CHAPTER THIRTY-SIX

23 1 0
                                    

Iuhence can't stop the trembling of her knees so she just heaved out a sigh to ease her anxiety. Tatlong araw na lang ang natitira bago magtapos ang klase, but that didn't excite her, lalo na't final defense ngayon ng thesis nila sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-Ibang Teksto Sa Pananaliksik subject. She contributed a lot to the subject requirement lalo na't tungkol sa Wattpad ang topic nila pero hindi niya pa rin maiwasang kabahan.

Napalingon na lang siya bigla nang makarinig siya ng mga mabibigat na yabag ng paa sa semento. Then she saw Logan running furiously to her direction. Naka-formal attire din ito dahil nag-defense din sila sa kanilang section. But he promised that he'll watch her so he hurried up all the way to Iuhence's classroom.

"Am I late?" tanong ni Logan pagkaabot kay Iuhence habang hingal na hingal.

"Hindi," she answered, then heard the teacher called her name from inside, "Tamang-tama ka lang."

Logan smiled while still panting, "You can do it!" he cheered before Iuhence entered the room with a confident facade.

She inhaled before speaking, "Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po pala si Alexantha Iuhenceia F. Lazarro, at ako po ang magde-depensa ng aking pagsusuri patungkol sa 'Epekto ng Wattpad sa Panitikan ng Pilipinas at Mga Implikasyon Nito Sa Mga Mag-aaral'."

Before she continued, she looked at Logan like her life depends on his gaze.

"Ang aking tesis ay naglalayong alamin ang mga epekto ng application na Wattpad sa personal na buhay ng mga estudyante maging sa senior high school at ang mga pagbabagong dulot nito sa makalumang panitikan ng Pilipinas. Kabilang na rin ang mga istilo ng pagsusulat ng mga kabataan, mga interes ng estudyante sa mga binabasang mga nobela, mga nilalaman ng mga aklat na babasahin, pati na rin ang mga lengguahe at kultura na nakukuha ng mga mambabasa.

Isinagawa rin ang naturang pag-aaral upang malinang ang mga kabataan sa posibleng magagandang dulot at adiksyon na maari nilang kaharapin sa paggamit ng Wattpad at mga ilang implikasyon nito sa iba't ibang aspeto katulad ng epekto nito sa kanilang pag-aaral, kalusugan, mental, pakikisalamuha, pag-uugali, at pati na rin sa relasyon sa ibang tao.

Ang aking pong pag-aaral ay naturang isinagawa sa pamamagitan ng masusing pananaliksik, mahigpit na obserbasyon at mga nakalap na datos mula sa internet at mga panayam na nagpatunay ng mga ilang teorya. Naipahayag sa mismong pag-aaral ang mga kasalukuyang sitwasyon ng mga estudyanteng tinatangkilik ang Wattpad at mga pananaw nila sa panitikan sa panahon ngayon.

Ang kahalagahan ng naturang pag-aaral ay para mailantad ang mga perspektibo ng mag-aaral tungkol sa pagitan ng panitikan ng Pilipinas sa panahon ngayon at noon."

Iuhence is nervous as f! And, nosebleed! Too much Tagalog is killing her. Baka mamaya, ma-mental block siya ng wala sa oras, then fail ang status ng defense niya.

"Una na muna tayong dumako sa unang aspeto ng epekto ng Wattpad; sa pag-aaral. Isa sa mga pinagdedebatehan ngayon ay kung magiging bahagi nga ba ng mga pinagaaralan sa asignaturang Filipino ang mga nobelang tinatangkilik ng mga mag-aaral sa application na Wattpad. Noli Me Tangere, El Filibusterismo at marami pang nobelang Pilipino ang madalas na tinatalakay sa mga pinag-aaralan sa kasaysayan sa asignaturang Filipino. Pero imbes na ito ang basahin at tangkilikin ng mag-aaral ay madalas binibigyan nila ng atensyon kung ano ang susunod na mangyayari sa isang kabanata ng isang istorya na nabasa nila sa Wattpad. Ang ilan ay mas pinipili pa ang magliwaliw sa mga nakakakilig na eksenang nababasa nila kaysa sa magbalik-tanaw sa mga pinag-aralan tuwing may pagsusulit.

Ngunit sa mga ilang panayam, nagpapahayag na ang pagbabasa na lamang sa Wattpad ang tanging paraan ng mga mag-aaral upang makatakas sa reyalidad.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now