Chapter 23

5.8K 184 4
                                        

Mabigat ang katawan ko ng magising ako kinaumagahan kaya hindi na ako nag abala pang gumayak para pumasok. Ipinikit ko muli ang mga mata ko pero dama kong gising parin ang diwa ko at sariwa pa sa isip ko ang pagtatalo namin kagabi.

Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na nga nagawa pang magpasalamat kay mr. Chan sa paghatid nya sakin kagabi kaya ng maalala ko yun ay agad akong bumangon at kinuha ang cellphone ko.

Good day sir salamat nga pala sa paghatid kagabi pasensya na po kayo sa akin at baka hindi ako makapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko - A. Garcia

Ilang ulit ko ring binura ang text message ko pero sa huli naisend ko rin kay sir mas maigi na yun atlist nag paalam ako.

Halos alas onse na ng umaga ng mag decide akong tuluyan ng umalis sa kama. Agad akong tumungo sa kusina para maghanda ng brunch ko ng biglang umikot ang paningin ko. Mabuti na lang at mabilis akong napakapit sa lamesa at mariing ipinikit ang mga mata para pawiin ang hilong nararamdaman ko.

Kinapa ko ang upuan sa gawing kanan ko at bahagyang iniyuko ang ulo ko. Matapos ang ilang minuto ay unti unting napawi ang pag ikot ng paningin ko at ikinahinga ko ito ng maluwag. Inisip ko na lamang na baka stress lang at sa madalas na pagpupuyat kaya may kung ano na akong nararamdaman.

Nagpatuloy ang mga araw na walang lio na nagparamdam at mas pabor ako dun umaasa kasi ako na kahit papano ay unti unti ring mawawala ang nararamdaman ko sa kanya. Ganun pa man tuloy parin ang buhay ko sa opisina na umiiwas parin kay sofie pero may mga pagkakataon talaga na naghaharap kaming dalawa.

" How about you ms. Garcia? Do you have any opinion or suggestion regarding the installation of equipments " baling nito sakin ng mapansing nananahimik ako sa isang tabi tuloy lahat ng atensyon ng mga directors ay sakin narin nakatuon. Pormal naman ang pagtatanong nito pero hindi ko maiwasang mairita sa kanya sa di malamang dahilan.

" I think we should make it before the end of the month for us to be able to collect the payment and to lessen the expense for delays " bahagya nitong itinaas ang kilay at nginitian ako ng mapatingin ako sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan ang ugali nya. Hindi ko mahulaan kung nanguuyam ba sya o totoo ang mga pag ngiti nya pero hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin.

Gutom na gutom ako ng matapos ang meeting kahit kasi may mga nakahandang biscuits and chips sa conference ay hindi ako ginanahang kumuha maski isa pero ganun na lang ang gutom ko ng makita ko ang adobong pusit sa canteen na dati naman ay hindi ko pinapansin dahil nalalansahan ako.

" hoy bakla anong trip mo at yan ang ulam mo eh dati naman kahit anong pilit ko ay hindi kita mapakain nyan " puna sakin ni joe na hindi ko naman pinansin dahil abala na ako sa pagkain. Tinabihan na lang ako nito matapos ring kumuha ng pagkain nya sakto kasing lunch time na.

" yes babe lets meet later love you " Sa kabila ng pagka abala ko sa pagkain ay hindi ko naiwasang hindi lingunin ang pinanggalingan ng boses na narinig ko. Bigla nalang nawala ang ganang kanina ay hindi ko maawat hindi ko kasi maiwasang isipin that she is talking to lio in the other line. Yes, its sofie at sa lakas ng boses nya ay imposibleng hindi ko yun marinig na para bang sinasadya nya.

" oh san ka pupunta? " pigil sa akin ni joe

" bigla akong nawalan ng gana eh naalala ko may kailangan pa pala akong tapusin " nginitian ko na lang ito at saka ibinalik ang pinag kainan ko hindi ko kasi maatim na umupo dun habang nasa likuran ko lang si sofie.

" Uy bakla halika na traffic ngayon cause its friday kaya bilisan na nating umuwi " aya sakin ni joe ng mag ring ang bell

Sabay kaming bumaba sa lobby pero isang bulto ng lalaki ang nagpahinto sa akin. Pinagmasdan ko syang maigi habang nakatalikod sya sa kinatatayuan namin. May isang linggo narin ng huli kaming magkita pero malakas parin ang epekto nya sa akin.

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon