CHAPTER TWENTY-TWO

152 5 0
                                    

PAGKABALIK ni Lucian sa kanilang classroom ay wala pa ang kanilang guro sa susunod nilang subject. Kaya naman naisipan niya na munang buksan ang kaniyang laptop para magplano ng mga bagong architectural designs sa Autocad.

Nakagawian na ni Lucian ang magdisenyo ng magdisenyo tuwing wala siyang ginagawa o para magpalipas ng oras tuwing wala siyang magawa o nababagot. Ni minsan ay hindi siya nakipagkuwentuhan sa kaniyang mga kaklase o naisipang maglakwatsa para lang magliwaliw.

Hindi niya rin ginagawa ang ga pangkaraniwang kinahihiligan ng mga lalaking nasa edad niya katulad ng mga computer games such as DOTA, Clash of Clans, Counter Strike etcetera. O kaya naman makipag-date at pumatol sa mga nagkakagusto niya. He's not into social medias either. Wala siyang mga kinahihiligan bukod sa pagaaral at architecture. Ayaw niya kasi ang madistract.

'Di rin tulad ng mga kaklase niya sa Arts and Design na karaniwang pagdo-drawing, paga-acting, pagsasayaw, photography, pagkanta at pagsusulat ang hilig, siya lang ang walang interes sa mga ito at nananatiling outcast.

Kung tutuusin, hindi na nga niya kailangan magtiis sa learning institutions katulad ng paaralan. Hina-hire na siya ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang ama para mapasali sa group of top architects sa architecture firm nito dahil sa angking galing niya sa architecture. Pero hindi pa pumapayag ang kaniyang ama dahil bata pa ito at marami pa siyang pwedeng matuklasan sa buhay.

Kaya naman ginagawa lahat ni Lucian para mapa-impress ang kaniyang ama na kaya na niya.

Biglang nanahimik ang buong klase at dali-dali niyang itinago ang kaniyang laptop nang pumasok ang Creative Industries teacher at adviser nila sa classroom. Kanina pang umaga natapos ang klase nito sa kanila kaya naman kaagad niyang nakuha na may importanteng anunsiyo ito.

"Class, pasensya na kung kukunin ko ang 15 minutes ng next subject n'yo. Makinig mabuti, may importante akong Ia-announce." sambit ng kanilang adviser kaya naman nag-ayos na ng upo si Lucian samantalang ang iba naman ay nagsiupo na at nanahimik.

"Bago ang Christmas break, magkakaroon ng meeting ang Arts and Design. Both Grade 11 and 12. Para pag-usapan ang papalapit na sariling show ninyo."

After that brief statement, nagsihiyawan yung iba at nag-excite. They've been longing to have their own production and perform in front of many students to showcase their skills.

As usual, walang reaksyon ni Lucian.

He's willing to participate even though he's not that passionate in arts. He never tried singing, dancing or even acting before. He's after the compensation; grades.

"Your seniors will act as the organizers and producers. While you grade 11 will be their puppets--performers I should say. Ilan rin sa inyo ang tutulong sa production design at paggawa ng props. Bukas na ang start ng meeting. Para mapagusapan na yung theme at mga casts kasi February na yung show n'yo at sa Valentines' Day tumapat ang date."

The students started chatting with excitement. Others are joking that they should be included in the casts because of their artistahin looks and acting skills.

Lucian just remained sitting as if he just heard a quiz announcement and he needs to review the next day.

In short, wala lang sa kaniya. Wala siyang pake.

"Nasaan si Mr. Riley?" their adviser asked.

Hindi na kailangan pang ituro siya ng mga kaklase dahil siya na mismo ang nagtaas ng kaniyang kamay. He sits at the uttermost corner of the classroom. Alphabetically arranged kasi ang seat plan at pangalawa siya sa pinakahuli. Thanks to his classmate whose last name was Ynarez so he was unable to sit beside the cleaning materials.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now