Chapter 36

5.7K 207 26
                                        

Apat na sulok ng puting kwarto ang bumungad sa kanya ng idilat nya ang kanyang mata. Mabigat ang kanyang katawan at ang kalahati nito ay hindi nya maramdaman. Ang paggalaw ng taong nakayuko sa kanyang gawing kanan ang umagaw sa kanyang pansin.
Sinalubong nya ang itim na itim nitong mga mata and it takes a minute bago nakabawi ang isa.

" God your awake "

Agad itong tumayo at pinindot ang isang buton sa gawing kanan ng kanyang kama. Nakangiti itong humarap sa kanya at humawak ng mahigpit sa kanang kamay nya. Ilang minuto lang din ay dumating ang isang doktor upang suriin ang kalagayan nya.

" she is now fine wala ka ng dapat ipag alala "

Baling nito kay steven na animoy nakahinga ng maluwag sa narinig. Lumapit ito kay Zia matapos lumabas ang doktor.

" hey are you feeling well? "

Walang kahit na anong salitang namutawi sa labi nya nang maalala nya ang huling nangyari sa kanya bago sya mawalan ng malay.

" ang baby ko "

Paos ang naging tinig nya subalit tiniyak nyang maririnig ito ni steven. Umupo ito sa harap nya at kinuha ang kamay nya upang hawakan ito ng mahigpit.

" his fine and very healthy "

Napangiti sya sa sinabi nito at hindi na nya napigil pa ang takas na luha sa kanyang mga mata. She remember everything that was happened though she felt disgusted she is thankful that her baby was safe.

" alam mo bang pinag alala mo ako, you've been sleeping for two days at halos mabaliw na ako sa pag iintay sa paggising mo "

Napayuko si steven sa harap nya habang hawak hawak nito ng mahigpit ang kanang kamay nya

" I'm sorry Z its all my fault, dahil sakin muntik ka ng mapahamak pati si baby "

Kitang kita ang pagsisisi at pagsusumamo sa mga mata nito. Iniangat ni Zia ang kamay at inilandas ito sa mga mata ni steven wiping his tears.

" its not your fault , its my decision na umalis kaya huwag mong sisihin ang sarili mo "

Tatlong katok sa pinto ang umagaw sa seryoso nilang usapan at halos hindi na pagsidlan pa ng tuwa si Zia ng makita ang pagpasok ng isang nurse na may buhat buhat na sanggol. Inalalayan sya ni steven upang makaayos ng upo hirap man ay pinilit nito ang sarili upang sa wakas ay mayakap sa kanyang bisig ang pinakamamahal na anak.

Dahan dahang iniabot sa kanya ng nurse ang batang nakabalot sa asul na lampin at halos hindi na nya mapigil pa ang mga luhang naguunahan sa paglandas sa pisngi nya. She admire the beauty in her arms. He has a chubby face with a chinky ice na halata kahit nakapikit pa ito with a thin lips and slightly pointed nose. May ilang hibla lang ng buhok sa ulo nito pero mas ikinatuwa ni Z ang dimples na lumabas sa pisngi ng ngumiti ito.

" hi I love you "

Isang halik ang iginawad ni Zia sa noo ng sanggol at muli itong ngumiti na animoy naiintindihan ang sinasabi sa kanya ng ina. How greatful she is at that moment is undefinable mabuti na lang at survivor din ang anghel bagay na ipinagpapasalamat nya ng husto.

Napaangat sya ng tingin kay steven and it touch her heart seeing him admiring the child that she is now hugging. Kitang kita sa mga mata nito ang pagtatangi kaya tinawag nya ang pansin nito upang lumapit.

" His wonderful "

" Gusto mo syang kargahin? "

Isang iling ang isinagot nito subalit taliwas ito sa ekspresyong ipinapakita nya.

" baka masaktan ko sya masyado syang maliit "

" I trust you and he is "

Dahan dahang iniangat ni Zia ang braso upang mailapit kay steven. Ingat na ingat itong inabot ang bata na animoy babasaging bagay. Bakas sa mukha nito ang labis na saya medyo namumula na nga ang mga mata nito pero pinipigilan lang ang emosyong lumabas.

His My Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon