CHAPTER ONE: Dear, Iuhence

426 10 1
                                    

Logan

"Hoy, England! Okay na 'to, di'ba?" tanong sa akin ni Rasui at saka inihagis na lang yung papel niyang may sulat manok sa ibabaw ng desk ko.

Natamaan niya pa nga yung bote sa ibabaw at natumba 'yon pero 'buti na lang ay nakatakip kung hindi, malamang nabasa ako at nadamay pa yung precious laptop ko.

Que babaeng tao, ang gaslaw kumilos.

Napairap na lang ako at pansamantalang itinigil yung itina-type kong article para basahin yung gawa ni Rasui.

Lahat kami ay busy ngayon sa TMP room dahil ilang araw na lang ay deadline na ng mga articles para sa "The Melting Pot" 'tsaka "Ang Supling" school papers. Perks of being a Tarlac National High School student and a school paper editor-in-chief.

Binasa ko yung article na sinubmit niya at napailing na lang ako dahil sa gawa niya. Halatang sariling gawa lang niya yung direct quotations dahil hindi naiba yung grammar. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, ang tamad tamad. I wonder how she passed the entrance exam for being qualified as a Special Program in Journalism student. Grade 9 lang niyan siya pero kung makaasta parang superior ko siya.

Maka-tawag pa ng "England" sa akin, akala mo close kami.

They call me "England" kasi takaw pansin daw ako dahil half-English ako. Alam n'yong yung mga taong makatingin sa mga may lahing foreigner kasi naiiba yung itsura? They call that in Kapampangan, 'silo'.

Close friends ko lang tumatawag sa akin ng "England". And I really hate how the juniors act like they're at my age.

Tss. These complains are such a waste of time.

"This one needs fact checking. Kino-cover mo yung pagkapanalo ng athletes natin sa athletic meet so dapat lahat ng nandito legit. Direct quotations mo pa lang, halatang fabricated na at ikaw lang ang may gawa." tinatamad na sagot ko at saka itinabi yung papel na ipinasa niya.

"Hoy! Hindi ko gawa-gawa 'yan! Nagpakahirap pa akong hagilapin yung mga atleta sa buong campus para lang sa interview tapos ganiyan lang ang sasabihin mo?! Tinatapakan mo ang pagiging journalist ko! Porque gwapo ka lang, imported mula England 'tsaka EIC ay papagurin mo ako ganito. May galit ka ba sa akin?!" sigaw niya kaya naman napatagil ang iba naming mga kasama mula sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

I just sighed.

That's it. She's really getting in my nerves.

"Wala naman. Naiinis lang. Just to remind you, I am the EIC here. Walang kinalaman ang nasyonalidad ko sa trabaho ko kaya gawin mo na lang din ang sa'yo bilang isang journalist. Do everything what it takes to make it perfect. 'Wag kang butthurt. Just to remind you, training na din ito under my supervision. Ako ang kanang kamay ng teacher natin to improve you. Pero kung magrereklamo ka lang din, you're free to leave the works behind. Anong grade ka na nga ulit at sino ka sa tingin mo para pagsalitaan mo ako ng ganiyan? Make sure your superiority transcends mine. But I advise you na pagbutihan mo. Para sa susunod na pagmalakihan mo ako ng ganiyan ay sana may narating ka na." kalmadong sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Ang that's her cue to walk out of the scenario.

Napaupo na lang ako at saka napabuntong-hininga. I can sense the questiong gazes of my mates but I just ignored them.

"Ang harsh n'on, Logan." sabi sa akin ni Myrrben pero nagkibit balikat na lang ako.

"Nakakairita na kasi siya." sagot ko ay saka napabuntong-hininga ulit.

"Dapat ali me pekisabyanan ng makanita. Makalunus ya rugo. (Dapat hindi mo siya pinagsabihan ng ganoon. Nakakawa naman siya.)" sabi naman ng Special Science Class student na kasamahan namin na si Lilian.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now