALAM YUNG PANGALAN!"
0_0
Ampupot, kaya pala ayaw sabihin kasi hindi niya alam
"Pagtatawanan mo lang ako kasi wisik ako ng wisik ng pabango pero hindi ko naman alam yung pangalan nun"
"Baliw ka....tara na nga!!"
Naku...mongo talaga tong lalaki to...
Feeling ko talaga dinaig pa namin si Dora, sa isang araw tatlo lang ang napupuntahan ni Dora, e kami kung saan-saan na...At ngayon naman andito kami sa ihawan..
"Isaw nga po", ang sarap kaya ng isaw, nung una ayaw ko kumain nito kasi parang small intestines pero simula nang matikman ko naging isa na siya sa mga favorite ko
"Anong tawag dun sa inorder mo??", nakalimutan ko na may kasama pa pala ako
"Isaw ang tawag dun"
"Hindi mo ba ako aalukin o tatanungin man lang kung gusto ko??", eh?? nakain ba siya ng mga ganito??
"Seryoso?? Gusto mong tikman??"
"Yup! Hindi naman siguro ako mamamatay diyan diba?? Tsaka mukha kasing masarap e"
"Ate padagdag pa nga po ng dalawa"
"Nabusog ako dun"
"Nagulat nga ako kasi halos naubos natin natin yung isaw"
"Nakakatawa nga yung chora ni Aling Tindera e....parang hindi makapaniwala na tayo lang ang makaubos ng isaw niya", kasi binigyan niya lang kami ng ilang-buwaya-ba-ang-laman-ng-tiyan-nyo-look
"Oo nga e, so tara na??",ang daming nangyari ngayong araw na ito....Sobra.....Sana lagi nalang kaming ganito ni R-Dane. Sana walang magbago. Marami na akong alam sa kanya, pero may isa pa akong dapat na matutukan at malaman. Nasesense ko na malapit ko na din naman tong malaman...
![](https://img.wattpad.com/cover/20736956-288-k192934.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...