Isang buntong hininga ang pinakawalan ni steven ng makapasok sya sa kwarto. Its been a stressful week and an exhausted day para sa kanya. Tinitigan nya ang babaeng natutulog sa kama habang umupo naman sya sa sofa na nasa kanan nito.
Humiga sya at ipinikit ang mga mata. For the past 5 months ay nakaugalian na nyang dito mamahinga. Pakiramdam nya kasi sa loob ng apat na sulok ng kwartong yun payapa ang mundo. Tahimik ang lugar at tanging ang monitor lang ng isang aparato ang maririnig mo ganun paman sa tuwing pumapasok sya dito ay patuloy parin syang umaasa na darating ang araw magigising din ang babaeng nahihimbing sa kama.
Dala dala parin kasi nya ang konsensya sa nangyari hindi man sya ang may kagagawan hinayaan nyang maging kasangkapan sya sa nangyaring kasalanan at magpahanggang ngayon ay patuloy nya paring tinatago ang katotohanan.
Tumayo sya ng hindi sya dalawin ng antok naisip kasi nyang maligo na lang muna para mapreskohan naman ang buo nyang katauhan but before he leave tumayo muna sya sa tabi ng kama upang sandali muling makita ang kalagayan ng babae.
Kung titingnan para lang itong mahimbing na natutulog habang may mga aparatong nakakonekta sa ibat ibang bahagi ng katawan nito. Bumaba ang tingin nya sa umbok ng tyan nito at tsaka inilapat ang kanang kamay dito. Napangiti sya ng maramdaman ang paggalaw mula dito. Hindi naman ito ang unang beses kaya hindi na sya nagulat.
" your awake kiddo "
Tila isang himala ang nangyari ng gabing iyon at paulit ulit nyang naaalala ang makapigil hiningang revival ng kanyang kaibigan sa mag ina. Inaasahan na nga nilang hindi nila ito maililigtas but a miracle has happen to somehow both of the mother and child was revive and even his friend couldn't explain what was happened.
" magpahinga ka lang muna "
Bulong nya sa tyan nito sabay hakbang palayo rito pero bago pa man sya makalabas isang kaloskos ang umagaw sa kanyang pansin at ng muli nyang balingan ang babae sa kama ay hindi agad sya nakagalaw ng makitang dilat na ang mga mata nito.
Agad nyang dinaluhan si Zia asking kung may kailangan ito subalit hindi agad ito nagsalita kaya minabuti nyang tawagan na lang muna si kevin.
" She's awake kev, pumunta kana agad dito "
Rinig nya rin ang labis na kagalakan sa boses ng nasa kabilang linya ng ibalita nya ang paggising ni Zia.
" tu.... Tu... Big "
Hirap man ay naintindihan nya ang hinihingi nito kaya halos kidlat syang kumilos upang kumuha ng tubig sa kusina
" kamusta na ang pakiramdam mo? "
Tinitigan lamang sya nito na para bang takang taka sa tinatanong nya
" si... Sino ka? "
" hindi mo ba ako naaalala, I'm steven "
Iling lang ang isinagot nito sa kanya kaya mas kinutuban sya, may ideya man ay gusto nyang masuri muna ito ng kaibigan pero upang mas makatiyak ay tinanong nya pa ito ng ilang bagay ngunit tulad ng nauna ay iling lang ang naitugon nito.
" His suffering from amnesia, hindi ko sigurado kung panandalian lang ito o kung kailan babalik but maybe it was some of the effects of being under coma for almost half a year "
Turan ni kevin kay steven matapos masuri ang kalagayan ni Zia.
" eh bakit nakangiti kapa? Parang kanina pa hindi matanggal yang ngisi mo " puna ni steven sa kaibigan
" I'm just happy seeing her recovering after that breath taking revival nating dalawa sa kanya at bonus pa yung baby na healthy parin its just WOW ang sarap lang isipin na nakatulong ako sa pagliligtas sa kanya "
Muli nyang tiningnan ang pinto ng kwarto kung nasaan si Zia
" eh ikaw? What do you plan? "
" anong ibig mong sabihin? "
Baling ni steven sa kaibigan ng mabungaran nya itong nakatingin sa kanya pero may ngisi sa labi na parang nanunudyo
" do you plan to call the father? "
" at bakit ko naman yun gagawin? Sapat ng tumulong ako para makaligtas sya at kapag bumuti na ang lagay nya tapos na rin ang obligasyon ko sa kanya, In short were even "
Napansin ni steven ang pagbabago sa ekspresyon ng kaibigan. Tumayo ito at tinalikuran na sya para umalis.
" where are you going " tanong nito
Huminto sandali si kevin habang hawak ang handle ng pinto.
" ok na sya babalik na lang ako "
Muli nyang nilingon ang kaibigan bago muli nagsalita" you know what steve, you will never be even cause she will always be the innocent one "
Umalis na ito ng hindi na muli pang tiningnan ang kaibigan. Tahimik na nag isip si steven habang sinisimsim ang kupita ng alak na hawak hawak nya. Kahit pano nya isipin may punto ang kaibigan nya, Si Zia naman talaga ang biktima sa pagiging hibang nya sa babaeng hibang din sa iba.
Subalit wala syang magawa dahil hindi man nya gustuhin ay nagmahal sya ng isang Sofie kung saan mananatili lamang syang sandalan. Umaasa na lamang sya na sa pagtulong nya ay mawawala ang konsensyang ilang buwan ng bumabagabag sa kanya.
*******
" sir these are the files for Asia Tower "Napaangat ng tingin si lio sa sekretarya nya sabay abot sa mga papeles na ibinigay nito. Binuklat nya ang bawat pahina habang sinusuri kung nasa tama ba ang lahat.
" where are the costings? "
" naibigay ko na po sa inyo yun kahapon sir "
Tinanguan nya ang babae at saka inabot ang handle ng drawer na nasa gawing kanan nya. Doon nya nakita ang papeles na kanina ay hinahanap nya. Akmang isasara na nya ang pinto ng mapansin nya ang isang nakausling papel sa gilid ng drawer. Its a picture of Z.
Kinuha nya ang litrato at pinakatitigan his been looking for her mula ng umalis ito but still no trace of her had found basta bigla na lang itong nawala. Kinabukasan matapos nilang magtalo ay napag isip isip nya ang mga pagkakamali nya. Hindi nya binigyan si Z ng pagkakataong makapagpaliwanag bagkos ay hinusgahan nya pa ito agad. Kaya ng araw ding yun ay pinuntahan nya agad ito sa apartment pero wala sya dun. Kinausap nya rin si joe kahit pa labag sa loob nya ang pagpunta sa kompanya ni steven pero hindi rin nito alam kung nasaan si Zia. Tinawagan nya na rin ang telepono nito at nag iwan na sya ng chats and messages pero wala parin syang naging balita dito.
Lumipas ang ilang linggo ay nagpabalik balik parin si lio sa apartment at maging sa opisina pero wala syang natagpuang Zia. Nag hire narin sya ng investigator upang ipahanap ito subalit maging ang mga ito ay wala ring naging balita.
For the past five months ay wala syang ibang iniisip kung hindi si Z. His been thinking if he couldn't become insignificant at that time maybe they are still fine or better.
Napapikit na lamang ito upang maisantabi ang mga naiisip subalit ang larawan sa kanyang kamay ang patuloy na gumagambala sa kanyang puso at isipan. Muli nyang tinitigan ang larawan habang walang malay na pumapatak na pala ang ilang takas na luha sa kanyang mga mata.
" nasan kana ba? "
********
Good eve guys hehehe ayan pahabol ko pinipilit ko naman pong mag update sadyang matagal lang po talaga but thanks for those who are waiting for the updates yung mga comment and votes nyo po ang nag momotivate sakin para maipagpatuloy ang story 😊😊
Thank you very much po sa pagtyatyaga labyu guys hahaha 😘
PS. Your reads, votes and comments are very much appreciated😊
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
Ficción GeneralMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...