Nanginginig na si Zia dahil hindi na nya alam ang dapat gawin. Masyadong magulo ang isip nya sa mga oras na yun.
" wala parin ba kayong nakikita? "
Tanong nya sa mga staff ng botique na pinuntahan nya. Tinawagan nya narin si steven upang puntahan sya sa mall. Maging sa mga guard ay nagpa assist narin sya upang mahanap si stefen.
Kanikanina lang ay tanaw nya pa itong naglalaro sa sofa kasama ng yaya nito ngunit ng makabalik sya ay mag isa na lang ang yaya at putlang putla ito na animoy tinatakasan na ng hangin ng sabihin sa kanyang nawawala ang bata.
Agad syang lumibot sa mall upang hanapin ang anak. Hapong hapo na sya at sobra narin ang pag aalala nya. Nang mga sandaling yun ay umaasa syang sana ay hindi nakalabas ng mall ang bata.Umupo sya sandali sa labas ng isang bake shop. Inilibot nya ang mga mata at ganon na lang ang saya nya ng mamataan ang bulto ng anak malapit sa isang ice cream stand. Mabilis nyang nilapitan ang bata pero ipinagtaka nya ang biglang pagbuhat ng isang estranghero sa anak nya. Pinagmasdan nya ang lalaki na tila ay pamilyar sa kanya at hindi nya muna ito nilapitan at ganun na lang ang gulat nya ng tuwirang makita ang mukha nito.
Halos manigas ang mga paa nya mula sa pagkakatayo when she realize something the moment their eyes met.
Ngayon nya lang napagtanto kung saan nya unang nakita ang mga matang nagpatuod sa kanya nang unang beses nyang makita si lio sa opisina. Those eyes na laging umaagaw sa kanyang pansin are the same to those eyes na lagi nyang nabubungaran sa pagising and it is no other than her son stefen. Halos kinopya mula sa isa ang mga mata nila. They also have the same features na lalo nyang narealize the moment na sabay na tumingin sa kanya ang anak habang karga ito ni lio." mommy!!!......"
Nagising sya mula sa malalim na pag iisip nang malapitan sya ng anak habang dala dala ang isang cup ng ice cream. Agad nyang niyakap at kinarga ang anak, hindi nya alam kung bakit ngayon nya lang napansin ang similarities sa dalawa pero isinawalang bahala na lamang nya. Naisip nya na baka wala namang ibig sabihin ang mga bagay na napansin nya kaya binalingan na lamang nya ang anak na tuwang tuwa sa pagkain na animoy hindi sya pinag alala nito.
" His your son? "
Napatingin sya sa lalaking nagtanong na ngayon ay nakakunot narin ang noo. Tinanguan nya na lamang ito subalit hindi parin nito tinatanggal ang tingin sa anak nyang abala sa pagkain.
" Zia!! Baby what happen "
Hingal na hingal na lumapit sa kanila si steven. Naka formal suit pa ito at halatang kagagaling lang sa trabaho. Nginitian nya ito to inform him that everything is alright pero sa halip na maging panatag ang mukha nito ay tila mas naging aligaga ito ng mapansin nito ang lalaking nakatayo sa kanyang likuran.
" what are you doing here "
Tuwid namang tumayo si lio at humarap kay steven na animoy nanghahamon ang mga tingin.
" pasensya na hindi ko kasi alam na pagmamay ari mo na pala ang mall at bawal ng mamasyal dito "
Agad na hinatak ni steven si Zia habang karga nito ang bata palayo kay lio. Wala ng nagawa pa si Z dahil mukhang naging mainit ang eksena at mas titindi pa ang sitwasyon kung aangal sya sa ginagawa nito. Sumulyap na lamang sya at ngumiti ng alangan kay lio tanda ng pasasalamat.
" Bakit mo naman yun ginawa kay mr. Degrado? Personal mo ba syang kilala? "
Hindi na naiwasan pang magtanong ni Zia ng makarating sila sa kotse. Kandong nya ang anak habang unti unti itong iginugupo ng antok. Hindi naman sumagot si steven na hanggang ngayon ay seryoso parin ang mukha at agad ng pinaharurot ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
قصص عامةMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...