Chapter 14

6.4K 160 3
                                        

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pagtunog ng bell hudyat na alas dose na ng tanghali at lunch break na pero sa halip na humakbang papuntang canteen ay isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at pinili na lang na umupo uli infront of my computer.

Tila hindi ko ngayon iniinda ang tambak kong trabaho sa mesa dahil mas mabigat ang pakiramdam ko. The scenario in the party is still fresh on me even its already three days ago.

*****flashback*****

Hindi maalis sa isip ko ang mga titig ni lio sa kanya na para bang sila lang dalawa ang nandoon ng mga sandaling yun. Hindi ko maiwasang maramdaman na sa isang iglap bigla sya sa aking nawala, ay mali hindi nga pala sya naging akin.

Nang sandaling iyon isa lang ang pinapanalangin ko kahit imposible umaasa akong huwag syang lumingon dahil I'm afraid, takot ako na baka sa pagtatama ng mga mata nila ay magbalik ang nakaraang pinilit kong burahin kay lio.

This is the first time na natakot ako ng ganito wala akong pinanghahawakan o pinapahalagahan ng husto cause I don't have family or love ones to be cared of not until lio came and brings color to my life.

Hinigpitan ko ang kapit ko sa braso nya pero parang wala syang nararamdaman wala syang ibang nakikita kundi ang babaeng nakangiti ngayon sa aming harapan at ng ibaling ko ang mga mata ko doon ako sinampal ng katotohanan lio is not mine. Nang sandaling nagtama ang mga mata nila at gumuhit ang mga ngiti sa kanila it breaks me into pieces, its a silent killer hindi ko alam kung saan nanggagaling but I know it breaks my heart and slowly stabbing the pieces of it.

Parang kamay ng orasan ang mga hakbang nya palapit sa amin bilang na bilang ko " hi arl, kamusta kana? " matamis nyang bati kay lio na ginantihan naman ng mainit na titig mula sa huli.

Hindi sya nagsalita, walang kahit anong lumabas mula sa bibig nya ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pangungulila," why lio? Bakit sya parin? " gusto kong itanong

" hi tita, tito " baling ng babae sa mga magulang ni lio ng wala syang nakuhang sagot mula dito

" lalo kang gumanda iha " papuri ng ginang sa kanya sabay akay paupo sa tabi nito

Umupo narin kami pero walang nagsasalita " its been a long time sofie, you are now a very successful woman " ang ina ni lio ang bumasag sa katahimikan sa aming lamesa, hinawakan pa nito ang kamay ni sofie tanda ng sinseridad nito

Hindi mapagkakaila ang pagkagusto sa kanya ng mga magulang ni lio sino ba namang hindi she is successful, beautiful, bright and rich she has everything compared to me. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang ikumpara sya sa akin bagay na hindi dapat cause in the first place sya naman talaga ang mahal ni lio

" excuse me po " paalam ko ng tila hindi na ako makahinga sa kinauupuan ko hindi ko na kasi matiis ang mga titig ni lio sa kanya sa kabila ng pananahimik nito. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinaka malapit na rest room, makailang ulit akong huminga ng makaharap ako sa salamin
" everything will be alright Z " pangungumbinsi ko sa sarili ko matapos kong basain ang ilang bahagi ng mukha ko at iretouch ang make up ko ito na lang kasi ang paraan para maitago ko ang sakit ng nararamdaman ko

Agad din akong lumabas ng mapansin kong medyo ayos na ko pero pagbalik ko sa lamesang pinanggalingan ko ay wala na ang dalawang taong kanina lang ay may mga nangungusap na tinginan tanging ang mga magulang na lamang ni lio ang naiwang naguusap sa hapag.

Iginala ko ang paningin ko at nagsimulang maglakad sa garden umaasa na makikita ko si lio gusto ko narin kasing umuwi. Hindi na rin ako nag abala pang bumalik sa aming lamesa mukha kasing may seryosong pinaguusapan ang dalawang matanda at baka makaabala lang ako mamaya na lang ako magpapaalam. I was busy roaming around when I noticed a two shadows behind the big tree at the back of the house medyo kilala ko ang hubog ng katawan nila kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng palapit ako. Wala rin kasing masyadong tao sa lugar na ito dahil konti lang ang ilaw at masyadong likod na ito ng bahay Dahan dahan akong naglakad, iniiwasang makagawa ng kahit na anong ingay, alam kong mali ang makinig o manghimasok sa usapan ng iba but I'm so curious right now pero this is the thing na hindi ko na dapat ginawa tama nga sila curiousity kills because the moment I step closer to them ay mas maliwanag kong nakita ang katotohanang matagal na namang alam ng utak ko pero ikinakaila ng puso ko. They were kissing intimately na para bang wala ng bukas nakaangkla sa leeg ni lio ang mga braso ni sofie habang nakahawak naman sa bewang ng babae ang mga kamay ni lio. You can see that they were almost drowning to the moment makikita mong punong puno yun ng pagmamahal and that very moment bumagsak ang nga luhang kanina ko pa pinagtatakpan.

Nang gabing yun umuwi akong mag isa hindi na ako nakapag paalam pa dahil takot akong makita ng iba ang pamumugto ng aking mga mata isa pa his busy I know ayoko ng maka istorbo pa. I should know my place and that will never be in his heart.

***** end of flashback ***

Napabalikwas ako ng upo ng hampasin ako ni joe " aray bakit ba? " irita kong sabi.

" eh pano ba naman kasi kanina pa kita kinakalabit eh parang wala kang naririnig, ano manhid lang teh "

" bakit ba kasi kumain na ako kayo na lang " pagtataboy ko sa kanya kahit ang totoo eh nakakaramdam na nga ako ng gutom

" echusera to, kumain na ako no "

" eh bakit mo pa ako iniistorbo "

" baklang to hindi mo ba narinig yung announcement pinapapunta tayo sa lobby "

" bakit daw? " tanong ko matapos kong ligpitin ang mga papel sa desk ko pero sinagot nya lang ako ng iling kaya wala narin akong nagawa kundi magpatianod ng hilahin nya ako papuntang elevator

Tanaw ko si cactus mula sa kinatatayuan ko medyo marami narin kasi ang tao kaya hindi na ako nakipagsiksikan

" sino kaya yung magandang babae na yun? " rinig kong bulungan ng mga empleyado na nagpabaling sa akin sa direksyon na pinatutungkulan nila

" everyone I would like you to meet the new director and head of marketing department ........."

Hindi na naging malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi ni mr. Chan dahil sapat na ang presensya ng babaeng palapit ngayon sa kanya upang guluhin ang kanina ko pang magulong isip

Her pointed nose, straight hair, red lips , pale skin is a full package of her complexion together with her red tube dress and white blazer saying she owns everything.

My biggest question is what is she doing here, huwag nyang sabihing hanggang dito ba naman ......

Sofia Thalia Young is my living nightmare.








*****good eve guys busy sa work but still nakatapos ng isa hehehe again reads and votes are very much appreciated 😍😍😍😍

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon