Chapter 17

6.2K 166 7
                                    

Lio's POV

" Nasan kana ba? " bulong ko habang paulit ulit na tinitipa ang cellphone ko.
Halos tatlong oras na syang nawawala at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakikita.

Makailang ulit na rin akong bumalik sa mga dinaanan namin kanina pero wala ni isang bakas nya. Hindi rin maikakaila ang pag aalala sa mga kasama namin na nagpaiwan, isang araw lang kasi kami dito at nauna ng umalis ang iba.

Hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko kung bakit sya nawawala lalo pa at sariwa pa sa akin ang naging pagtatalo namin kanina. Lakad dito lakad doon ito lang sa ngayon ang magagawa ko para pahupain ang nararamdaman ko masyado na kasing madilim at malalim ang gabi kaya hindi na kami pinayagan pang siyasatin ang gubat.

Lumabas ako sandali, umaasang mapapawi ng sariwang hangin ang pag aalala ko ng may mamataan akong bulto na papalapit. Inaninaw ko kung sino yun at ng makalapit ito biglang nag tangis ang bagang ko at the same time mas lalo akong nag alala sa nakita kong kalagayan nya.

Pasan pasan sya ni steve habang walang malay. Agad ko silang nilapitan at akmang kukunin ko sya ng hawakan ni sofie ang mga kamay ko. Hindi rin nakalampas sa akin ang biglang pag igting ng titig sa akin ng lalaki.

Gustong gusto ko syang kunin mula sa mga bisig ni steve pero hindi ko magawa dahil alam kong wala akong karapatan at hindi ko sya magawang maipaglaban ganun pa man ramdam ko ang panginginig ng buo kong kalamnan, sa huli naiwan akong nakatayo habang tinatanaw sila palayo.
" someday I could fight for you " naibulong ko habang kuyom ang kamao.

******

Aren's POV

Puting kisame ang bumungad sa akin ng idilat ko ang mga mata ko kasabay nun ang pananakit ng buo kong katawan at pagkirot ng kanang parte ng ulo ko

" your awake " isang baritonong boses ang pumukaw sa pag iisip ko. Doon ko na lamang napansin ang lalaking nakasandal sa kanang pader ng kwartong kinalalagyan ko.

" sir ?? " may pagtatakang tanong ko.

" your in the hospital, almost 2 days kang walang malay and I feel guilty about what happen to you kaya ako nandito, I'm glad your awake "

Doon bumalik sa akin ang mga nangyari sa outing and yes he save me, the least person I expect cause honestly the moment I saw someone approaching in my direction I expect him to be lio but it happen to be him.
My saviour is no other than my cold arrogant boss Steven Tyre Chan.

*****

" hoy girl bakit pumasok kana? Ok kana ba? " bungad sa akin ni joe pagkapasok ko sa opisina dalawang araw matapos akong makalabas ng ospital

" ok na ako no " ngiting sabi ko sa kanya

" eh bakit ganyan yang mukha mo? Eh mas malala pa yang itsura mo kaysa nung nasa hospital ka " mataman nya akong tinitigan na para bang sinisiyasat ang bawat kilos ko.

Bumuntong hininga ako mukhang wala na nga talaga akong maitatago sa kanya sa mga panahong kinailangan ko kasi ng kaibigan at mapaghihingahan si joe na ang naging sandalan ko, wala na kasi yung lio na dati rati ay napagsasabihan ko ng mga problema ko. I was just thankful dahil nakatagpo ako ng katulad ni joe and he knows all of my story from the agreement made by me and lio until my heartbreak cause of sofia's presence.

" eh ano na nga palang plano mo ngayon? " pangungulit pa nya habang kinakalikot ang hawak nyang cell phone

" anong ibig mong sabihin? " inayos ko ang pagkakaupo ko at sinimulang buksan ang computer ko

" about your agreement ano ng balak mo dun? Eh itutuloy nyo paba? Tandaan mo hindi kana bumabata Zia at tumatakbo ang oras, tiktok tiktok " Mahabang litanya nya na may halong pang aasar habang sinasabi ang mga huling salita

" fine, itutuloy ko parin yun pero hindi na kay lio, like what I said hahayaan ko na sya at maghahanap na lang ako ng pwedeng gumawa nun " that's the moment na tinitigan ko sya at parang nanlaki ang mga mata nya

" hey, don't look at me like that hindi tayo talo girl no " may pagtataray nito na biglang nagpahalakhak sa akin, hindi ko na kasi napigilan his
expression is priceless para syang nakakita ng pinaka nakakadiring bagay pero agad din naman akong natahimik ng makarinig ako ng mga yabag palapit sa amin.

Inaasahan ko ang galit na ekspresyon sa kanya pagkalingon ko sa likuran ko dahil sa kaingayan ko pero kabaliktaran nun ang nabungaran ko.

" good morning, how are you " seryoso pero sinserong tanong ni cactus, maaliwalas din ang mukha nito na para bang bago para sa akin

" ok na po ako sir " tinanguan lang ako nito bilang tugon sa sagot ko at dumiretso na sa kanyang opisina

" his one of a perfect candidate " napalingon ako sa tabi ko at tinitigang maigi si joe na para bang binabalaan sya

" bumalik kana nga sa pwesto mo, baka bumalik pa yun at pagalitan na talaga tayo " pagtataboy ko sa kanya at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko

Halos pasado alas nwebe na ng makarating ako sa apartment ko dahil sa sobrang traffic. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama kahit hindi pa ako nakakapag palit. Tiningnan ko ang phone ko at nag scroll sa mga social media accounts ko pero hindi ko makita ang hinahanap ko. I decided to click his number at tinitigang maigi ang call button gusto ko sana kasing marinig kahit boses lang nya pero sa huli mas pinili kong ilapag ang telepono at ipikit ang mata.

His not mine and he can never be mine cause he already own by someone, and ignoring and forgetting him is the only option I have.

I am almost drown to sleep when the door bell rang not once nor twice but its continues, so I decided to stand and look for the person behind those bells. I was just hoping that his intention is urgent cause its already in the middle of the night and his interruptions irritates me a lot.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan upang maaninag kung sino ba ang kanina pa nanggugulo sa pagtulog ko nang mabungaran ko ang gwapo pero hapong hapong mukha ng lalaki sa harapan ko. Agad kong isinara ang pinto ng maiharang nito ang mga kamay nya at agad pumasok sa loob

" umalis kana " may diin kong sabi pero ang sunod nyang salita ang pumawi sa halohalong emosyong nararamdaman ko

" I miss you "

Mahina pero rinig na rinig ko

" I need you "

Sa isang iglap tinawid nya ang pagitan namin at tinunaw ang lahat ng nararamdaman ko bagay na hindi ko gusto dahil alam ko na sa huli ako parin ang talo.






***** hi guys sensya na sa slow update enjoy reading 😊😊😊 reads, votes and comments are very much appreciated 😉

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon