Chapter 42

5.9K 169 14
                                    

Patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata kahit halos mag tatatlong araw na ang nakararaan mula ng paalisin nya sila steven sa bahay. Nauubusan narin sya ng mga dahilan sa tuwing itinatanong ng anak kung bakit Hindi pa umuuwi ang ama nito sa bahay. Hindi narin sya nakatanggap pa ng kahit na anong tawag nor messages mula dito.

Nakamasid lamang sya sa bintana at pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan sa labas nang tumunog ang doorbell kaya minabuti na lamang muna nyang daluhan ito.

Kumunot ang kanyang noo nang mabungaran ang lalaking basang basa ang buong katawan.

" Ano pong ginagawa nyo dito sir? "

Walang imik itong nakatitig lamang sa kanya. Mga tingin na halos ikatunaw nya.

" Kung tungkol po to sa pagliban ko sa trabaho..."

" It's about us "

Putol nito sa sasabihin nya na nakapag pakunot sa kanyang noo.

" Us? Anong ibig mong sabihin? "

" Niloloko ka lang nya Z, pinagsamantalahan nya ang kondisyon mo "

" Tama na... "

Buo ang naging pagtitimpi ni Zia sa bawat salitang binibitawan nya habang unti unting humahakbang si lio palapit sa kanya.

" Nagsinungaling sya, itinago nya sayo ang totoo, Itinago ka nya sakin "

" I said stop it... Please u-ma-lis kana "

Natigilan ito sa naging aksyon nya at tila makikita sa mukha nito ang pagtataka.

" Hindi ka nagagalit? Don't tell me ... Don't tell me "

" Oo naaalala ko ang lahat at alam ko na kung anong ginawa nila "

Binalot ang dalawa ng katahimikan bago muli itong basagin ni lio.

" Kung ganun babalik kana sakin? "

Tinitigan ni Zia ang lalaking ngayon ay punong puno ng kagalakan na agad din namang nawala ng sagutin nya ito ng iling.

" No... Oo niloko nila ako, pinaniwala at naging biktima ako pero hindi yun sapat para balikan pa kita lio "

" But why Z ... May anak tayo... bago ka nawala may mga plano na tayo. Hinanap kita and for how many years I'd been looking for you "

Matigas ang emosyon ni Zia ng mga oras na yun. Punong puno ng panlulumo at pakikiusap ang tinig ng lalaking halos lumuhod na sa kanyang harapan.

" yah may mga plano tayo pero huwag mong kalilimutan na ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung mas nagtiwala ka lang sana sa akin.... Kung hinayaan mo akong magpaliwanag.... Kung hindi ka nagmatigas at ipinagtabuyan ako ng gabing yun.. Hindi sana ako naaksidente at hindi ka sana nawala sa buhay namin ng anak ko "

Pumatak narin ang mga luha mula sa malamlam pang mga mata ni Zia. Ang akala nya ay natuyo na ito sa tatlong araw na pag iyak pero may ibababaha pa pala ang kanyang mga mata. Ang ipinagkaiba lamang ay kung para saan ang mga luhang iniiyak nya.

" Pano si stefen? "

" Hindi ko ipipilit sayo ang anak ko. Mula pa noon malinaw na ang naging usapan natin before you agreed to be my baby maker. Sa akin ang anak ko Lio at sayo ang kalayaan mo. Your a bachelor, your rich and handsome hindi mo kailangang bahiran ang reputasyon mo. "

" No I want my child Z, ipinagkait na sakin ang halos limang taon na dapat ako ang kasama nya at kinikilala nyang ama at hindi ang steven na yun. And now that I know that his mine hindi ko na hahayaang mawala pa sya sakin "

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon