CHAPTER SEVEN: Y

202 8 0
                                    

NANG sumapit na ang 5:54 ng hapon ay ini-lock na nina Melgar at Lilian ang TMP Room dahil natapos na sila sa paglilinis.

Pagkatapos silang hintayin nina Myrrben at Iuhence ay sabay-sabay na silang naglakad papuntas sa gate na papalabas malapit sa Citywalk mall na malapit lang sa eskwelahan nila.

Nag-aya na si Myrrben na umuwi kaya naman naalala ni Iuhence si Reagan na naghihintay sa kaniya sa Tiyatro.

"Tiyatro? Anong gagawin natin doon? Kakapanood pa lang natin ng pelikula kanina 'a?" tanong ni Myrrben habang sabay silang naglalakad pababa ng hagdan sa grandstand ng TNHS.

"May susunduin tayo. Uhm, kuya, may ipapakilala pala ako sayo." sagot ni Iuhence habang isinasara ang zipper ng bag niya matapos niyang kuhanin ang kaniyang earpods at phone sa loob.

"'Wag mong sabing boyfriend mo 'yan o manliligaw, Iuhence. Anong ka-jejehan 'yan?" O.A na tanong ni Myrrben kaya naman inirapan siya ni Iuhence.

"Yung kaibigan ko, Kuya. Actually, siya yung sinasabi kong kliyente sa gagawin kong stageplay script. Pwede bang tumuloy na muna siya sa atin? Kasi galing pa siya ng Clark 'e. Hassle naman kung magpapabalik-balik siya para pag-usapan namin yung mga detalye sa isusulat ko."

"Wala namang problema 'e. Kaso wala tayong guest room sa bahay, ading." pagpayag ni Myrrben kaya naman napangiti ng bahagya si Iuhence.

"Pwede namang tabi na lang kayo sa higaan, kuya." sabi ni IUhence kaya naman napatingin si Myrrben sa kaniya.

Kasalukuyan silang padiretso na sa Citywalk kaya naman nauna na sa paglalakad sina Lilian at Melgar dahil huminto sila pansamantala.

"'Wag mong sabihing lalaki 'yang bisita mo, Iuhenceia?" exagge na tanong ni Myrrben habang nanlalaki ang mga mata.

Iuhence just shrugged, "May issue ba kung lalaki siya, Kuya?" inosenteng tanong ni Iuhence.

Napahilamos ng mukha si Myrrben at bumuntong-hininga bago magpatuloy sa paglalakad, "Baka mamaya nakawan tayo ng bisita mo a? O baka naman serial rapist 'yan."

"'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, Kuya! Dumi ng utak mo." sarkastikong sagot ni Iuhence sa kaniya at pumasok na ng mall pagkatapos nilang ipa-check ang laman ng bag nila sa guwardiya.

Padiretso na sana sila ng Tiyatro ngunit hindi sila makadaan nang sobrang haba ang pila sa may stall ng McDonalds.

Sa una ay nagtaka ang dalawang magkapatid ngunit kaagad na-gets ni Iuhence ang sitwasyon nang magsalita ang kaniyang Kuya Myrrben.

"Kaya naman pala mahaba ang pila, may adonis na staff yung McDonalds. Ano 'yan? Kasama siya sa freetaste?"

Natawa siya ng kaunti at napailing na lang saka dumiretso sa pinakaunahan.

At nakita niya si Reagan na may bitbit na dalawang Choco McDip at kababayad lang sa kahera.

Napangiti ito nang pagkatalikod niya ay namataan niya si Iuhence.

"Hi!" masiglang bati ni Reagan at saka tumakbo sa direksyon ni Iuhence habang dala-dala ang dalawang ice cream na may chocolate coating sa dalawa niyang kamay.

"Ice cream." alok ni Reagan kay Iuhence pero umiling ito at pinagmasdan siyang kumain ng sorbetes na parang bata.

"Wow, sis. 'Di kaya dalawin tayo ng mga kapitbahay nito?"

Napalingon si Iuhence sa Kuya niyang na-starstruck kay Reagan. Kahit na lalaki si Myrrben ay hindi niya maiwasang humanga kay Reagan.

Kahit na lalaking-lalaki ang dating ni Reagan ay hindi pa rin nababawasan iyon sa pagkain ng ice cream.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now