CHAPTER FOUR: O

239 9 4
                                    

Tricycle rides are hell for tall people. Lalo na't kung wala kang choice dahil nag-iinarte ang kasama mo.

After 5 minutes of long bumpy ride for Reagan, sa wakas ay nakapunta na rin sila sa destinasyon nila.

Tulad kanina ay nakabuntot pa rin si Iuhence kay Reagan habang nakayuko.

Kaya naman nang nasa crossing na sila ng entrance ng mall ay hindi alam ni Iuhence na hindi pa pala oras ng pagtawid.

"Hala! Miss!"

"Miss, tigil muna!"

"Miss, saguli mu! (Sandali lang!)"

Beep!

Doon pa lamang natauhan si Iuhence nang marinig niya ang busina ng isang kotse at nagulat na lamang ito nang nasa gilid na niya pala ang sasakyan.

Kaagad siyang nilapitan ni Reagan at nag-bow ito sa may ari ng kotse bilang paghingi ng paumanhin bago siya hinila papasok ng mall.

Pinauna na niya si Iuhence na pumasok sa Starbucks at saka siya na ang nagpa-check ng laman ng bag ni Iuhence sa security. Pagkatapos ay sumunod na rin ito sa loob.

Nakita niya si Iuhence na nasa counter kaya naman nilapitan niya ito.

"Sa second floor ako maghihintay. Bigyan mo na lang ako ng isang--"

Bago pa man niya maituloy ang sinasabi niya ay inunahan na siya ni Iuhence, "E-Espresso Con Pana at saka Purple Yam Cheesecake with red munggo bean and macapuno." tila nahihiya pang sambit nito habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.

Alam na agad ni Iuhence ang sasabihin niya dahil natatandaan pa niya na kung umaga ang setting ng isang chapter sa story na pinanggalingan ni Reagan, lagi na lang itong dumidiretso sa Starbucks at iyon ang mga ino-order niya.

Napangiti na lang si Reagan, "You know me too well," lumapit ito kay Iuhence at saka yumuko para lang mailapit ang mga labi nito sa kaniyang tainga at saka bumulong, "Ma Belle Dame."

Kaagad na napalunok at namula si Iuhence dahil sa sinabing 'yon ni Reagan. Bukod kasi sa nakakapangilabot ang malalim ang boses nito, ay alam niya ang ibig sabihin ng tinawag sa kaniya ni Reagan.

My pretty lady. . .

Alam niya ang ibig sabihin n'on dahil may nabasa siyang isang eksena noon sa isang chapter ng 'He Is His Creation' kung saan mag-isang nagmumuni-muni si Reagan at tandang-tanda niya pa ang dialogue nito bago siya mamatay sa istorya.

"My true soulmate may not be as beautiful as you but I'm certain that she's quite pretty though. I want to call her 'Ma Belle Dame'. I can get over you soon, Il Mio Amore."

Buong lakas niyang tinapunan ng tingin si Reagan at nakita niya na lamang ito na pangisi-ngisi habang papaakyat sa hagdang gawa sa kahoy papunta sa ikalawang palapag ng cafe. Hindi rin nakatakas sa paningin ni Reagan ang mga pasimpleng sulyap ng mga tao sa loob ng cafe sa binata. Mapa-lalaki man o babae ay nakalingon sa kaniyang direksyon habang papakyat ito. Nakasisigurado siya na halos sila ay namamangha sa angking kagwapuhan niya.

Kahit na nakasuot lang ito ng gray long sleeves na itinupi na hindi lalagpas sa siko, white 3/4 denim jeans, at saka navy blue boat shoes, hanggang saan ay agaw-pansin pa rin siya. Any clothes will suit for men like Reagan. Kahit siguro basahan ang suotin niya, malakas pa rin ang charisma niya.

'He's so perfect!', Iuhence suddenly thought. But suddenly shook her head.

Perfect guys only exists on books! Kaya malamang, perpekto si Reagan.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now