Isang tawag mula kay brix ang natanggap ni steven ng makarating sila sa bahay ni Z.
" hey bakit ka tumawag? "
" guess whose here "
" Pwede ba I don't have time for this "
Ibababa na sana nya ang tawag nang muling nagsalita ang nasa kabilang linya
" Its your half brother, his been asking about the girl in your house. Nasa bar ako ngayon at kanina nya pa kami kinukulit "
Tila nagpantig ang tenga ni steven sa narinig kahit pa kasi alam nya naman na uuwi ito ay tila mas napaaga pa ito sa inaasahan nya.
" just shut your mouth and don't spit anything "
Nanginginig ang mga kamay nya ng maibaba nya ang telepono. Sinundan nya ng tingin ang dulo ng hagdan. Kanina lang ay walang pagsidlan ang sayang nararamdaman nya subalit ngayon ay napalitan na ito ng matinding takot.
His been paranoid dahil maya't maya ang naging pagbaling nya sa pinto. Nagpabalik balik din sya sa sala ngunit nanatiling blanko ang utak nya. Alam nyang sa mga oras na yun ay inaatake na naman sya ng depresyon at hindi nya gustong makita sya ni Zia sa ganung kalagayan kaya pumunta sya sa lugar na halos dalawangpung taon na nyang kinakapitan sa tuwing nararanasan nya ang mga bangungot at takot na paunti unting pumapatay sa loob nya.
Sumandal sya sa hamba ng kama sabay salampak sa sahig. Lihim na nananalangin na sanay mas mabilis na mawala ang panginginig ng kanyang katawan pagkat anumang oras ay maaari na syang hanapin ng babae ngunit ilang minuto lang ay naramdaman nya ang presensya nito sa kanyang tabi.
Hindi nya iniangat ang kanyang ulo pagkat takot ang bumugso dito na baka husgahan lang sya nito ngunit ilang sandali lang ay nakita na lang nya ang sariling nagkukwento at paisa isa ay isinisiwalat nya ang mga sekretong hindi nya pa naikikwento sa kahit na kanino.
" You won't leave me? Katulad ng ginawa nilang lahat? "
Tanging ang pagtango ni Zia ang nakapagpakalma sa kanya. Ang mainit na yakap mula dito at masuyong haplos ay naging sapat para sa kanya sa mga oras na iyon.
********
Limang taon....... Limang taon ang lumipas ng iwan nila ang pilipinas. Puno man ng pag aalinlangan ay pinili ni Zia na damayan ang tanging taong naging kanyang sandalan noong nag iisa pa sya. She pursue her career as an interior designer abroad. Muli syang nagtake ng mga courses to review her knowledge regarding her previous work at nagamit nya ang natutunan maging ang taglay na kakayahan upang makilala at maging katangi tangi sa larangan." are you sure? Bakit parang biglaan ata "
Hindi maiwasang magtaka ni Zia sa biglaang pagpayag ni steven na umuwi ito ng pilipinas. Sa nakaraang limang taon kasi ay batid nyang iniiwasan nitong mapag usapan ang pagbalik sa bansang kanilang pinanggalingan. She thought that they will stay in london for good.
" MARINARA INC. will launch the building of the biggest and highest sky craper in the philippines and I know that its your dream to be part of the team kaya hindi ko hahayaang ako ang maging hadlang sa pangarap mo "
Masuyo nitong hinaplos ang ulo ng babae habang matiim itong tinititigan. For all the years steven was always supportive batid nya na kung wala ito ay marahil wala narin sya sa kinatatayuan nya.
" Lets go, masisira ang make up mo, may meeting pa naman tayo for your contract signing at isa pa kailangan na nating makauwi baka galit na si boss "
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...