Regret
One of the most painful feeling you could ever felt*******
" mag iingat ka ha, call me if you needed anything at isa pa huwag kang magpapapasok ng hindi mo kilala "Paalala ni steven kay Zia bago lumabas ng bahay at sumakay sa pula nitong kotse. Napangiti na lang si Zia sa inaakto nito kung tutuusin kasi ay para na silang magkatuwang dahil sa pagiging maalalahanin nito sa kanya pero hindi nya nakakalimutang bigyan ng limitasyon ang lahat.
" hey bro hapon was asking kung pupunta ka daw ba mamaya sa bar around 8 "
Abala sa pagpipirma ng mga dokumento si steven ng dumating ang pinaka alaskador nitong kaibigan si Silver. Agad itong umupo sa kanyang harapan kahit na hindi pa naman nya ito inaanyayahan ay prente na itong umupo sa harap nya.
" I'm busy kaya kung pede monte mayor umalis kana "
Ipinagpatuloy nya ang ginagawa subalit hindi parin sya tinigilan nito. Itinaas pa nito ang mga paa sa upuang kaharap upang maagaw ang pansin nya.
" busy o nagmamadaling umuwi? , alam mo chan maiintindihan naman namin kung sasabihin mong your in a rush cause someone is waiting for... "
" fine Darating ako "
Putol ni steven sa susunod na sasabihin nito. Napabuntong hininga na lang sya sa kulit ng kaibigan nya pero sila lang naman ang meron sya kahit kasi ganun sila ay batid nyang laging buo ang suporta ng mga ito sa lahat ng desisyon nya.
" Good darating nga pala si kevin mamaya kaya huwag kang malilate "
Tumayo na ito at agad ding umalis matapos makuha ang sagot na kanina pa nito kinukulit sa kanya. Napailing na lang si steven at agad na nagtext to tell Zia that he will be going home late for tonight.
********
" manang ines gaano katagal na po kayo naninilbihan kay steven? "Usisa ni Zia sa tagalinis ng mansyon na dumarating isang beses kada linggo. Maaga kasi itong nagsimula kanina kaya napag isipan ni Zia na paglutuan ito ng tanghalian para may kasabay narin sya kaya kasalukuyan sila ngayong kumakain ng panghimagas para makapagpahinga narin ang ginang.
" Ay halos mag lilimang taon na po maam "
" Buong bahay po talaga ang nililinis nyo as in lahat ng sulok? "
Isinubo nya ang huling piraso ng cake na pinagsasaluhan nila ng matanda
" opo maliban sa kwartong nasa gawing kaliwa ng opisina ni sir "
" ho eh bakit po? Napansin ko nga na laging nakasarado ang kwartong iyon "
Sabay baling nya ng tingin sa direksyon kung nasaan ang sinasabing silid
" hindi ko rin po alam basta magmula ng pumasok ako rito ay ni isang beses ay hindi ko pa po iyon napapasok "
Napalingo lingo na lamang si Zia at ng mapansing tapos na ang matanda ay nagkusa na itong iligpit ang pinagkainan.
********
Colorful lights, loud music and flooded drinks yan ang naabutan ni steven ng makarating sya sa bar. Agad nyang nasumpungan ang mga kaibigan nyang nasa lamesa na malapit sa entrance pero bahagyang tago ito mula sa karamihan cause its one of their VIP section.

BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...