CHAPTER FIFTEEN

175 5 0
                                    

HINDI na mapakali si Myrrben dahil kanina pa tulala si Iuhence sa sala. Nakalapag ang mga sketching instruments niya dito at laptop kasama ang kaniyang digital pen pero kanina pa siya hindi kumikilos.

Sumagi sa isip niya kanina na baka natutulog ito habang nakadilat ang mga mata katulad nang madalas na ginagawa ng isang detective fictional character na nabasa niya pero hindi na lang niya ito pinansin.

Tatawag na sana siya ng albularyo nang bigla nang gumalaw si Iuhence. Nakahinga na siya ng maluwag.

He patted the shoulder of his sister, "Kamusta daydreaming?" sarkastikong tanong ni Myrrben at saka pumasok sa kaniyang kuwarto para kunin ang kaniyang laptop.

"Hindi ako nagde-daydream, Kuya. May iniimagine akong mabuti." dinig niyang sagot ni Iuhence mula sa labas ng kaniyang kwarto. He can still hear her voice.

"And what's is that?" mapagsuspetsang tanong ni Myrrben nang makalabas siya.

Iuhence showed him the book that Logan gave her. "Kung ano yung actual appearance ng main character sa book na 'to." sagot niya.

"Di'ba 'yan yung dahilan kung bakit tatlong araw kang absent dahil wala kang tulog? Pasalamat ka 'di ko sinunog 'yan kahit nagdilim paningin ko dyan." sabi ni Myrrben at saka umupo sa tapat ni Iuhence.

He opened his laptop and immediately logged in to his Facebook account.

"Ito yung book na binigay sa akin ni bestfriend mo noong debut ko. Dito siya nagconfess sa akin indirecty." sagot naman ni Iuhence kaya saglit na napatigil sa pagtitipa si Myrrben.

"Wow ha. Grabe maka-effort yung gagong 'yon. Biruin mo, sis? Sinabihan niya akong madaldal at hindi mapirmi kung hindi nang-aasar." sumbong ni Myrrben.

"Totoo naman," pambabara ni Iuhence kaya naman nabato siya ng throw pillow ni Myrrben.

"Inaasahan kong kokontrahin mo pero papanigan mo din pala. Porque admirer mo ganoon? 'E kung hindi ko payagan 'yon na ligawan ka?"

"Hindi naman ako nagpapaligaw 'e. Ang sabi niya sisikapin niya muna daw na magsimula kami. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may gusto yung bestfriend mo sa akin, Kuya." sagot ni Iuhence na sinangayunan ni Myrrben.

"Na-shock nga din ako 'e. Biruin mo 'yon, sis? Si Logan Riley 'yon! Famous sa campus. Exclusively imported from England! Half-Venezuelan din ang breed! Ang laki ng nabingwit mong isda 'a. Sa pangit mong 'yan?"

"Aminado namang hindi ako kagandahan 'e. Mas deserve niya yung mga -ka-breed niya. Hindi kailanman mahahalo ang balat sa tinalupan."

"'Wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Iba pala talaga kung sa'yo nanggaling na pangit ka. Ako 'tong nasasaktan para sa'yo 'e. Siguro hindi lang naman panglabas ang nagustuhan sa'yo ni Logan."

Iuhence shook her head, "'E ano? Dahil mabait ako? Cliche! I never showed him any good deeds. Hindi rin ako nagpapakitang gilas so what made me special to him?"

"Sabi nga ni Karl Rahner, 'We are the unity of body and soul'. So I think nagustuhan ka ni Logan dahil sa pangalabas at pangloob mo. You just fall in love with no reason. Because love tend to make us blind. Hindi mo kailangang maging maganda para mahalin ka ng iba. Love has no qualifications. We don't see any imperfections. Everything is perfect in love. Puso kasi ang nagmamahal, hindi ang mata." Myrrben sincerely said that made Iuhence think for a while.

"Nilelecture-an mo ako na parang pinagdududahan ko ang confession ni Logan 'a?" mapanuring tanong ni Iuhence.

"Hindi naman sa ganoon. Tinutulungan lang kitang I-absorb ang lahat." panunuldok ni Myrrben kaya naman nanahimik na si Iuhence at nag-focus na lang sa kaniyang gagawin.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now