Chapter 16

6.2K 168 1
                                        

Tagaktak ang pawis ko ng makarating ako sa meeting place namin. Ngayon kasi ang company outing namin at sa kasamaang palad eh nahuli ako ng gising.

" ano ba zia kanina kapa hinihintay " pagsusungit sakin ni rhian pero hindi ko na lang pinatulan

" napaka arte talaga, eh wala pa nga yung sasakyan eh " suporta naman sakin ni joe na ginantihan ko na lang ng ngiti

Its already 5:00 ng dumating ako pero madilim parin, marami rami narin ang mga tao

" sir parating na raw po ang mga bus kaya lang unexpectedly ay nasira ang isa along the way kaya gusto nilang malaman kung ilan daw po tayong lahat " rinig kong sabi ni Ms.Anne na may himig ng pag aalala

Doon ko napansin si cactus na seryosong nakikinig sa kanyang sekretarya na tinanguan nya naman kaya sinimulan na ang pagbibilang

" wala na bang nakalimutan? Kumpleto naba tayo ? " tanong ni ms.Anne ng may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran

" were here " ngiting ngiti na sabi ni sofie pero mas naka agaw ng pansin ko ang lalaki sa kanyang likuran na matamang nakatitig sa akin pero agad din naman itong binawi at nilampasan ako ng tingin na parang hindi ako kilala

Kapwa kami nakatingin sa mga mata ng bawat isa ng sandaling iwan sya ni sofie para pumirma sa attendance sheet. Gusto ko syang tanungin, gusto ko syang kausapin pero sa huli ako rin ang nag iwas ng tingin.

Akmang tatalikod ako ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko pero hindi nya rin naituloy ang sasabihin ng biglang dumating si sofie para ibalitang pede na kaming sumakay.

Nakagagaan sa pakiramdam na makita ang dagat sa kabila ng init na dumadampi sa balat ko. This island is one of the kind here in Isla Verde kahit papano napapawi ang mga iniisip ko pero mas maganda sana kung hindi ko sila nakikitang dalawa.

Tinanaw ko ang mga kasama kong manghang mangha sa dalampasigan mabuti na lang talaga at kahit papaano ay may ganitong programa ang kompanya pamawi ng ilang buwang stress sa trabaho

" Zia halika na magsisimula na ang team building " tawag sakin ng isa sa mga katrabaho ko kaya agad naman akong sumunod dito. Dahil sa marami rami kami ay napagdesisyunang hatiin kami sa ilang mga grupo to conduct the activities.

" ok so were going to group ourselves into two and look for the clues na itinago sa bawat katapusan ng mga challenges until you can get the final answer na bubuo sa bugtong na nasa papel na mabubunot nyo " panimula ng MC

Agad namang naghanap ng mga kapareha ang bawat isa lalapitan ko sana si joe pero mukha namang binakuran na nya yung isang maputing lalaking crush na crush nya, samantalang si lio as usual ay kay sofie na, sayang gusto ko pa naman sanang sumali pero ok narin pwede naman akong magliwaliw na lang sa may batuhan kaysa maghapong makita sila sofie na naglalampungan.

" come here I'll be your partner " halos man laki ang mata ko ng biglang hawakan ni cactus ang mga kamay ko at mukhang hindi lang ako ang nagulat sa ginawa nya dahil halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga kamay naming dalawa. Pero ng ibaling ko ang mga mata ko kay lio ay parang wala lang sa kanya.

