CHAPTER TWELVE

166 7 0
                                    

Logan

MONDAY. 6:32 ng umaga nang makarating na kami ng school. Back to normal na naman ang lahat.

Kasabay kong bumaba ng kotse si Lucian dahil nagpresinta si Dad na I-drop by na kami sa school kasi ngayon ang uwi ni Luris pa-Maynila. Dad's gonna drive her on the way to the terminal.

Ang mga ibang estudyanteng kasabayan namin papasok ng gate ay pinagtitinginan kami. Well, I guess si Lucian lang.

Kung ano naman kasi ang kinatahimik niya ay 'yon ang kinalakas ng charisma niya sa mga babae, bagay na hindi niya pinagsasamantalahan.

Since my brother is a practical one, wala siyang time na tumingin sa mga babae at magka-girlfriend agad.

Not because he's not he's interested.

He just learned his lesson already.

He studied in an all-boys school from preparatory to junior high school. Nang mag-senior high lang siya lumipat ng public. Pareho na kaming nag-aaral sa Tarlac National High School. At katulad ni Iuhence, he's an Arts and Design student in Grade 11 level. Lucian has the potential but he's not really into arts.

He just chose the Arts and Design track for innovation, not because he's using creative imagination.

He had this perspective with direct relation with reality.

Kaya pihadong mas mature siya kesa sa akin.

Ito pa lang yata ang unang beses na ma-spot-an kaming sabay na pumasok ng eskwela. Usually kasi mas maaga siyang pumapasok kapag may whole day sila.

And great, we're now the center of attention.

Ganito ang nangyayari kapag nagsama-sama ang mga Riley.

"Kuya Lucian! Kuya Logan!"

Napalingon kami ni Lucian nang marinig naming muli kaming tinawag ni Luris.

Lumabas siya ng kotse at saka patakbong lumapit sa amin habang nakasukbit sa balikat niya yung laptop bag ko samantalang hawak naman ng dalawang kamay niya ang miniature model ni Lucian.

"How come that you can forget your stuffs?" she said and handed our belongings, "Lalo ka na, Kuya Lucian. Ang laki-laki nitong gamit mo, nakalimutan mo pa!" sermon ni Luris kay Lucian.

"I probably forgotten it because my thoughts were occupied by the key words I'm trying to remember for our long quiz in Human Anatomy later." Lucian answered and carefully reached for his project, "By the way, thanks."

"Thank you, Luris. Ingat sa byahe." I said and patted her head.

Sabay naming hinalikan ni Lucian si Luris sa pisngi. Sa kanan siya samantalang sa kabila naman ako. Mom raised us with so much love and care kaya naman kahit sweet kaming magkakapatid sa isa't-isa kahit papaano. Lalo na kaming dalawa ni Lucian towards Luris. Madalas man silang magbangayan ang dalawa pero si Luris pa rin ang aming prinsesa.

Muntik pa ngang malaglag yung hawak hwak na project ni Lucian dahil sa sobrang pagyuko niya para maabot lang ang pisngi ni Luris. He's just 17 years old and yet 5"10 na ang height niya. Habang ako nasa 5"8 pa lang.

Luris gave us a tight hug before she ran towards the car. She even waved to us before Dad drove his car away.

"Uy! England!"

Sabay kaming muling napalingon ni Lucian nang may sumigaw ng pangalan ko.

Myrrben's approaching us from afar while he's with Lilian and... sigh... Rasui.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now