Ang kilig ay talagang isang panandaliang kasiyahan lamang.
Wait, kinilig ba si Iuhence sa sinabing 'yon ni Logan?
She doesn't know. Lalo na't naputol bigla ang landian nila nang bigla na lang sumingit si Lucian sa eksena.
"Get your fat ass here before saying that, Kuya Logan." he exclaimed with bitterness as he tried to reach and closed the laptop. Making their conversation hanging and bitin... ish.
Bitin nga ba talaga?
Of course! She could've replied something to that makalaglag pangang moment but Lucian managed to interrupt it. But part of her says that she should be thankful to him. Naiilang na siya masyado kanina! Even though those words do really make her giddy inside.
Nakalimutan niyang nakaidlip pala si Lucian sa higaan niya kaya siguro naalimpungatan ito sa kabaduyan ni Logan. At sa pagkainis siguro kaya niya naisarado ang laptop niya para patahimikin ito.
Lucian heavily sighed before getting off Iuhence's bed. Kahit na tinatamad at sobrang bigat ng katawan ay kailangan niyang lumipat ng tutulugan.
"Ang lakas ng loob, ah?" he scoffed, "You should let him man up before letting him utter those words, Ate Iuhence. I bet he managed to say that because you're away with each other. Pero kung sa malapitan, hindi niya magagawa 'yan. He had nowhere to run after that awkward scenario."
Iuhence chuckled, "Ang sama mo sa kuya mo, Lucian."
He shook his head, "Just giving him a lesson."
Napailing na lang rin si Iuhence habang nakangiti na parang timang, "Hindi ka katulad ni Logan. Hindi siya ganoon ka-direkta kaya pagbigyan mo. Sinira mo yung momentum niya."
He smirked before he went to his own corner, "So that's why inggit siya sa akin. He's envious of that straight-forward attribute I have."
"Bakit ba hindi marunong makuntento 'yang kuya mo?" Iuhence asked as she handed a fluffy Pororo blanket to Lucian.
Lucian suddenly laughed, "Pakipot ka kasi. You're being the He's Into Her's Kimeniah Sirvey Gozon minus the two-timing thing." then he shook his head while siling, "Girls, girls, girls..."
Nanlaki ang mga mata ni Iuhence nang marinig 'yon at napatingin kay Lucian habang nakaawang ang bibig, "Wohoho! I don't do pakipot-ing, Lucian. Wala pa sa isip ko yung mga commitments na 'yan. I want to finish high school first. Sabihin mo sa kuya mo, huwag mag-alala, pagkatapos mismo ng graduation, itatali ko mismo ang sarili ko sa kanya."
Lucian chuckled as he fixed himself to bed, "Bakit pa kasi kailangang maghintay? Hindi dapat pinaghihintay ang grasya, Ate Iuhence. Kuya Logan is a hell one of a big catch. Kapag ang isda, pinatagal mo pa sa bingwit, bukas o makalawa, nakapumiglas na't wala na 'yan kinabukasan." he said in a groggy voice. He's already asleep but their conversation's too interesting. With Logan and his kabaduyan, of course.
"Sinong nagsabing bingwit ang gamit ko?" Iuhence asked from the other side of the room. Napadilat ng mata si Lucian kahit na antok na antok na at kahit na may nakapagitang pader sa kanila ay nilingon niya si Iuhence na para bang nakikita niya ito.
"W-What do you mean?" he asked, confused.
"Hindi ako gumagamit ng bingwit kapag malaki ang isda. Lambat ang ginagamit ko, para kahit na maglagalag pa siya ay hindi pa rin siya makakawala sa akin."
Dahil sa sobrang antok ay tuluyan nang naipikit ni Lucian ang kaniyang mga mata. Pero bago pa man siya lamunin ng kadiliman ay may naiwang ngiti sa kaniyang mga labi.
YOU ARE READING
He Is His Creation
Novela JuvenilA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.
