Lumipas ang buong maghapon na walang ibang iniisip si steven kung hindi si Zia. Inabala nya ang sarili sa pagtatrabaho subalit hindi nya maiwasang hindi mag alala. Paulit ulit lang nyang nakikita ang mukha nito ng iwan nya kanina.
" I'm going home anna paki cancel mo na lang lahat ng appointments ko na natitira, I want to take a rest "
Agad syang nagligpit at umalis na matapos makausap ang kanyang sekretarya. Inaasahan nyang makakauwi sya ng maaga pero inabutan narin sya ng dilim sa daan dahil sa tindi ng traffic lalo pa at may aksidente sa rutang kanyang dinaanan.
Napabuntong hininga sya ng makarating sa gate ng kanilang subdivision at last nakarating din at makakapag pahinga narin sya subalit isang bulto ng babae ang nakaupo sa gilid ng kanyang gate ang umagaw sa kanyang pansin.
" What are you doing here? Hindi ba pinahatid na kita kay mang Kanor "
Nag angat ito ng tingin ng marinig ang boses nya at tila nahabag sya sa namumungay nitong mga mata. Hindi agad ito nagsalita kaya nairita sya lalo pa at ayaw nya na pinaghihintay sya.
" I said what are you doing here masyado ng gabi kaya umuwi kana "
Para lang itong kumakausap ng bata sa tono ng kanyang pagsasalita.
" Hinatid nya nga ako kaya lang may iba ng nakatira sa apartment ko "
Alam ni steven na wala na itong ibang malalapitan ni wala nga itong ibang kilala maliban sa kanila ni kevin kaya lang wala ito ngayon sa pilipinas dahil umattend ito sa isang convention abroad.
" Pwede bang dito muna ako sayo tumuloy, magtatrabaho ako kapalit ng pagtuloy ko kahit hanggang sa makapanganak lang ako. Pakiusap "
Yumuko ito sa harap nya na may bagsak na mga balikat batid ni steven na umiiyak ito kahit hindi nya nakikita ang mukha nito. Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga gustohin man yang itaboy ito ay hindi naman matiis ng kanyang konsensya.
" fine hanggang sa manganak ka lang but after a month since you give birth you need to pack up your things "
Iginaya nya ito papasok sa kanyang sasakyan upang makapasok narin sa loob. Pero muli nya itong kinausap ng makarating sila sa sala.
" You are free to do everything hindi kita pagbabawalan unless it involves me, Ayokong pakikialaman mo ang mga personal kong gamit and your not allowed to enter my room nor my office unless I said. "
Tumango lamang ito bilang tugon at pumanhik na sa taas upang maibalik ang mga gamit sa kwarto. Sa isip ni steven halos limang buwan na lang naman ang iintayin nya, Limang buwan lang.
Kinabukasan ay maagang bumangon si steven upang gumayak papasok sa opisina. Sinalubong sya ng nakakaanyayang amoy ng makababa sya ng hagdan. Sa kusina ay nabungaran nya si Zia na naghahanda ng almusal.
" Gising kana pala, kumain ka muna "
Hindi ito nagsalita bagkos ay tinalikuran din sya nito agad.
" I don't eat breakfast, sa susunod huwag mo na akong lulutuan "
Tumango na lamang si Zia bilang tugon bigla tuloy nawala ang kaninang ligalig nya sa paghahanda. Pinagmasdan na lamang nya ang papalayong si steven ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya basta basta na lang ito lumabas ng bahay ng walang pasabi pero sa kabilang banda ay naisip rin ni Zia ang napag usapan nila nung nakaraang gabi.
" Wala nga palang pakialamanan "
Tuloy kumain na lang sya ng mag isa at pinilit nyang ubusin ang mga inihanda nya para mabawasan man lang ang inis na nararamdaman nya.
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
Ficción GeneralMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...