BIYERNES. Maga-alas siyete ng umaga ng sabay-sabay na pinalabas ang mga senior high students sa kanilang building para sa first Friday mass sa buwan ng Disyembre.
Dinaanan saglit ni Myrrben si Iuhence sa kanilang classroom para abutan siya ng pamaypay. Sa covered court kasi gaganapin ang misa kaya naman matao at mainit. Pagkatapos n'on ay nauna na siya dahil tinatawag na siya ng isa sa mga kabarkada niyang si Zyan at Takahashi.
Ipinupusod ni Iuhence ang kaniyang buhok sa mismong tapat ng pinto nang mamataan niya ang isang lalaki sa 'di kalayuan na tila nagmamadali sa sobrang bilis nitong tumakbo. Matangkad ito masyado kaya naman malalaki ang bawat hakbang nito.
His soft hazel brown hair's dancing with the wind while he's rushing. Nakabukas pa ang polo nito ngunit ito nama'y naka-T-shirt sa loob. He's carrying his bag and his I.D in his right hand while he continued rushing towards the senior high school building.
His big and heavy foot steps created sounds in the pavement. At naka-attract din 'yon ng mga estudyante imbes na tumabi sila para padaain ang humahagibis na estudyante.
"Out of the way, please!" sigaw nito kaya naman napilitang humawi ang iba sa dinaraanan nila.
"Di'ba si Logan 'yon?"
"Bakit siya nagmamadali?"
"Aware ba siyang walang morning classes dahil sa mass?"
"Infairness, ang hot niya sa get-up niya ngayon."
"Ito yung unang beses na makita kong hindi naka-style ang buhok niya. His polo's unbuttoned too! Boy next door!"
Nakarinig siya ng bulungan sa katabing room kaya naman napailing na lang siya.
Tumalikod na kaagad siya para isauli ang suklay sa kaniyang bag nang malagpasan siya ni Logan.
"Shit! Am I late?" frustrated na tanong ni Logan sa kaklase niyang nagngangalang August nang lumingon ito sa room nilang katabi lang ng sakanila.
Iisang section ang Arts and Design dahil sa kaunti ng estudyante nito sa Grade 12. Habang ang section naman nina Logan ang nangunguna sa HUMSS kaya naman magkatabi sila ng room.
"Ngayon lang kita nakitang pumasok two minutes after seven 'a?" namamanghang tanong ng kaklase ni Logan.
"Nasaan yung teacher? Nakaabot ba ako?" natataranta pa ring tanong niya 'tsaka chineck yung wrist watch niya.
He still looks good even though he looks so worried.
Napailing na lang si Iuhence dahil sa pagtitig niya kay Logan.
Staring is just a natural act of a girl towards a gorgeous guy.
August laughed, "First Friday Mass ngayon, Riley. Hindi ka na in-inform ng kaibigan mong taga-STEM? I feel bad for you dahil kailangan mo pang magmadali ng ganito kahit na kagagaling mo lang sa sakit."
Iuhence suddenly flinched.
Ngayon lang nag-sink sa kaniya na nandito na pala si Logan.
Ilang linggo itong hindi nagpakita simula ng harapan nila.
Logan ran his hair through his messy hazel brown hair and heaved out a deep sigh.
"Ang gandang bungad para sa araw na 'to." naiiritang sabi niya, but trying to compose his self.
August chuckled, "Agree. Tignan mo yung buhok mo, ang haba na ng bangs mo o! Baka guntingin 'yan ni Sir Calma gamit ang grass cutter kapag nakita niya 'yan." pananakot pa niya.
YOU ARE READING
He Is His Creation
Teen FictionA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.