Chapter 18

6.3K 162 4
                                        

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tanghali na pala at hindi ko man lang namalayan ang oras agad kong sinipat ang kaliwang banda ng higaan, nakaayos ang kumot at unan kaya napaisip ako kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyari kagabi sabay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pero agad din akong napatayo ng mapansin kong wala ako sa bahay ko.

Dali dali akong lumabas sa silid at doon bumungad sa akin ang asul na asul na dagat at langit. Nasa malalim akong pag iisip ng bigla akong nakaramdam ng mga brasong pumulupot sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin ang taong nasa aking likuran dahil sapat na ang natural nitong amoy para agad kong makilala.

" what are we doing here? " tanong ko habang hindi parin kumikilos sa aking posisyon

" enjoying the moment " bulong nya sabay halik sa aking batok

" eh pano mo ko nadala dito? " kanina ko pa kasi iniisip kung ganun ba kalalim ang tulog ko para hindi mamalayang nadala na nya ako sa yate nya

" its my expertise babe " sabay ngiti nya ng humarap ako sa kanya

" pero what about sofie paano kung.. " hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ay pinutol na nya ito ng halik

" pwede bang huwag muna natin syang isipin, can you please give me this moment " punong puno ng pagsusumamo ang mga mata nya

Matapos ang tatlumpong minuto ay dumaong ang yate sa dalampasigan. Tanaw na tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang antigo ngunit rehabilitadong mansyon.

" is it yours? " tanong ko ng makalapit sya sakin matapos bumaba sa yate

" yah, do you like it " napangiti ako sa sagot nya ito kasi ang unang pagkakataon na makakita ako ng isang mala obrang bahay at lalo pang tumingkad ang ganda nito ng masilawan ng papalubog na araw.

" oh iho bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka? " Isang matandang babae ang sumalubong sa amin ng makapasok kami sa mansyon. Masasabing nasa limampung taong gulang na ito ganunpaman ang matamis nitong ngiti ang nagpagaan ng loob ko

" I am sorry yaya selya biglaan kasi " ibinaba ni lio ang mga dala dala nyang gamit sabay akap sa nakatatanda na agad namang ipinikol ang tingin sa gawi ko

" sya naba? " makahulugang tanong nito na ginantihan lang ng ngiti ng huli

" Zia po " pakilala ko hindi ko na kasi gusto pang marinig ang isasagot ni lio at baka maulit lang ang pakilala nya sa akin noon sa mga magulang nya kaya minabuti ko na lang na unahan sya.

Sinamahan ako ni yaya selya sa kwartong tutuluyan ko magluluto daw muna kasi si lio ng hapunan para sa amin kaya nauna na akong umakyat para ihanda ang mga gamit ko, masasabi kong kakaiba talaga si lio isipin mong naihanda nya ang lahat ng kakailanganin kong gamit ng ganun kabilis

" ahm hindi po ba kay lio ang mga gamit na yan? " tanong ko sa matanda ng mapansin kong ipinasok nya rin sa kwarto ang mga maleta ni lio

" ah oo pinadala ito dito ng senyorito, bakit po may problema po ba? " sinserong tanong ni yaya selya

" ah wala naman po, sige po salamat " agad ko ring kinuha sa matanda ang mga bitbit nitong bag kung ganun matutulog kami sa iisang kama, wala namang problema sa akin kaya lang hindi ko maiwasang isipin kung anong sasabihin ng mga kasambahay nya

" alam mo napakabait ng senyorito kaya naman napaka swerte mo sa asawa mo " napatigil ako sa pagliligpit ng marinig ang mga sinabi ng matanda matapos ay agad nya rin akong iniwang mag isa sa silid.

" yes I know, pakisabi na lang na babalik ako after a week and baka mag file na lang ako ng post leave, thank you so much joe " kasalukuyan kong pinapakiusapan si joe na ipagpaalam na lang ako sa opisina masyado kasing unexpected to para sa akin kaya nag aalala akong baka magalit ng husto si cactus dahil hindi ako nakapag note lalo na at tambak ang trabaho pero nandito na eh kaya paninindigan ko na lang tutal isang linggo lang naman ang sabi ni lio.

Nang ibaba ko ang telepono ay dumiretso ako sa closet para maghanap ng swim suit na pwede kong suotin sa beach mamaya. Isang pulang bikini ang nakaagaw ng pansin ko kaya naman ito na lang ang kinuha ko. Matapos ko itong isuot ay pinatungan ko ito ng white long shirt na mala see through ang tela kaya kita parin ito sa loob.

Agad din akong bumaba ng matapos akong makapag ayos and then I saw lio leaning at the sofa habang nagbabasa ng business magazine. Nagtama ang mga mata namin ng makababa ako pero ipinagtaka ko ang pagkunot ng noo nito sabay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

" why? " tanong ko ng mapansin ko ang biglang pagsimangot nya

" nothing lets go " seryoso nitong tugon sabay labas ng hindi ako pinapansin

" problema nun? " naitanong ko na lang sa sarili ko minsan talaga may mga gestures sya na hindi ko maintindihan

Nakasunod lang ako sa kanya habang sya tuloy tuloy lang sa paglalakad na para bang walang kasama pero biglang sumakit ang noo ko ng bumangga ako sa likod nya hindi ko kasi napansin ang bigla nyang paghinto dahil sa lalim na pala ng pag iisip ko. Hinihintay kong magsalita sya pero bigla nyang hinubad ang t-shirt na suot nya at iniabot sa akin.

" ano yan? " tanong ko na may kasamang pagtaas ng kilay

" isuot mo " utos nya na walang halong biro

" ayoko nga " pagtanggi ko eh pano ba naman kasi pagsusuotin nya ako ng t-shirt nya na mala daster pag sinuot ko to the fact na we are in the beach

" pumili ka una, susuotin mo ito at maayos tayong mag iikot dito sa beach at sa kahit saang lugar mo gusto. Pangalawa bubuhatin kita at magkukulong lang tayo sa kwarto o pangatlo babalandra ka dito na ganyan yang suot mo at withiin 5 minutes eh makakapatay ako ng tao. Pumili ka what was the best among the three " may gigil nyang bulong sa tenga ko kaya agad agad ko ring kinuha ang shirt at isinuot mukha naman kasing wala akong pagpipilian

" O ayan na happy? " sarcastic kong sabi sabay dirediretsong naglakad at nilampasan sya pero agad ko ring naramdaman ang mga kamay nya na humigit sa akin at laking gulat ko ng bigla nya akong halikan in front of the crowd marami kasing tao ngayon dito sa resort.

Pakiramdam ko pulang pula na ako pero hindi parin sya humihiwalay sa akin at ang paggalaw ng mga labi nya ang nagpatindi sa sensasyong nararamdaman ko dahilan para makalimutan ko na rin ang mga taong sa ngayon sigurado akong pinapanood na kami.

" That was awesome " abot tenga ang ngiti ng loko ng humiwalay sa akin ako naman itong parang gusto ng lunurin ang sarili sa kahihiyan, napansin ko kasing mataman ang titig ng mga tao sa amin pero si lio parang walang pakialam at tuwang tuwa pa sa nakukuha nyang atensyon

" what was that for? " tanong ko ng magsimula na syang maglakad pero imbis na sagot ay agad nyang pinagsalikop ang aming mga kamay

" I just want to inform them that you are taken and you are exclusively mine " In fairness medyo kinilig ako dun


**** merry christmas everyone 😘😘

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon