HINDI mapigilang kabahan ni Iuhence dahil sa mga tingin ng mga nakaupo sa may mesa nang pumasok siya sa loob ng dining area kasama si Luther.
Masaya kasi silang nagkukuwentuhan nang bigla silang manahimik nang pumasok na sila.
Pero hindi niya pa rin maiwasan na mamangha nang masilayan niya kung gaano kaganda ang lahi ng mga Riley.
May dalawang matanda, apat na kasing tanda lamang ni Luther, apat bata na nasa pito hanggang labing isang taong gulang at dalawang lalaking kasing edad lamang ni Iuhence.
Binasag ng isang napakagandang babae ang katahimikan nang umalingawngaw ang pagatras ng kahoy na upuan nito nang siyang tumayo.
"Ikaw siguro ang sinasabi ng asawa ko. You're Iuhence, right?" tanong nito sa malumanay at tila musikang tono.
"O-Opo..."
"My name is Lorraina. I am Logan's mother. Just call me 'Tita'." pagpapakilala nito kaya naman napangiti si Iuhence.
Kaagad niyang nabasa ang pwedeng maging personalidad ni Lorraina base sa tindig nito. Ang mga gaya niyang mahinhin ay hindi madalas magalit. Kasi kaagad ka nang nakakaramdam kung nadi-disappoint na siya. Kalmado ito pero hindi palangiti. Ngunit mababakas naman ang kabitan at ang pagiging maaalalahanin niya.
Sa madaling salita, isa siyang ideal mom.
Hindi na naiwasan ni Iuhence ay suriin ang kabuuan ni Lorraina. Morena ito, matangkad, at pang-supermodel ang tindig. Parang mga alon ang kaniyang itim buhok at kapansinpansin ang mga mata nitong itim na may mahahabang pilikmata.
Bumagay sa kaniyang kutis ang suot nitong kulay asul na bestida na pinatungan ng kulay asul na vest.
"Is she his girlfriend?" narinig niyang bulong ng isang babae sa tabi ni Lorraina.
Kaagad nang nagsalita si Iuhence para maitama 'yon, "Hello po, T-Tita." bati nito at saka bumaling naman sa iba, "Good evening, My name is Alexantha Iuhenceia Lazarro. You can call me 'Iuhence'. I am Logan's friend." pagpapakilala niya at nakahinga siya nang maluwag nang magingay na ang mga natahimik kaninag mga bisita.
"Is everything alright?"
Napalingon silang lahat nang dumating na si Logan at saka tumabi kay Iuhence.
"This is the first time you introduced a lassie to us, Logan. But is she really just a friend of yours?" tanong ng isang matandang babae na halos puti na ang buhok.
"Yes, grandma." nakangiting sagot ni Logan.
Kaagad na-asses ni Iuhence na purong mga Ingles ang mga ito at hindi nakakapagsalita ng Tagalog kaya naman napabuntong-hininga siya sa isipan.
'Mahaba-habang English conversation 'to...'
"Uhm, Iuhence, sila pala ang mga kamag-anak ko." sambit ni Logan at isa-isang ipinakilala ang kaniyang mga relatives.
Nagsimula siyang ipakilala ang dalawang matanda na mga magulang ng kaniyang ama. They are the elders in the Riley family. Sumunod naman ang apat na mga kasing-edad ni Luther--which is mga kapatid niya. Spencer, the eldest of the second generation Riley guy with the red hair just like his father. Harris, the second child with the blue eyes just like her mom. Ariadne, the third one with the short hazel hair, and Phyllis the youngest with the strict aura. She just knew that Luther is the fourth child.
He also introduced the four kids.
Julius, the naughty kid, Hypnos, the sleepy one, Ocidius, the cute one and Stephen, the gorgeous kid.
YOU ARE READING
He Is His Creation
JugendliteraturA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.
