Secrets are meant to be discovered.
Pinagmasdan nya ang nahihimbing na anak habang payapa itong natutulog. Paulit ulit na tumatakbo sa isip nya ang mga napag usapan nila ni joe. Muli nyang kinabisado ang bawat parte ng mukha nito at gaya ng nauna ay tanging mukha ni lio ang nakikita nya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan ang taong iniisip nyang makakapag kumpirma ng kung anong gumugulo sa kanya. Nakailang ulit ang pagtipa nya sa pangalan nito hanggang sa sumagot ito. Pansin nya ang pangangarag at pagkapaos ng boses nito kaya sandali nyang nakalimutan ang pakay sa pagtawag.
" what happened nasan ka? "
" wala ito sinisipon lang ako and sorry hindi ako makakauwi ngayon dahil may urgent business trip ako at baka abutin ito ng two weeks "
Hindi nya maiwasang mag alala lalo pa at napapadalas na ang pag alis ni steven minsan pa nga ay hindi na ito nakakapag paalam at halos lilipas ang araw bago muli ito kumunekta sa kanya.
" ok mag iingat ka dyan "
Walang buhay nyang sagot ng agad ding maputol ang nasa kabilang linya. Tanging buntong hininga na lamang ang pinakawalan nya kasabay ng pagtahimik ng buong paligid.
*******
Makailang ulit na syang napapailing sa tapat ng kanyang computer dahil hindi nya makuha ng maayos ang dapat na linyang ilalagay nya sa kanyang proposal. Ipinalandas nya sa kanyang buhok ang kanyang kanang kamay hanggang sa mga oras kasi na yun ay hindi pa rin sya mapalagay at isang katutak na tanong pa ang tumatakbo sa kanyang isipan." Z.... "
Isang baritonong boses ang pumukaw sa malalim nyang pag iisip at ang mukha ng kanyang boss ang bumungad sa kanya ng hanapin nya ang pinagmulan nito. Tila naging pamilyar sa kanya ang boses nito na tinatawag sya sa ganoong endearment.
" Yes sir? "
" Akala ko ba nakauwi kana? "
Tiningnan ni Zia ang paligid na pinatutungkulan ni lio to find out na sya na lang pala ang natitira.
" Sorry hindi ko namalayan ang oras "
" Its ok ihahatid na lang kita "
Tatanggi pa sana si Zia ng dumiretso na ito na para bang siguradong pumayag na sya sa alok nito kaya agad nya na ring iniligpit ang mga gamit at sumunod dito.
Naging tahimik ang buong byahe ganunpaman ay napansin ni Zia ang panaka nakang sulyap sa kanya ni lio na nakapag pailang sa kanya.
" gaano na kayo katagal ni steven? "
Biglang tanong nito na ikinalingon nya
" almost 5 years narin "
Diretsong sagot ni Z na itinutok na lamang ang tingin sa bintana habang umaasang malilihis ang usapan pero ang sumunod na tanong nito ang mas nagpabasa sa magkadaop nyang palad.
" si stefen anak ba talaga sya ni steven? "
Napansin nya ang pananahimik nito matapos magtanong na para bang taimtim itong naghihintay sa magiging sagot nya pero wala ni isang salita ang lumabas mula sa kanya. Sakto naman ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay kaya minabuti nyang huwag pansinin ang tanong nito na para bang wala syang narinig.

BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...