Chapter 35

5.5K 195 17
                                    

Sapo sapo nya ang mukha habang nakaupo sa sofa. Iniisip nya ang mga salitang binitiwan nya kanina he couldn't control himself at alam nyang mali na ibinuntong nya kay Zia ang galit na iniinda sa kahit na anong dahilan.

Tinanaw nya ang ikalawang palapag at piniling pumanhik sa harap ng kwarto ng babae. He wants to apologize for what he did hindi lingid sa kaalaman nya ang mga luhang pumatak sa mga mata nito kanina. His harsh words are the reason of her tears gusto nyang bawiin kanina ang mga sinabi nya pero kinain sya ng pride kaya pinili nyang talikuran na lang ito.

Iniangat nya sa ere ang mga kamay at kumatok sa pinto pero walang nagbukas nito

" Z its me steven "

Muli nyang kinatok ang pinto pero wala parin syang nakuhang sagot gusto na sana nyang umalis dahil baka galit ito sa kanya pero mas pinili nyang hawakan ang seradura ng pinto and it happens to be open na ipinagtaka nya lagi kasi nitong isinasara ang pinto.

Agad nyang hinanap ang switch ng ilaw dahil madilim ang buong kwarto. Binalingan nya ang kama na ayos na ayos at walang bakas ng pinag higaan

" Zia? "

Tawag nya dito nagbabakasakaling baka nasa banyo lang ito pero bumugso ang kaba sa dibdib nya ng wala ito rito. Binuksan nya rin ang cabinet nito at nakompirma nyang nawawala ang ilang mga damit nito.

He doesn't know kung ano ang dapat gawin. It's his fault kung hindi nya sana ito pinagsalitaan ng masakit kanina ay baka hindi ito umalis. Tinanaw nya ang wall clock at halos mag aalas dos na. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan ang numero nito pero isang tunog galing sa ilalim ng unan ang umagaw sa pansin nya.

" fuck "

Maging ang telepono ay naiwan nito kaya papaano na nya malalaman kung saan ito nagpunta. Agad syang tumungo sa kanyang kwarto upang kunin ang susi ng sasakyan pagkatapos ay tinawagan nya rin si kevin dahil mas mabilis at magiging madali kung dalawa silang maghahanap.

" I need your help she's missing "
Diretso nyang sabi dito ng sagutin nito ang tawag matapos ang dalawang ring. Halata pa sa paos nitong boses na kagigising lang nito pero tila naalimpungatan ito dahil sa biglaang tawag ni steven.

" She doesn't know anyone and she's pregnant damn it "

" ano bang nangyari bakit sya umalis eh anong oras na ah "

" I'll tell you later "

Halos patakbo nyang tunguhin ang garahe hindi nya alam kung bakit but he feels odd at ang tanging nasa isip nya ay kailangan nyang makita ang babae no matter what.

********
Ikinikiskis nya ang mga kamay sa braso  dahil sa malamig na pag ihip ng hangin at katahimikang nakakapanaas ng balahibo. Habang tumatagal ay unti unti na nyang naiisip kung tama ba ang ginawa nyang pag alis. Sobrang dilim ng paligid at ang paisa isang taong nadaraan sa kanyang harapan ay hindi nya maiwasang katakutan dahil sa pangit na reputasyon ng lugar. She's sitting in a bench without plans tanging bugso lang ng damdamin ang nagtulak sa kanyang umalis bagay na unti unti na nyang pinagsisisihan.

" pare ...... Pre..... "

Dalawang bulto ng lalaki ang kasalukuyang papalapit sa kanya. Rinig nya pa ang pautal utal na pagsasalita ng isa tanda na wala ito sa tamang katinuan. Tila nanginig ang kanyang katawan dahil ramdam nya ang parating na kapahamakan. She immediately stand and get her things ng may maramdaman syang humawak sa kanyang kamay.

" Hi miss mag isa ka ata "

Ang kaninang lalaking ilang metro pa ang layo sa kanya ngayon ay hawak na sya. Ramdam nya ang panginginig ng kanyang katawan lalo na sa makahulugang ngisi ng lalaki. Muli nyang binawi ang kanyang kamay pero mas lumawak lang ang ngiti nito.

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon