" Ang dulo ay hindi nangangahulugan ng katapusan dahil kung minsan ito ay hudyat ng panimulang ating pinakahihintay"*******
Malamig ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha sa kabila ng pag ahon ni haring araw sa dakong silangan ng verandang kanyang tinatayuan.Ipinikit nya ang kanyang mata at taimtim na nagdasal at kinausap ang may kapal hindi para iligtas o kahabagan ang kanyang kalagayan kundi upang magpasalamat sa mga nalalabing sandali ng kanyang buhay. Walang sagot ngunit ang loob nya'y panatag at walang bahid ng galit at imbot para sa maykapal.
Umupo sya sa silyang tila nakahanda para sa kanya. Dinama ang tigas ng kahoy na humahaplos mula sa likod patungo sa mga braso nya at muling pinagmasdan ang paninilaw ng kalangitan. Inaasam nyang muli itong masumpungan ngunit sa isiping yun pumasok ang panghihinayang dahil sa mga sandaling yun tila inaakap narin sya ng kamatayan.
" What are you doing here? Malamig pa sa labas baka mahamugan ka "
" Theres a roof Z " pagbibiro pa nya upang mapagaan ang pakiramdam ng babaeng kanyang pinakamamahal.
Dahan dahan itong lumapit at tumabi sa kanya. Inabot nya ang mga kamay nito at saka hinagkan. Dinama nya ang balat nito at ipinikit ang mga mata na tila kinakabisa ang pakiramdam habang ito ay tangan pa nya.
" Huwag mo akong kakalimutan pwede ba? "
Tiningala nya ito at tinitigan sa mga mata habang hawak parin ang kamay ni Zia.
" What are you talking about? Bakit namin kita kakalimutan "
Muli syang humarap sa kaparangan at nagpinta ng mga ngiti sa kanyang labi. Batid nya ang init ng mga tingin ng babae sa kanya na hindi nawaglit mula pa kanina.
" Don't you ever leave me steven... Kung ayaw mong makalimutan kita "
Pagbabanta, pagsusumamo at hinanakit ang naging laman ng mga salita ni Z pero tila naging biro lamang ito sa pandinig ng lalaki.
" Lalaban tayo diba? You promised me "
Hinawakan nya ang mukha nito upang maiharap sa kanya ngunit muli lamang kinuha ni steven ang mga kamay nya at mahigpit itong hinawakan na animoy may babawi nito mula sa kanya.
" I'm tired "
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni steven. Pinakatitigan ni Zia ang mukha nitong nananamlay na. Mga matang napaliligiran ng itim dahil sa mga gabing hindi ito dalawin ng tulog dulot ng sakit na sumusuntok sa kanyang sintido. Ang nanunuyong labi na tinakasan narin ng buhay at ang mga matang may pinaghalong saya at pighati.
" I tried ... I tried pero ayoko ng pahirapan ka pa ... this is not the life I dream for you Z ..kapag dumating ang araw gusto kong magmahal ka ... I want you to be happy... to be with someone but please.... please don't forget me .... huwag mo akong kakalimutan ha? "
Hindi na napigilan pa ni Zia ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Nasanay syang palaging nakangiti sa harap nito upang mapawi ang lahat ng pag aalala at pag aanlingan ni steven ngunit sa kabilang banda wala parin itong nagawa upang maibsan ang pait at sakit ng katotohanang lumalandas sa kanilang harapan. The smell of death is coming pero hindi nya yun kayang tanggapin hindi ngayong tanggap na nya ang totoong damdaming tinikis nya para rito.
" Sige I'll let you but in one condition "
Pinahid nya ang mga luha sa kanyang mga mata at matamang tinignan si steven.
" Ano yun? "
Naging tila bulong ang naging tugon nito.
" Marry me ... hindi ka pwedeng umalis hanggat hindi mo ako hinaharap sa altar ok? Papakasalan mo pa ako ... panagutan mo tong nararamdaman ko kaya hindi mo pa ako pwedeng iwan ... hindi pa ngayon steve "
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...