Chapter 21

5.8K 152 5
                                    

Buong magdamag akong hindi nakatulog kaya maaga akong gumayak para mag report sa opisina. By 7 am ay nasa office na ako maaga na yun kaysa sa usual kong dating. Wala namang pinagbago bukod sa dalawang bundok na papel sa mesa ko with matching note to passed it by the end of the week, mabuti na lang pala at maaga akong nakapasok.

Mas maigi narin kasi ito hitting 2 birds with one stone bukod kasi sa matatapos ko ito ng maaga eh kahit sandali lang ay makakalimutan ko ang pag aalala ko kay lio na hanggang ngayon ay hindi ko parin macontact.

Inexpect ko na magagalit si mr. Chan sa biglaan kong leave lalo na at on going ang project na hinahandle ko pero he just treat me as usual at ikinahinga ko yun ng maluwag.

After office hours ay nagpasya na rin akong bisitahin si lio sa office nya bagay na hindi ko naman dati ginagawa eh pano hindi nya kasi sinasagot ang mga messages ko at cannot be reach din sya kaya he left me no other choice but to meet him personally.

" Hi, can I talk to mr. Degrado pakisabi nandito si Zia " bungad ko sa sekretarya nya

" ah yes maam Zia kayo po pala " ipinagtaka ko ang naging sagot nito

" You know me? " sinagot lang ako nito ng tango. Ikinibit balikat ko na rin yun pero good thing dahil agad nya rin akong pinapasok.

Nang makapasok ako sa loob ay napangiti ako ng masamyo ko ang amoy ni lio atlast his presence is finally here. Pinagmasdan ko sya habang nakaharap sya sa kanyang malawak na bintana habang nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung batid nya bang nandito ako o pinakikiramdaman nya lang ako.

Unti unti akong lumapit sa kanya at ng hindi sya kumilos ay yinakap ko sya mula sa likuran. Naramdaman ko ang pagpitlag nito sa pagkakayakap ko pero hindi ko parin tinanggal ang mga braso ko.

" I'm sorry I thought..... " bungad nito ng makaharap sa akin

" You thought what? " may pagtataka kung tanong.

" wala ahm what are you doing here? " tanong nya na mas nagpabigat sa nararamdaman ko. Ni hindi man lang nya ako inalok na umupo muna.

" Seriously? Iniwan mo kong mag isa dun sa isla and you never answer my calls nor my messages and then yan ang itatanong mo? " tinitigan ko sya at nag intay ng mga panunuyong salita pero nanatili syang tahimik kaya napabuntong hininga na lang ako dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

" I thought coming here is not a good idea, pasensya na nakaistorbo pa ata ako " tinalikuran ko sya at mabigat ang mga hakbang na naglakad palapit sa pinto pero agad din naman akong napahinto ng maramdaman ko ang pagyakap nya mula sa aking likuran.

" I'm sorry baby, please don't leave " bulong nito sa punong tenga ko

Hinarap ko sya at pinagmasdang maigi ang maamo nyang mukha, nakapikit ito na para bang nahihirapan habang malalim ang iniisip

" lio ano bang problema? you know that you can tell me diba ? Ayoko ng ganito tayo " may pagsusumamo kong turan dito habang sapo sapo ko ang mukha nya pero iling lang ang isinagot nito

" Alam kong meron kaya please.... " hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ay agad nya akong inakap ng mahigpit gusto ko mang magprotesta pero sa di malamang dahilan ay hinayaan ko na lamang sya. Ayokong pilitin sya kung hindi pa sya handang sabihin.

Nanatili kaming ganun ng halos sampung minuto at kung hindi lang tumunog ang telepono nito ay baka mas tumagal pa.

" sagutin mo na, pang limang ring na nyan " tukoy ko sa telepono nito na nasa kanyang bulsa. Kanina pa kasi yun tumutunog pero hindi nya lang pinapansin kaya ako na mismo ang humiwalay sa pagkakayakap nya sa akin.

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon