CHAPTER THIRTY-TWO

10 0 0
                                    

FOR the past few days, Lucian did nothing but to focus on their dance practice. Halata kasi dito na gusto niyang mapa-impress si Lucian sa araw ng show nila.

December 21 nang bigyan na sila ng bakasyon. Pero kahit sa bahay ay sumasayaw pa din si Lucian. Kada makita siya ni Iuhence na nagpapractice sa harapan ng salamin sa sala, natatawa na lang siya.

Mukha kasing hindi napapansin ni Lucian na nag-e-enjoy na siya sa pagsasayaw. Hindi niya na rin ito nakikitang nagkukulong sa kwarto at nagdo-drawing ng kung ano-anong floor plans.

Naalala niya tuloy ang sitwasyon niya kay Lucian noong lunod pa siya sa pagiging bibliophile. Wala na siyang inintindi kung hindi libro. Same with Lucian's case. Drafting, lots of studying...

Kung ikaw pala ang expectator, ikaw ang mismong magsasawa sa sitwasyon ng iba kahit nanonood ka lang.

Luckily, someone made her realize that too much being avid of anything will not change everything the way it is.

Kasalukuyang nagpapahinga si Lucian sa sala nang dumating si Myrrben na nanggaling sa basketball court. Wala kasi siyang magawa sa bahay dahil inunahan na siya ni Lucian sa mga gawain. He already cooked, washed the dishes, and did the laundry.

Pawis na pawis silang pareho kaya naman ngumiwi si Iuhence nang lumabas siya ng kaniyang kwarto.

"Ano ba 'yan! Amoy lalaki!" reklamo niya habang pinapagpagan yung pajama niya. Napatingin ang dalawang lalaki sa kaniya at saka tinignan ang isa't-isa.

Myrrben chuckled, "Hindi naman kami amoy putok 'a? Oo ako amoy antique na aparador pero itong si baby shark sumasabog yung pabango niyang nahaluan ng amoy kulob kaya amoy hamog. Kaya ano pang inirereklamo mo d'yan?" he asked.

Napansin ni Lucian na kagigising lang ni Iuhence. Tanghali na kasi at ngayon lang ito bumangon. He assumed that she's lack of sleep because of reading the whole night. Magi-isang linggo na ring hindi nangangamusta si Logan via video chat kaya medyo nagtataka din siya. Though alam niyang wala namang kailangang itawag dahil wala naman siyang masyadong balita doon. At hindi niya hahayaang maging excuse siya para makausap lang si Iuhence.

"Where are you going? Parang maliligo ka yata?" he asked. Iuhence gave him a blank stare.

"Hindi pwedeng kahit walang pasok, maligo man lang ako?" she sarcastically retorted. The two guys chuckled.

"Pupunta ako ng salon. Magpapa-rebond ako." she answered and showed them her super messy hair, "Nangungulot na sa sobrang kapabayaan ko at darating na ang pasko kaya kahit kaunti ay mag-ayos man lang ako."

Lucian snapped, "I'll go with you," he said and stood up from his seat.

Iuhence shook her head, "Nako, Lucian, 'wag na. Malambat ya ita (Matagal 'yon)."

Alam niyang matagal ang oras kapag pumupunta sa salon ang mga babae. Natatandaan pa niya kung paano niya iniwan noon si Luris dahil nagpasama itong magpa-hair make over. Sobrang tagal ng procedure kaya nilayasan niya ang kapatid. Well, hindi naman siya ganoon kasama dahil nandoon si Logan.

Pero may iba siyang sadya sa urban kaya naman gusto niyang sumama.

"I'll buy some stuffs. Babalikan na lang kita." he answered and Iuhence nodded in response.

PAGKATAPOS ihatid ni Lucian si Iuhence sa isang salon sa SM Tarlac, kaagad siyang nagtungo sa National Bookstore para mamili ng technical books about sketching and arts stuffs. Then his next stop was the Cyberzone. Pumasok siya sa isang shop na Octagon at nagpa-assist sa isang staff.

"Uhm, excuse me?" he asked to the salesman. Kaagad naman siyang nilapitan nito.

"How can I help you, sir?" he asked politely.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now