" These are the designs for the first ten floors of the building, as what you said the outlines are based on the given themes "
Mabilis ang tibok ng puso ni Zia tanda ng matinding kaba sa kabila ng pagiging kampante nya dahil pinaghirapan nya ng husto ang presentation. Halos panglimang proposal na nya kasi ito kaya unti unti naring nauubos ang pasensya nya dito. Hindi nya batid kung hindi ba talaga maganda ang mga proposisyon nya o sadyang nananadya lamang si mr.degrado pero wala naman syang alam na dahilan para umakto ito ng ganito sa kanya. Pinagmasdan nya ang pitong tao na nasa kanyang harapan at nakapalibot sa lamesa habang inuusisa ang mga papel na naglalaman ng presentasyong pinaghandaan nya. Isa na rito ang may ari ng kompanya na si Mr. Degrado.
Napabaling sya ng tingin dito ng magtaas ito ng ulo at diretsong tumingin sa kinatatayuan nya. There is something in his eyes that always makes her shiver pero hindi nya alam kung ano yun.
" I don't want this.... Give me another set "
Napapikit na lamang si Zia sa isinagot nito pero mas naikuyom nya ang mga kamay ng ihagis nito sa harapan nya ang mga papel at akmang aalis na.
" excuse me sir but can you give me the exact reasons kung bakit ayaw mo sa designs ko? "
Napansin din ni Zia ang sabay sabay na pagtingin sa kanya ng board na para bang napakalaking kasalanan ng pagtatanong. Muling tumingin sa kanya si lio but this time may ngisi na itong mapang uyam.
" I think its your job to prove your self at kasama na dun ang pag alam sa kakulangan mo. Prove yourself that you deserve to be here at hindi sila nagkamali sa pagkilala sayo "
With his last word ay agad din sya nitong tinalikuran kaya isang malalim na buntong hininga na lamang ang kanyang pinakawalan.
Tahimik ang buong bahay ng makauwi sya. Malalim narin kasi ang gabi kaya malamang ay tulog na ang anak nya maging ang mga kasambahay. Hanggang sa bahay ay dala dala parin nya ang mga trabahong kailangan nyang matapos before the deadline mabuti na lang at walang pasok kinabukasan kaya mahaba haba ang magiging oras nya para makapagpahinga.
Dumiretso sya ng kusina upang makainom ng malamig na tubig pero hindi pa man nya nabubuksan ang ref ay isang mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran ang nakapagpatigil sa kanya. Naging pamilyar sa kanya ang amoy ng taong nakayakap sa kanya kaya agad syang nagpaubaya.
" did you miss me? "
Ipinatong nito ang ulo sa kanyang kanang balikat habang damang dama nya sa kanyang leeg ang mainit nitong paghinga. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at dinamdam ang sandali.
" so much, kailan ka pa dumating? "
Humarap si Zia upang mas lalong makita ang mukha nito. Pansin nya ang pamamayat at ilang pagbabago sa aura nito na lubha nyang ipinagtaka dahil halos mag iisang buwan pa lang naman silang hindi nagkikita. Itinaas nya ang kanang kamay sa pisngi nito.
" steven.... May problema ka ba? "
Mataman lang itong tumitig sa kanya na tumagal din ng ilang minuto bago nito sinakop ang mga labi nya. Damang dama sa bawat halik nito ang labis na pagmamahal dahil sa mga haplos nitong punong puno ng pag iingat maging sa mga yakap nitong maydiin ay bakas ang emosyong pinapakawalan nya.
Handa na si Zia sa kung anumang mangyayari dahil ito ang unang beses sa loob ng limang taon na ito ang unang nag initiate ng halik subalit ng marating nila ang kama ay mas pinili na lamang nitong akapin sya.
Isang halik sa noo ang iginawad ni steven kay Zia. Puno man ng tanong ang isip ni Z ay mas pinili na lang muna nyang namnamin ang sandali kung saan nasa bisig sya ng taong mahal nya.

BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...