Chapter 15

6.3K 172 3
                                        

Padarag akong umupo sa harap ng computer ko " are they serious? " bulong ko sa sarili ko

Eh pano ba naman kasi mas lalo lang nilang pinapamukha sa akin ang kapangyarihan ng pera as she is just new in this industry sa katunayan pagmomodelo ang linya nya at hindi pagiging marketer and then bigla bigla na lang na napasakanya ang posisyong pinapangarap ko

" hoy bakla problema mo? " puna sa akin ni joe

" wala " sagot ko at nagpatuloy na sa pagtitipa ng biglang naagaw ng pansin ko ang dalawang taong parating. Seryoso silang naguusap habang naglalakad papunta sa opisina ni mr.chan. Gustohin ko man pero hindi ko maiwasang hindi sya sundan ng tingin ng makalampas sya sa akin.

" ayon alam ko na ang problema " naputol ang pag iisip ko ng marinig kong magsalita si joe sa tabi ko, hindi ko man lang napansin na hindi pala ito umalis sa tabi ko at ng lingunin ko sya ay makahulugang ngiti lang ang ibinato nya sa kin.

" problema nun?  " sabi ko habang umiiling at pinagpatuloy na ang ginagawa.

Agad akong bumaba sa lobby ng marinig ko ang bell para sa uwian. May ilang araw na nga rin palang wala akong balita kay lio nagtatampo man ako ay hindi ko parin maiwasang alalahanin sya.

Dirediretso akong naglakad ng mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan sa parking and there he is leaning in the car habang tila may iniintay.

" bakit kaya sya nandito " napangiti ako ng isiping nandito sya para sunduin ako. Nakakadalawang hakbang palang ako palapit sa kanya ng bigla syang lapitan ni sofie at mahigpit na umangkla sa mga bisig nya.

Ang eksenang yun ang nagpaatras sa akin at nagpangisi narin. Natawa na lang ako sa sarili ko where did I get the idea na nandito sya para sa akin, nakalimutan kong nandito na nga pala nagtatrabaho si sofie and she is his priority.

Paatras akong naglakad at tinalikuran sila hindi ko na hinintay pang makita ang mga susunod na eksena. Naglakad na lang ako imbis na maghintay ng taxi umaasa kasi ako na kahit papaano eh mababawasan ang stress ko, nasa malalim akong pag iisip ng may humintong sasakyan sa harap ko

" hop in " seryoso nyang alok sakin

" hindi na po sir malapit naman na po ako sa sakayan " pagtanggi ko

" bihira lang ako mag alok Ms. Garcia at isa pa along Q.C din naman ang meeting ko kaya sumabay kana" agad akong sumakay sa sasakyan nya matapos nyang sabihin yun para kasi syang nagbabanta sa tono nya.

Tahimik ang buong byahe natatakot kasi akong magsalita dahil sobrang tahimik nya pero may mga pagkakataon na natititigan ko sya. Kapansin pansin ang matangos nyang ilong at mapupulang labi na mas pinatingkad pa ng maputi nyang kutis, hindi maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki nito kung hindi lang sa kasungitan nito ay tila sya na ang pinaka perpekto.

Nasa ganung pag iisip ako ng bigla syang magsalita " hindi kapa ba bababa? " seryoso nitong sabi habang dahan dahan akong nilingon.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse nito ng mapansin kong nasa terminal na kami " salamat po " hindi pa man ako tapos magsalita ay agad na nitong pinaharurot ang sasakyan.

" kahit kailan talaga " bulong ko sa sarili habang umiiling, minsan talaga hindi ko sya maintindihan.

******
" hi aren, nga pala nakapamili kana ba? " bati sakin ni Ms.Anne ng napadaan sya sa cubicle ko

" para saan? " taka kong tanong

" ano kaba, sa makalawa na ang company outing " dun ko na alala ang pinatutungkulan nya sa sobrang dami kasi ng iniisip ko marami na tuloy akong nakakaligtaan

" oo nga pala, siguro mamaya na lang ako maghahanda "

" eh sinong isasama mo? " each company employee kasi ay allowed na magdala ng isang kasama but in my case mukhang wala naman akong maisasama, sa katunayan nga kung hindi lang ito required ay hindi ako pupunta

" hindi ko pa alam eh siguro ako lang mag isa "

Nang makaalis si Ms.Anne ay agad kong kinuha ang cellphone ko and open my messenger account. Napatitig ako sa isang litrato mula sa isang account, inopen ko yun at nagtipa ng ilang mensahe bilang panimula, gusto ko sana syang kamustahin pero nag aagaw ang isip ko, gusto ko sana syang makausap but at the same time iniisip kong hindi ba dapat sya ang unang bumati sa akin dahil sya ang nagdala sa akin sa party pero hindi sya ang naghatid sa akin pauwi.

I really missed him pero bumabalik lang sa akin ang mga eksena sa party kaya sa huli napagpasyahan ko ring burahin ang mensaheng kanina ko pa sinusulat pero hindi ko mabuo. Akmang papatayin ko na ang data ko ng mag pop up ang isang notification from one of my friend si japs kapwa namin kaibigan ni lio,nacurious ako dahil bihira lang naman ito mag post kaya tiningnan ko na rin and then I saw some pictures of him inside a bar I think pero habang iniscan ko ang post nya isang litrato ang nagpahinto sa akin.

There is lio sitting in the couch with no other than sofie pero hindi yun ang pinaka umagaw ng pansin ko, dahil ang mga mata ko ay nakatutok sa mga kamay nilang magkadaop.

Bigla ko tuloy naisip na napaka lakas pala ng epekto ni sofie sa kanya dahil sa sandaling panahon ay para akong nabura sa buhay nya. Ni hindi nya ako mapadalhan ng mensahe para man lang kamustahin ako ng gabing yun o kahit katiting na hello o hi na dati araw araw kong natatanggap ay bigla ring nawala. Ganun nya kamahal si sofie para agad akong makalimutan.

Ang tanga tanga ko lang kasi para sumugal at ipusta ang puso ko sa larong umpisa palang ay ako na ang talunan.




****** good eve guys hope mapagtyagaan nyo ang story ko, sundan nyo lang po ang journey ni Zia at huwag po sana kayong magsasawa 😊😊 your reads, votes and comments are very much appreciated 😘

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon