Lumipas na ang ilang linggo mula ng magising si Zia. Unti unti naring bumubuti ang kalagayan nya subalit wala paring ni isang alaala ang nagbabalik sa kanya.
" anong tinitingnan mo? Bakit may masakit ba sayo? "
Nilapitan sya ni kevin at nagtanong ito ng may pagtataka. Lingo lingo kasi sya nitong dinadalaw upang masuri ang kalagayan nya at lubos nya yung ipinagpapasalamat.
" bakit malaki ang tyan ko? "
Hindi mapigilan ni kevin ang mapangiti sa walang malay na tanong ni Zia habang titig na titig ito sa umbok ng kanyang tyan. Umupo ito sa tabi nya at inilapat ang dulo ng stethoscope sa tyan nito habang ikinabit naman nito ang kabilang dulo sa kanyang tenga.
" naririnig mo ba? That was your babies heart beat " Ngumiti ito sa kanya as a sign of assurance.
" Baby? " tumango lamang si kevin bilang sagot at unti unting nalilinawan si Z tungkol sa kanyang kalagayan.
" Alam mo ba kung sino ang ama ng baby ko? Si..... Steven.... " may pag aalinlangan pa si Zia sa huli nyang tanong
" It's not mine " malamig ang boses ng sumagot sa tanong ni Zia at kapwa sila napatingin ni kevin sa lalaking nakatayo ngayon sa pinto habang seryosong nakatitig sa kanya.
" at hindi ko alam kung sino ang ama ng dinadala mo, isa lang naman akong taong nagmagandang loob na tulungan ka ng makita kita sa kalye na walang malay at duguan and it happens na your one of my employees kaya I felt obligated to lend help "
Hindi na muli pang nagtanong si Zia at yumuko na lamang matapos marinig ang pahayag ni steven. Mula kasi ng magising sya ay tila naging ilag ito at malamig sa kanya gayun pa man wala syang lakas ng loob upang magtanong kung bakit lalo pa at malaki ang utang na loob nya dito.
" Get rest Z, babalik na lang ako next week OK "
Sabay na lumabas ang dalawang lalaki sa kwarto upang makapagpahinga na daw si Zia pero wala pang sampung minuto ng mauhaw ito kaya nagpasya syang lumabas ng silid.
Bago pa man sya nakababa ng hagdan ay nadaanan nya ang opisina ni steven hindi na sana nya papansinin ang nakaawang na pinto ng marinig nya ang kanyang pangalan mula sa usapan ng dalawa.
" So what are your plans for Zia? " tanong ni kevin kay steven
" Sa oras na tuluyan na syang gumaling ay kailangan na nyang umalis sa poder ko, If its not for sofie ay hindi ko naman to gagawin "
Umalis na si Zia sa tapat ng kwarto bago paman nya narinig ang huling sinabi nito. Sa isip nya tama nga naman si steven he already done so much for her, hindi birong mag alaga ng patient under coma sa mahabang panahon. It already cost steven's money, time and effort to the fact na wala naman talaga itong responsibilidad sa kanya.
" Yes, papunta na ako "
Nagmamadaling inayos ni steven ang necktie nya na tumiterno sa asul nyang polo na pinatungan ng dark blue armani. Papunta sya ngayon sa party na dadaluhan ng sikat na mga personalidad sa bansa at bilang isa sa mga pinaka batang tycoon sa larangan ng negosyo ay isa sya mga naimbitahang dumalo dito.
Pababa na sya ng hagdan ng masalubong nya si Z na may dala dalang pagkain galing sa kusina. Sandali lamang sya nitong tinignan ngunit nag iwas din agad ng tingin, mukha pa naman itong may itatanong pero hindi na lamang tumuloy subalit nilagpasan na lamang nya ito at hindi na pinansin. Linggo kasi ngayon kaya wala ang nurse na umaalalay dito pero mukha namang sapat na ang lakas nito to move on her own.
" mr. Chan, its nice to see you here "
" same here mr. Pascual "
Isang matandang negosyante si mr. Pascual na kilala sa electronic industry. Ito ang sumalubong kay steven ng dumating ito sa venue ng lugar. The party went smooth with all the conversations regarding business. Ayos na sana ang buong gabi nya kung hindi lang naagaw ng pansin nya ang dalawang bultong paparating na nagpa igting ng panga nya.

BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
Fiction généraleMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...