Agad akong nag check out sa ospital matapos maipaliwanag sa akin ng doktor ang mga do's and don'ts ng pagbubuntis ko at hindi na pinansin pa ang pangungulit ni lio about him having a full responsibility of my child.
Mabilis akong nakarating sa parking pero dahil sa iniingatan ko ang bawat kilos ko ay naabutan nya rin ako.
" I'm serious of this Zia, pag usapan natin ito huwag mo akong takbuhan " mabuti na lang at wala ngayong masyadong tao dahil sa lakas ng sigaw nya tiyak na makakaagaw kami ng atensyon.
" pwede ba lio may sari sarili na tayong buhay kaya bumalik kana lang kay sofie " agad ko syang tinalikuran at umaasa na sana hindi na nya ako sundan pa pero agad nya ring nabawi ang mga braso ko at iniharap ako dito
"that was my child kaya may karapatan ako" nakakapaso ang mga tinging ipinupukol nito sa akin pero hindi ako magpapatalo
" ow really the last time I check malinaw ang usapan natin when you impregnate me hindi ka maghahabol at ganun din ako sayo so please stop this non sense " pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa braso ko pero ni hindi ko ito natinag at mas nakaka intimidate ngayon ang ngiti nya
" talaga ba? Bakit may papel ba akong pinermahan o kahit na anong katibayan tungkol sa sinasabi mo Aren Zia " halos manaas ang balahibo ko sa pagbanggit nya sa buong pangalan ko. This is the first time that he calls me with my whole name kaya kahit nakangiti sya alam ko na sobra na ang galit nya.
Pumikit ito ng madiin na para bang pinipigilan ang sarili sa kung ano mang pwede nyang gawin napansin nya siguro ang takot na naramdaman ko at ng muli itong dumilat ay mas mahinahong lio na ang humarap sa akin.
" please Z let me handle everything first huwag kang lumayo " may pagsusumamo nitong hiling
" but how about sofie, I know that you love her ayokong makagulo " sinsero kong turan sa kanya
" your wrong walang kami ni sofie dahil hindi sya ang babaeng mahal ko " halos magtama ang aming mga mata habang hinihintay ko ang mga susunod nyang sasabihin kahit pa sa ngayon ay gulong gulo ang isip ko.
" what do you mean? " maang kong tanong dito
" I love you Z , yes maybe I am a coward to tell you the truth but now kailangan ko ng maging malakas para sa magiging pamilya natin " masuyo nitong hinawakan ang kanang kamay ko sabay lapit sa kanyang mga labi
" hindi ko maintindihan? " gulong gulo ang isip ko sa kung anong dapat kong maramdaman though this moment is what I am dreaming for, the moment where lio tells that he loves me too but the other half of me is telling that I should be brave enough to end everything with him cause I know that as long as I'm with lio pain is also guaranteed.
" mahal mo ko? No lio mahalaga siguro oo pero mahal? Hindi " Binawi ko ang mga kamay ko mula sa kanya
" kung papano mo ako ipinagpalit sa kanya sapat na yun, he was your dream, your everything saksi ako dun, I was just your handkerchief na kailangan mo lang kapag pagod ka o nasasaktan ka dahil sa kanya so please this time ako naman " tahimik lang syang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko pero ang ikinagulat ko ay ang mga luhang lumalandas sa kanyang mga mata habang mataman akong tinititigan.Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko ang pait at sakit na para bang habang pinagmamasdan ko sya ay doble ang sakit na nararamdaman ko, siguro nga mahal ko talaga sya yun lang ang tanging totoo sa relasyon naming dalawa.
" then give me a chance to explain everything dahil hindi ko basta basta isusuko ang panyong natutunan ko ng mahalin " ikinabigla ko ang biglang pagluhod nito habang parang batang humihikbi.
This is the first time na makita ko syang ganito kaya sa huli pinagbigyan ko sya. I want to know everything not only for lio but also for myself.
Dinala nya ako sa pinakamalapit na coffee shop upang tahimik kaming makapag usap medyo nahihiya narin kasi ako dahil parami na ng parami ang audience namin sa parking. Halos ilang minuto narin kaming nakaupo dito pero walang gustong mag umpisa
" Nang makabalik si sofie I thought I still love her, tama ka he became my dream thats why laking tuwa ko ng bumalik sya at nawalan ako ng oras sayo pero hindi ko maiwasang hindi ka balikan, gulong gulo ang isip ko mahal ko sya pero sa puso ko hindi kita magawang bitawan until the accident at the company outing happen, nang mawala ka pakiramdam ko hindi ako makahinga halos mabaliw ako kakahanap sayo lalo na when I saw steven carrying you nabalot ako ng selos gustong gusto kita nung agawin mula sa mga bisig nya and then I realize how much I love you " masuyo nitong hinawakan ang mga kamay ko. Siguro kung may makakarinig sa mga sinasabi nya iisipin nilang nasa isa kaming madramang eksena.
" then how can you explain yung pag iwan mo sakin sa isla para sa kanya? Pati yung pagtalikod mo sakin nung sinabi kong mahal kita " may hinanakit kong tanong sa kanya
Hindi ko parin kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari.
" we are indebted to their family, nalulugi na ang ilang mga negosyo namin and Mr. Young help my father to support the finances of the company thats why kailangan kong pakisamahan si sofie and when I neglect my parents request ay inatake si mommy kaya wala akong nagawa kundi talikuran ka at sundin ang utos nila."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya pero unti unti na akong naniniwala at natitibag ang pader na naitayo ko.
" kaya please I'm begging you just give me a chance to fix everything, aayusin ko ito trust me " dama ko ang pagsusumamo sa boses nito kaya sino ba naman ako para mag matigas pa. Ginantihan ko na lamang ito ng ngiti at tango tanda ng pagsang ayon.******* hi guys your reads, votes and comments are very much appreciated. Arigato😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...