CHAPTER NINE: U

177 8 0
                                        

"HEY, Iuhence, wake up."

Nag-inat kaagad si Iuhence nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kaniya.

Kaagad siyang napabalikwas ng upo nang makita niyang nasa harapan na niya si Reagan.

Sumulip siya sa bintana ng kaniyang kuwarto at nakitang pasikat na ang araw. Chineck niya din ang orasang nasa bedside table at maga-ala-sais pa lang ng umaga.

Napansin ni Iuhence na may patch sa may batok si Reagan kaya naman napakunot siya ng noo.

"Sorry to wake you up in this early. Sobrang aga ko kasi nagising 'e. Baka ma-late ka kasi sa school. Naliligo na si Myrrben. I already cooked breakfast for us." he said and helped her fix her bed.

"Anong meron sa mga patches na 'yan?" turo ni Iuhence sa dalawang patch na nakatapal sa kaniyang magkabilang batok.

Reagan touched them, "Kaninang alas-tres ay uminom ako ng tubig, tapos nag-black out na lang ako bigla sa may sala kanina. Nakatulog ako nang nakaupo kaya masakit batok ko." he explained after he arranged the pillows.

Iuhence felt bad for him.

Reagan experience such discomfort while her morning's beautiful because the sun just shine right before her eyes.

"Get well soon." tanging nasabi na lang niya.

Reagan chuckled, "Parang nagkalaganat naman ako 'o."

They left the conversation hanging.

Pumasok na kaagad sa banyo si Iuhence samantalang si Reagan naman ay naghanda na ng breakfast kasama si Myrrben.

Ilang oras pa ay lumabas na si Iuhence nang nakasuot na ng uniporme.

Nagulantang na lang siya nang may tumambad na mga supot sa may sala.

"Ano ang mga 'to, kuya?" she asked when she saw her kuya arranging the packages.

"Invitation cards para sa debut mo. I got it all arranged for you, sis." sagot ni Myrrben kaya naman napaawang ng bibig si Iuhence.

"Gosh! Birthday ko na pala bukas!" gulat na sambit nito kaya naman napailing si Myrrben.

"How could you forget your own birthday." he said as Iuhence took one card out of the packaging.

"Halos classmates, school paper staffs, close relatives 'tsa mga kabarkada mo nandito 'a, kuya? Naks! First dance kita."

Myrrben smirked, "Alangan naman si Papa--may god bless your soul."

"Pero wala man lang preparation para sa cotillion, Kuya! What kind of party is this!?"reklamo niya.

"Simple lang naman yung party. Kahit walang practice-practice basta pipila yung mga isasayaw ka ay okay na. Alam ko namang ayaw mo ng bonggang handaan dahil tinatamad ka sa preparation." sagot ni Myrrben.

Nagulat ito nang bigla na lang kumapit si Iuhence sa kaniyang braso at ngumiti na tilang batang binigyan ng sangkatutak na tsokolate.

"Oh? Napano ka?" tanong ni Myrrben sa kaniya.

"Salamat ha, Kuya?" sambit ni Iuhence at saka ngumiti sa kaniyang kuya.

Napangiti si Myrrben pero sandali lang 'yon, "Walang anuman. 'Tsaka 'wag ka na ngang magpa-cute! Mukha kang tuta." pang-aasar nito pero hindi naman dinibdib 'yon ni Iuhence.

"Kain na!" tawag ni Reagan mula sa kusina.

Sabay silang pumunta doon at kaagad na silang umupo para magsalo-salo.

"Pwede ka bang pumunta ng school mamayang alas-tres, pre?" tanong ni Myrrben kay Reagan kaya naman napatingin ito sa kaniya.

"Papasundo ka?" biro nito kaya naman napairap si Myrrben.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now