Jealousy and hate
Selos at inggit ang pangunahing sanhi ng galit*******
Sinubukan nyang sirain sila gamit ang mga larawang ibinigay sa kanya ni steven pero taliwas sa inaasahan nya ang kinahinatnan ng nangyari.Umaasa sya na sa mga oras na yun sya na ang makikita ni lio subalit hindi nya ikinatuwa ang mga narinig nya.
" please hear me first, ayusin natin ito para sa baby natin " turan ng babae kay lio
She was shock cause she doesn't expect what Zia said. Nasa likod lamang sya ng pinto dahil papasok sana sya upang aluin si lio ng marinig nya ang pagtatalo ng dalawa.
Agad syang lumabas ng building at sumakay sa sasakyan nyang nakaparada sa labas. Masikip ang dibdib nya sa mga narinig alam nya na kahit anong gawin nya ay mawawalan lang din ng halaga kung may anak ng namamagitan sa dalawa
" NO...NO...NO " pinaghahampas nya ang manibela habang patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata
Pinakalma nya ang sarili subalit mahigpit parin ang kapit nya sa manibela. Isang bulto ng babaeng lumabas mula sa building ang umagaw sa kanyang pansin.
" kailangang mawala kana "
Sa di malamang dahilan ay nandilim ang kanyang paningin. Sinimulan nyang paandarin ang sasakyan at sinadyang patayin ang head light upang walang makapansin. Pinaharurot nya ito at sakto namang walang tao sa lansangan dahil sa lakas ng ulan at lalim ng gabi, patay sindi rin ang ilaw sa kalsada ng gabing iyon.
Nawala sya sa sarili ng maramdaman ang malakas na pag alog ng sasakyan. Agad nya ring natapakan ang break at mistulang nahimasmasan sa nangyari. Lumabas sya ng sasakyan at pinagmasdan ang nakahandusay at duguang babae sa kanyang harapan.
" Anong nagawa ko? "
Tanong nito sa sarili sabay hagod ng kanyang buhok. Nanginginig na rin ang kanyang katawan habang pinagmamasdan ang pag agos ng dugo kasabay ng tubig sa kalsada.
Inikot nya ang kanyang paningin tinitiyak kung may tao sa paligid at ng matiyak na wala ay dahan dahan nyang hinila ang katawan ng babae papasok sa kanyang kotse. Matapos ang ilang minuto ay tagumpay nya itong naisakay sa backseat.
Nanginginig ang mga kamay nyang nakalapat sa manibela iniisip kung ano ang dapat nyang gawin at isang tao lang ang malalapitan at makakapitan nya sa panahong ito.
" please answer your phone "
Aligaga sya habang hinihintay na sagutin ng kanyang tinatawagan ang kabilang linya
" hello "
Napahikbi sya ng marinig ang boses ng lalaki bagay na nagpa alala sa kausap nya
" Sofie what happen?, sofie where are you? "
" Please help me steve, ayokong makulong tulungan mo ko "
Puno man ng pagtataka ay agad na umalis ang lalaki sa party na dinaluhan nya upang puntahan ang babaeng kanina pa hindi mapakali at halos masiraan na ng bait dahil sa nagawa nya.
" what happen sof? "
Bungad ni steven ng makarating sa parking lot ng condo ni sofie pero labis nyang ikinagulat ang natagpuan nya sa backseat nito.
" what the hell sofie?, Zia do you hear me "
Pinipilit ni steven alamin kung may malay ito subalit walang syang nakuhang kahit na anong reaksyon. He doesn't even know if Zia is still alive.
" hello kevin I need your help its an emergency, Lets meet in my house now"
Agad nyang tinawagan ang doktor nyang kaibigan dahil ayaw ni Sofie ipadala sa ospital si Zia kaya wala syang pagpipilian kung hindi dalhin ito sa kanyang bahay at umasa na lamang na magagawan ito ng paraan ng magaling nyang kaibigan.
" magpahinga ka muna ako na ang bahala sa kanya, umakyat kana sa unit mo ok? " hinalikan nya ito sa noo subalit dama parin ni steven ang panginginig ng katawan nito mabuti na lamang at tumalima rin ito sa sinabi nya.
Agad nyang pinaharurot ang sasakyan pauwi sa kanyang tirahan. Dahan dahan nyang binuhat ang halos wala ng buhay na katawan ni Zia at iniakyat sa kanyang kwarto. Walang ibang tao sa mansyon dahil mag isa lang naman sya at hindi rin naman sya nagha hire ng katulong na mag iistay sa bahay kaya wala syang pinagaalala na may makakakita sa kanya.
Napasalampak na lamang sya sa sahig ng mailapag si Zia sa kama. Hindi nya lubos maisip na nakapasok sya sa ganitong klaseng gulo lalo na at hindi naman na iba sa kanya si Zia.
Napabalikwas sya ng tayo ng makitang gumalaw ang mga kamay nito kaya agad nya itong nilapitan.
" Pa..pa..... Ba....ko.. "
Wala syang maintindihan sa mga sinasabi nito pero sa higpit ng kapit nito sa mga kamay nya batid nya na importante ang gustong sabihin nito
" Ang...... Ba.....by...... Ko...."
Halos takasan sya ng loob sa mga narinig nya hindi nya akalaing buntis ito at sa mga oras na yun dalawang buhay ang namimiligro.
" bro ano ba yung emergency... What the ... Ano ito steven dapat dinala mo na ito sa ospital "
Gulat na gulat ang kaibigan ni steven ng mabungaran nya ang kalagayan ni Zia sa kama.
" gawin mo na lang ang makakaya mo, tell me everything that you need ako ng bahala "
Tinitigan lang sya ng kaibigan na parang hindi makapaniwala pero sa mga oras na yun wala narin naman syang pagpipilian. He need to do everything para mailigtas ang pasyente kahit pa marami syang gustong itanong ay isinantabi na lang muna nya ito lalo pa at habang tumatagal ay paliit ng paliit ang tsansa nyang mailigtas ang babae.
" isa pa nga pala she's pregnant "
Halos maikuyom nya ang mga kamay nya. Isa na siguro ito sa pinaka malaking hamon sa kanya bilang doktor. Wala ng oras para dalhin pa ito sa ospital kahit gustuhin nya pa. Hindi rin kumpleto sa gamit ang bahay. Ipinikit nya ang mga mata at nagisip maigi, sinimulan nyang pulsuhan ang babae at ang katiting na pintig mula sa mga pulso nito ang tangi nyang pinanghahawakan.
Sa mga oras na iyon ay unti unti narin syang pinanghihinaan
" wala na ito "
Susuko na sana sya ng maramdaman nya ang paghigpit ng kapit nito sa mga kamay nya bagay na nagpagulat sa kanya ng husto at ng mga sandaling yun his motivation to save someones life was boost lalo na ng makita nya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya wala mang salitang binibigkas ngunit tila ito nangungusap. Those eyes are striving to survive at hindi nya ito bibiguin kahit pa ang pag asa nya ay halos wala ng isang porsyento.
" Ililigtas kita "
*******
Ito po yung pambawi sa matagal na update another chap hehehe thanks for the comments and reading guys its for my improvement naman hehehe😘

BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
Ficción GeneralMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...