Masyadong matataas ang sukal sa mga dinadaanan namin pero hindi namin yun napapansin dahil kahit papaano ay nag eenjoy kami sa thrill ng laro ay mali mukhang ako lang pala dahil itong kasama ko ay parang tuod lang na dirediretsong naglalakad

" sandali nga sir, ang bilis nyo namang maglakad eh, pano tayo makakahanap ng clue kung ganyan kayo " sermon ko na mukhang hindi nya naman pinansin

" what ever " maikling sabi nya sabay nagtuloy tuloy sa paglalakad kaya napabilis narin ang mga hakbang ko para lang maabutan sya pero dahil sa bilis ng lakad nya ay bigla na lang syang nawala sa paningin ko

" sir?? Sir !! " tawag ko ng tuluyan ko na syang hindi makita pero isang malakas na hawak sa braso ko ang nagpatigil sa pagtawag ko

" what are you doing " may diin kong sabi habang binabawi ang braso ko

" can we talk? " its lio na seryosong seryoso ang mukha habang hinuhili ang paningin ko

" were talking " sabi ko sabay lihis ng tingin sa kanya, iniisip ko kasi na baka nakasunod sa kanya si sofie pero mukhang kami lang dalawa ang nandito

" I'm sorry, hindi na kita nahatid dun sa party " sensero nitong sabi

" its ok wala na yun " pagsisinungaling ko dahil kahit anong sabihin ko alam ko sa sarili kong dinamdam ko ang gabing iyon.

" are you mad at me " hinawakan nya ang pisngi ko para iharap sa kanya ang mga mata ko pero hindi ko sya magawang titigan sa mata

" hindi ako galit at naiintindihan kong mas importante sayo si sofie kaya please let me go baka makita pa nya tayo at kung ano pang isipin nya "

Agad ko syang tinalikuran at patakbong lumayo sa kanya habang naririnig ko ang paulit ulit nyang pagtawag sa pangalan ko.

Gusto ko sanang ayusin ang kung anong meron kami pero tama na sigurong iwasan ko na lang sya tutal sya naman ang naunang tumingin sa akin kanina na akala mo ay hindi ako kilala pero hanggang ngayon mukhang hindi parin natutuyo ang tubig sa mga mata ko dahil umaagos parin ito kahit pigilin ko.

Dahil sa walang sawang pag agos ng luha ay bahagyang lumabo ang paningin ko at hindi ko napansin ang nakausling ugat sa dinadaanan ko dahilan para mapatid ako nito at mahulog sa hindi kalalimang pampang sa gilid nito habang bahagyang humampas ang ulo ko sa isang malaking bato.

Pinilit kong itayo ang mga paa ko sa kabila ng kakaunting hilo na nararamdaman ko pero parang may kung anong naputol dito at hindi ko magawang tatagan ang pagtayo. Ang paulit ulit kong pagpilit ay nauuwi lang sa paulit ulit ko ring pag bagsak hanggang sa kusa na akong tinakasan ng lakas. Napatingala ako at napansing ilang sandali na lang at magdidilim na, makailang ulit rin akong sumigaw upang humingi ng tulong pero parang walang nakaririnig I feel so helpless.

Habang tumatagal ay hindi lang lamig ang lumulukob sa akin kundi pati narin takot. I am alone and I have no idea if somebody knew that I'm lost.

" may naghahanap kaya sakin? " hindi ko maiwasang itanong habang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa habang lalong lumalalim ang gabi kasabay ng pag usbong ng matinding kirot sa ulo ko hanggang sa hindi ko na namamalayan ang paunti unting pag pikit ng mga mata ko.

" lord iligtas nyo ko " piping dasal ko sa isip ko ng makarinig ako ng kaloskos at isang pamilyar na bulto ang namataan kong palapit sa akin.

Bakas sa mukha nya ang pag aalala at hindi ko inaasahan ang pagdating nya ganun pa man I am very much thankful cause the least person I'd expect is the one who came to stand as my saviour.

" I'm here you will be safe " pagtitiyak nya saka ko naramdaman ang paglutang ko sa ere at pagkapit nya sa katawan ko upang maipadama ang init nito bago ko tuluyang naipikit ang mga mata ko.

At last I am safe.........




***** hi guys sorry sa slow update wala eh busy pero sa tingin nyo sino ang saviour ni zia??? Can it be a new start or it will be a piece for her future journey?? Your reads, votes and comments are very much appreciated.😘😘

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon