Dahan dahan ang naging bawat hakbang ni Zia palapit sa pinto ng kwartong sinadya nya habang tahimik na nakasunod si lio sa kanyang likuran. Ang balitang natanggap nya mula kay Kevin ay napatunayan ng imaheng nakabungad ngayon sa kanyang Harapan.
Hindi pa man nakalalapit ay halos madurog na ang kanyang kalooban habang tinatanaw si Steven mula sa salamin ng pintong pumapagitan ngayon sa kanila. Ibang iba Ito sa taong nakilala at nakasama nya nang halos limang taon.
Hindi mabilang na kable ang nakakabit dito mula sa ibat ibang aparatong nakapalibot sa kanya. Maputla at nanunuyo ang dating mapula nitong labi, naninilaw din ang kanyang mga balat habang nanlalalim ang nakapikit nitong mga mata.
Nang buksan ni Zia ang pinto ay mas dumoble ang kirot na nararamdaman nya sabay sa bawat paghakbang nya palapit dito.
" What happen Steven? "
Magkahalong sakit, galit at tampo ang nararamdaman nya. Sakit dahil sa kasalukuyan nitong kalagayan, galit dahil hindi parin nabubura ang lamat na nagawa nito sa kanya at tampo dahil napagtanto nyang mas pinili nitong ilihim sa kanya at tiisin ng mag Isa ang kalagayan.
Unti unti na ring bumagsak ang mga luhang kanina lamang ay nagbabadya. Pinili nyang tumayo sa tabi nito at pagmasdan na lamang ang nahihimbing na si Steven.
" What are you doing here? "
Paos ngunit Malinaw ang mga salitang binitawan nito. Sinalubong ni Zia ang malamlam nitong mga mata.
" Umalis kana.. Hindi ko kailangan ng awa mo.. please leave me alone "
Puno ng diin ang bawat salita. Hirap man ay pinipilit nitong itaboy sya ngunit taliwas ang mga Sinasabi nito sa ipinahihiwatig ng mga tingin nya.
" No.. dito lang ako ... Hindi Kita iiwan "
Tuloy tuloy na ang paghikbi nya ... Hindi narin nya napansin ang paglabas ni lio ng silid. Sa mga oras na yun ay mas naging Malinaw kay Zia ang lahat. She loves Steven more than everything ... more than his condition and at that moment she already decide to stay and to never let him go.
********
Araw araw nakaalalay si Zia kay Steven ... malamig man ang naging pakikitungo nito ay nanatili Syang matatag. Batid nyang wala na itong iba pang makakapitan at ginagawa lang nya ito dahil ayaw nyang manatili si Zia dahil lang sa awa.
Naging routine na ni Z ang pagpunta sa ospital sa tuwing matatapos ang kanyang trabaho mabuti nga at naiintindihan ng kanyang anak ang kalagayan ni Steven kaya Hindi ito nagrereklamo kahit pa halos tulog na ito sa tuwing makakauwi si Zia. Minabuti narin Muna nyang ipagkatiwala kay lio ang pag aalaga sa anak lalo at ito naman ang nagmungkahi nito.
" Hey "
Bungad ni lio sa kanya ng dumating sya ng ala una ng umaga.
" Kamusta sya? "
" Hindi maganda lalo syang lumalala ... ayaw nyang mag pa chemo eh "
Hinang hina syang umupo sa couch habang naramdaman nya ang pagsunod ni lio sa kanya.
" Magiging maayos din ang lahat. Malakas sya kaya trust him ok "
Masaya si Z dahil hindi na pinilit pa ni lio ang nararamdaman bagkos ay ibinalik nito ang dati nilang turingan bilang matalik na magkaibigan.
" Si Stefen? "
" Tulog na kanina pa ... but his looking for Steven ... I think you should let them see each other ... baka mas makatulong "
Tama si lio Steven needs all the support at yun ang ibibigay nila. Batid nyang Plano rin nitong ilapit ang mga magulang kay Steven upang tuluyan na nilang makuha ang kapatawaran na matagal na nilang ibinaon sa puso ng isat isa. Sana lang ay maging maganda ang kalabasan ng mangyayari kinabukasan.
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...