Logan
I immediately called Dad after what happened to Lucian.
He's full of bruises and scrapes all over his face. This is the first time I saw him in this state. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi mahilig sa gulo ang kapatid ko. Although he loses his temper that quick.
Maingat ko siyang binuhat papunta sa kaniyang kwarto at iniwasang matamaan ang kaniyang mga pasa. Ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya.
I sighed in frustration after scanning him once again.
So, how does it feel to be beaten, my dear brother?
~*~
BIYERNES. HINDI mapakali si Iuhence habang tinitignan ang kaniyang Kuya Myrrben na hirap na hirap na sa paggawa ng pitong assignments habang ito ay nasa sala.
Lumiban siya sa klase dahil iniutos na ng kaniyang Kuya. Siya na rin ang nagasikaso sa page-excuse sa kaniyang guro. Pati rin ang mga assignemnets niya ay kaniya na ring binalikat.
Pagkatapos ng nangyari kay Iuhence ay mas naging maingat si Myrrben sa pagaalaga sa kaniyang kapatd. Hindi niya ininda ang stress sa paaralan para lang matutukan siya.
Pero itong si Iuhence ay nagi-guilty dahil wala siyang kahit anong ginagawa.
May limang assignments kasing inuwi si Myrrben galing sa klase niya. Wala itong ipinaalam pero alam niya dahil kinontact siya ng kaibigan niyang si Lilian.
Nang dadamputin na sana ni Myrrben ang isang worksheet nila sa Creative Industries ay lumabas na si Iuhence sa kaniyang pinagtataguan.
"Kuya, ako na ang gagawa niyan." pagpepresinta niya pero tumanggi si Myrrben.
"Mataas pa lagnat mo. Bumalik ka na lang sa kwarto." utos nito pero hindi siya nakinig. Kaagad niyang hinablot ang papel sa kamay nito.
"Akin na kasi." usal niya kaya naman wala nang nagawa si Myrrben.
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin ito. Nagkalagnat lang ako, hindi nabaldado." sermon niya sa nakatatandang kapatid kaya naman natawa ito.
"Baka naman kasi mahimatay ka na naman," sagot niya kaya naman napairap si Iuhence.
"'Wag ka ngang praning, Kuya. Walang mangyayari sa akin. 'Di na mauulit 'yon, pramis."
Nanaig ang katahimikan sa kanilang pagitan at tanging kalatok lamang na mula sa pagtipa ni Myrrben ng mga numero sa kaniyang scientific calculator ang naririnig sa buong paligid.
Hindi kinaya ni Iuhence ay nakakailang na katahimikan kaya naman nagsalita na siya.
"Nakita ko si Kuya Ash na may pinagtutulungang isang lalaki sa school kahapon kasama ang mga ka-frat niya. Tumigil ako para tumulong kaya ilang oras akong nandoon."
Npatigil si Myrrben sa kaniyang ginagawa at dahan-dahang napatingin kay Iuhence.
"Nasisiraan ka na ba talaga? Anong pagpapakabayani 'yon?" naiiritang tanong ni Myrrben sa kapatid.
"Hindi naman pwedeng lagpasan ko na lang sila." sagot niya.
"Kung si Takahashi lang 'yon, ligtas ka. Pero kasama niya yung gang niya. Paano na lang kung nadamay ka? Nag-iisip ka ba?!"
"Pero hindi naman 'yon yung issue 'e." serysoong sagot ni Iuhence.
"'E ano naman?"
She sighed, "Si Reagan yung binubugbog nila."
YOU ARE READING
He Is His Creation
Roman pour AdolescentsA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.