Chapter 26

5.8K 159 2
                                    

Trust and love?
Sapat bang mahal mo lang ang isang tao para pagkatiwalaan mo sya o sapat ng may tiwala ka upang mahalin mo sya?

**********
Steven's POV

Palinga linga ako sa paligid habang hinahanap ang babaeng sinadya ko rito sa bar. Kahit pagod sa trabaho hindi ko maiwasang hindi sya puntahan lalo na ng tawagan ako kanina ng bartender para ipasundo sya dahil langong lango na raw ito sa alak.

Pinakatitigan ko ang babaeng napakalaki na ng pinagbago mula ng bumalik sya dito sa pilipinas. She is wasted taming someone na wala namang kasiguraduhan.

" ano bang ginagawa mo? "

Agaw ko sa boteng tinutungga na naman nya pero agad nya rin naman itong binawi sa akin

" Huwag mo nga akong pakialaman "

Muli na naman nyang tinungga ang alak halos pang pito na raw nya ito turan sa akin ng bartender. I couldn't imagine na ganito ang kahahantungan ng babaeng sobra sobra kong minamahal beyond may cold attitude and rude behavior pagdating sa kanya ay itinataya ko ang lahat ng meron ako kahit pa nagmimistulan akong aso sa kasusunod sa lahat ng gusto nya.

Marahas kong kinuha ang alak sa mga kamay nya at nagiwan ng cash sa mesa. Sinapo ko sya sa balikat ko upang maialis sya sa lugar na ito hindi alintana ang pagwawala at pagpupumiglas nya maging ang tingin ng ibang tao.

Agad kong kinabit ang seatbelt nya ng maipasok ko sya sa sasakyan ko pero tinanggal nya rin ito ng makapasok ako. Pinakinggan ko lang ang mga buntong hiningang pinapakawalan nya at hindi nagtagal ay narinig ko rin ang paghikbi nya.

" He doesn't love me, iiwan na nya ako ty, hindi ko dapat sya pinakawalan noon "

Punong puno ng luha ang mga mata nito ng balingan ko. Wala akong ibang magawa kung hindi akapin lamang sya sa mga oras na ito.

Humiwalay ito sa akin sabay titig sa mga mata ko at haplos sa pisngi ko na mas nagpapalambot sa puso ko.

" mahal mo ko diba? Pls help me "

Seryoso itong sumasamo sa harapan ko. Humihiling sya ng bagay na dumudurog sa puso ko. Gusto nyang gumawa ako ng paraan para balikan sya ng lalaking minsan nyang iniwan. Alam kong mali at masakit pero dahil sa sobrang pagmamahal ko at sa kagustuhang mapangiti uli sya ay wala sa isip akong napatango para lang mapatahan ang mga luha nya

" promise? "

At ng sinagot ko ito ng oo ay hindi lang ngiti kung hindi isang maalab at matamis na halik ang iginawad nito sa akin. Bahala na sa kung saan ako dadalhin ng desisyon ko as long as its for sofie handa akong gawin ang lahat.

***********
Zia's POV

" Sure babe lets meet later ok "

Abot tenga na ang ngiti ko ng maibaba ko ang tawag sa cellphone ko. May usapan kasi kami ni lio na magkikita kami to have a lunch but I decided to surprise him kaya naman kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa office nya kahit pa ang alam nya mamaya pa kami magkikita.

Dala dala ko ang dalawang set ng paborito nyang adobong baboy at pusit na inihanda ko mula pa kaninang umaga. Kilala naman ako ng receptionist sa lobby kaya pinadiretso na nya ako sa floor kung nasaan ang opisina ni lio. Wala ang sekretarya nya sa pwesto nito kaya pinasya kong dumiretso na sa office nya.

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon