Chapter 27

5.3K 144 2
                                    

Failure and betrayal
Ang pagtaksilan ng taong labis mong pinagkatiwalaan ang isa sa pinakamasakit na kabiguan.

*******

Napakaaliwalas ng panahon sa araw na ito. Magandang simula para sa buong linggo. Nakangiti akong tinahak ang daan papuntang opisina pero binati ko muna si lio ng magandang umaga bago ko isinara ang pinto para makaalis na.

" Good morning too, take care Z, I'll fetch you later "

Ang simpleng mensaheng natanggap ko mula sa kanya ang nagpabuo ng araw ko. There's no doubt hulog na hulog na ako ganun pa man hindi ako natatakot dahil alam kong nasa tabi ko lang naman si lio.

Mabilis na lumipas ang oras at lunch time na kinuha ko mula sa paper bag ang padalang pagkain ni lio hindi parin kasi ito tumitigil kahit pa sinabi ko ng kaya ko namang magbaon ng pagkain o kaya sa cafeteria na lang ako bibili pero matigas talaga ang ulo nya kaya hinahayaan ko na lang.

Pasakay na ako ng elevator ng makasalubong ko si joe

"uy girl may naghahanap daw sayo sa baba tumawag yung attendant sa lobby"

Ipinagtaka ko kung sino dahil hindi naman daw ito kilala ni joe o ng receptionist at wala naman akong iniexpect na bisita pero pinuntahan ko na lang ito sa lobby gaya ng sabi sakin.

Isang babae ang nabungaran kong nakaupo sa waiting area ng lobby kilala ko ang hubog ng katawan nito kahit pa nakatalikod ito sa akin.

" magandang araw po, kayo po pala bakit po kayo naparito "

Tumingin ito sa akin at ngumiti habang umupo naman ako sa harapan nito ng sumenyas ito para paupuin ako

" Zia please help us "Agad na bungad nito sa akin

" tungkol po saan? "

Punong puno ako ng pagtataka pero may kutob na ako sa ipinunta ng ginang ganun paman gusto kong sa kanya muna manggaling ang kompirmasyon bago ko sya tugunin.

" Our company is suffering from financial crisis at isang tao lang ang makakatulong sa amin pero ang hinihingi nyang kondisyon ay ang maipagkasundo si lio sa kaisa isa nyang anak kay sofie "

" bakit nyo ho ba sinasabi sa akin ito? "
Naikuyom ko ang mga kamay ko na nasa ilalim ng lamesa sa mga sinabi ng ginang

" Its because tinatanggihan ni lio ang oportunidad dahil sayo " nagbago ang ekspresyon ng ginang. Masyado itong naging seryoso at nawala ang kaninang mga ngiting ipinapakita nito sakin sabay kuha nya sa mga kamay ko

" please hayaan mo na si lio, alam kong sobra itong hihilingin ko pero kung pwede sana hiwalayan mo na sya "

Tinitigan ko ang mga kamay nyang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko

" I'm sorry pero hindi ko po magagawa ang gusto nyo, kung sakali man si lio po ang magdedesisyon, Iiwan ko lang po ang anak nyo kung sya ang magsasabi sa akin "

Binawi ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nya at kabastusan mang maituturing ay tumayo na ako upang makaalis sa harapan nya

" Sa tingin ko hindi dapat ako ang pinuntahan nyo at kung yun lang po ang sasabihin nyo I think there's no need to talk about "

Dali dali akong umalis doon at umakyat na lang sa opisina. Pagkaupo ko sa desk ko ay napabuntong hininga ako sabay yuko. Nanghihina ako dahil pakiramdam ko ang daming ayaw sa relasyon naming dalawa. Hinawakan ko ang impis kong tyan sabay bulong na magiging maayos din ang lahat.

" Bakit hindi ka bumaba, Is there any problem ms. Garcia " napalingon ako sa pinanggalingan ng boses to find mr. Chan na nakatitig sa akin

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon