Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi maipagkakaila ang paghanga ko sa makapigil hiningang tanawin ngunit ang kaninang paghanga ay unti unting napalitan ng inis ng masumpungan ko ang mga matang mainit ang tingin sa lalaking ngayon ay nagtatampisaw sa dagat habang ako nakaupo lang dito sa tabi habang pinapanood syang tuwang tuwa sa atensyong nakukuha nya.
" umahon kana dyan " itinaas ko ang kamay ko at kinawayan sya para makuha ang atensyon nya. Hindi ko na kasi matiis ang mga titig sa kanya ng mga babae sa paligid. Lio has a perfect figure with a six packs abs samahan pa ng maputi nitong kutis at ang agaw pansin nitong mukha pero ang ikinainis ko ay ang paglagpas nya ng tingin sa akin.
" lio ano ba? Umahon kana dyan " pag uulit ko sa sinabi ko baka kasi hindi nya lang ako narinig. Tumayo narin ako at lumapit na sa dalampasigan pero nginitian lang ako ng loko.
" why would I? Why don't you join me?" Itinaas pa nya ang kamay nya at imwinestra na lumapit ako sabay ngiti.
" ang gwapo nya talaga "
" May girl friend na kaya sya? "
" mukha namang wala "
Rinig kong bulungan ng mga babae sa di kalayuan dahilan para mapatingin ako sa kanila para kasing sinasadya nilang iparinig sa akin ang usapan nila o mabilis lang talaga ang pandinig ko pagdating kay lio pero dahil wala ako sa mood at medyo giniginaw pa ako ay bumalik ako sa kaninang inuupuan ko maghahapon na kasi kaya lumalamig at lumalakas na ang ihip ng hangin.
" hey Z " umiling lang ako bilang tugon sa kanya ng mapansin ko ang pag lapit ng isa sa mga babaeng narinig ko kanina. Naka white lace bikini ito na halos lumuwa na ang hinaharap pero mukhang sanay na sanay naman sya.
Pinakatitigan ko lang sila habang naguusap baka kasi nagtatanong lang ang babae sa kanya pero habang tumatagal ay naikukuyom ko na ang mga kamay ko sa inis lalo na ng makita kong ngumingiti si lio sa harapan nya habang may mga pasimpleng haplos ang hitad sa hubad na balikat ni lio.
Hindi ko alam kung sinasadya ba nyang tudyuin ako but honestly he succeed because at this moment gusto kong sakalin silang dalawa. Nang hindi na ako makatiis ay tumayo na ako at dahan dahang hinubad ang t-shirt na ipinasuot ni lio sa akin kanina pati narin ang puting dress na ipinatong ko sa pulang bikini na suot ko.
" you want a show ah " bulong ka sarili habang dahan dahang naglakad papunta sa dagat ng malabewang na ang tubig ay huminto ako at unti unting binasa ang katawan ko damang dama ko ang ilang mga matang bumibilad sa akin. Ito kasi ang unang beses na nagsuot ako ng ganito ka liberal na damit kaya kitang kita ang mala porselana kong kutis na pantay na pantay sa bawat bahagi ng katawan ko.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang mainit na titig ni lio na ikinangiti ko. Akala nya siguro sya lang ang may kayang mang akit ha pwes I'll prove how venomous am I.
Matapos kong mabasa ang buo kong katawan ay napagpasyahan ko na tuluyan ng lumusong ganun na lang ang gulat ko ng maramdaman kong may humawak sa bewang ko bago ako makaahon.
" oops sorry I thought you are my sister" At first I thought it was lio pero ng marinig ko sya ay agad akong bumalikwas pero sadyang matibay ang pagkakahawak nya sa akin. Isang matipunong lalaki ang nakangiti ngayon sa harapan ko para syang may lahing hapon dahil sa hugis ng kanyang mata ganun paman hindi ko nagustuhan ang ginawa nya. Magsasalita na sana ako para barahin sya ng marinig ko ang baritonong boses mula sa likuran ko.
" ganyan mo ba hawakan ang kapatid mo? " matalim ang tingin nito sa lalaki at ng makalapit sya ay isang malakas na suntok mula kay lio ang nagpaatras sa huli. Sa kabila ng pagkagulat ko ay nagawa ko syang hawakan at harangan para mailayo ng bahagya mula sa lalaki
" don't you dare touch whats mine moron " itinaas ng lalaki ang mga kamay nya tanda ng pagsuko pero nakaguhit sa labi nito ang mapang uyam na ngiti
" easy dude, sorry ok sorry " nang makaalis ang lalaki ay marahas akong hinila ni lio pero agad ko rin namang binawi ang braso ko mula sa kanya para kasi itong mapipigtas sa higpit ng pagkakahila nya.
" ano bang problema mo? " iritang sigaw ko sa kanya bigla na lang kasi syang nagagalit sakin kahit wala naman akong kasalanan sa nangyari.
" umuwi na tayo " agad syang tumalikod at dirediretsong naglakad ni hindi na nga nya ako hinintay, may mga pagkakataon talagang naguguluhan ako sa ugali nya
Nang makapasok ako sa mansyon agad na hinanap ko si lio pero hindi ko sya natagpuan sa kahit saang parte ng bahay
" yaya selya nakita nyo po ba si lio? " tanong ko sa matanda ng makasalubong ko sya sa kusina
" ay naku hindi iha, hindi ba kayo ang magkasama? " balik nitong tanong sakin saka iniligpit na ang mga pinaggayatan nitong gulay magluluto siguro ito.
" oo nga po pero nauna syang umuwi eh " natahimik ako sandali at nag isip ng hindi na sumagot pa ang matanda.
"Saan naman kaya sya pupunta eh dis oras na ng gabi" bulong ko sa sarili ko habang humahakbang paakyat sa aming kwarto doon ka na lang muna sya hihintayin.
Nagising ako ng maramdaman kong lumundo ang kabilang parte ng kama. Agad kong kinuha ang cellphone ko at chineck kung anong oras na at halos magaalas tres na ng madaling araw kaya bumunton ako sa katabi ko na alam kong gising pa.
" bakit ngayon ka lang? " umupo sya at matiim akong tinitigan gayon din ang ginawa ko, binuksan ko rin ang lamp shade na nasa gawing kanan ko para maaninaw ko ang ekspresyon ng mukha nya. Masyado syang seryoso kaya umusbong ang pag aalala ko sa diko malamang dahilan.
" saan ka pumunta? Galit ka pa rin ba? " ganun na lang ang gulat ko ng bigla nyang tawirin ang pagitan namin at maalab akong hinalikan habang ang kamay nya ay malikot ng naglakbay sa aking likuran.
Nang tumigil sya ay matiim parin itong nakatitig sa akin na para bang may nais syang sabihin pero walang lumalabas sa bibig nya tanging ang mga mata nya ang nangungusap sa akin at nagsasabing may dinadala sya.
" may problema ba lio " tinitigan ko lang ang ekspresyon nya at hinintay na may lumabas mula sa mga labi nya, I want to know if there is something wrong or should I say if what is the problem cause I know there is, imposible kasing maging ganito kabigat ang presensya at ekspresyon nya kung dahil lang ito sa nangyari kanina.
" can you trust me Z , no I want you to trust me, whatever happens ako lang dapat ang pakikinggan mo sa akin ka lang dapat maniniwala ok? " may halong pagmamakaawa ang bawat salitang binibitawan nya
" oo naman sayo lang ako makikinig at maniniwala " itinaas ko ang mga kamay ko sa mga pisngi nya as a sign of assurance habang mahigpit nya namang inakap ang mga braso nya sa bewang ko, Hindi ako sanay sa ganitong klaseng lio I know that there is something wrong at gusto ko yung malaman.
***** happy new year guys 😘
BINABASA MO ANG
His My Baby Maker
General FictionMasama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? do you prefer to have a plan B ??.... Ako?? Sabi ko noon papasok lang ako sa isang relasyon kung mahahanap ko na ang perpektong lalaki para...