CHAPTER TWENTY

183 5 0
                                    

TAHIMIK ang naging byahe ni Iuhence papauwi sa kanila. Ilang zone lang naman ang agwat ng bahay nina Logan mula sa kanila. Hindi siya nagsalita sa buong byahe dahil titig na titig siya sa notebook na iniabot sa kaniya ni Logan. Pwera doon sa bagay na ginawa ni Logan bago ang notebook na 'yon.

Napabuntong-hininga na lang siya at saka napakunot ng noo nang biglang tumigil ang sasakyan.

Saka lang nag-sink-in sa kaniyang nakarating na pala sila. Nakita niyang nag-aabang si Myrrben sa may gate nila nang sumilip siya sa labas ng bintana.

Lumabas na siya ng kotse at saka sumunod ang ama ni Logan.

"Hi! You must be Logan's closest friend, right? I am Luther Riley." bati ni Luther kay Myrrben at saka kinamayan ito.

"Ah, o-opo. Myrricholm Benilde Lazarro po. Kayo po yung tatay niya?" magalang na tanong ni Myrrben pabalik.

"Yes, I am. Alam mo, palagi kang ikinukwento sa akin ng anak ko. I heard you're a great public speaker and a student leader aside from being a dainty brother to Iuhence." sambt nito kaya naman napakamot ng batok si Myrrben.

"Masyado naman po yatang mabulaklak magsalita si Logan. Parang may kulang sa mga kinukwento niya 'a?"

Luther chuckled, "Yes, of course. Aside from being a coquette and very annoying, as he say."

Natawa na rin si Myrrben, "Pasensya na po. Pero hindi ko naman masyadong binu-bully si Logan." paglilinaw nito.

"I really don't mind. I'm glad that Logan some friends like you. Well, I'm sorry but I need to go now. A bunch of blondes are waiting for me." saad nito.

"Hindi man lang ba kayo papasok para magkape man lang, Sir Luther?"

Luther politely refused, "I really admire the hospitality of Filipinos. Pero sa susunod na lang siguro, hijo. Dalaw ka sa bahay minsan, okay?"

Myrrben nodded before Luther bid his last farewell.

"Kamusta yung dinner?" pangangamusta ni Myrrben sa kapatd bago siya pagbuksan ng gate at unang pinapasok sa loob.

Iuhence sighed, "Ayos lang. Masayang kasama yung mga Riley. Medyo napagod lang sa kakatawa at kakukwento... in English." sagot niya.

"Siguro akong na-impress mo naman sila sa speaking literacy mo." sarkastikong usal ni Myrrben kaya naman napairap si Iuhence.

"Yeah, like how I talk back to Logan's oh-so-well-mannered brother." he retorted with sarcasm too.

Napatigil sa paglalakad si Myrrben sa may sala.

"So, nakilala mo na yung kapatid niya? Ano? Naniniwala ka na bang hindi fictional character yung nasa portrait na ginawa mo?"

"Hindi pa." sagot niya at saka ipinakita ang notebook na binigay sa kaniya ni Logan, "Kaya binigyan niya ang ako katibayan para maniwalang hindi 'yon si Reagan Aragonza." sagot nito at saka nagpatuloy sa kwarto.

"Ako na nga kasing nagsasabi na hindi siya fictional character! Gusto mo pa yatang mag-present siya ng birth records 'a? Ano na nga ba ulit pangalan n'on? Luci--Lucifer?" tanong ni Myrrbe habang nasa sala.

"Lucian. Sa pagkakarinig ko." pagtatama niya.

Napapitik si Myrrben, "'Yon! Pero infairness, sis. Mas bet ko hitsura ng kapatid ni Logan. Pero 'wag mong papatusin 'yon. Pihadong mas bata siya sa'yo."

Iuhence rolled her eyes heavenwards, "Magkaiba ang panlasa ng babae at lalaki, kuya. Hindi ko ite-take 'yang suggestion mo. I'm sorry."

Nagbihis na siya at saka naghimalos bago damputin muli ang notebook na galing kay Logan at binuklat ito pagkahiga pa lamang.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now