"Huy, kanina ka pa tulala d'yan 'a?" tanong ni Myrrben habang naglalakad silang tatlo sa may Citywalk mall na malapit lang sa kanilang eskuwelahan.
Kanina pa kasi tulala si Logan habang ang magkapatid naman ay nagbabangayan sa daan.
"Hindi lang ako makapaniwala na may 'Thank you' pala sa bokabularyo ng kapatid ko. Hindi ko pa siya narinig na nagpasalamat sa akin na may sinseridad sa ng mga taong kasama ko siya. " he confessed while still recalling what happened a while ago.
"Dapat lang siya magpasalamat ano! Kasi ipinagtanggol mo siya. Sa talas ba naman ng dila ng kapatid mo? Malamang lapitin ng gulo 'yon." usal naman ni Myrrben.
He can't hide the fact that he's annoyed with Lucian's attitude. Dahil na rin sa last encounter nilang dalawa.
"Kuya..." Iuhence said, trying to stop Myrrben from saying speaking more unpleasant things about Logan's brother, "Iniwasan naman niya 'e. Pero talagang naghahanap yata ng gulo yung nakaaway niya."
Logan smiled faintly, "Thank you for understanding him, Iuhence. Pero mind you, hindi isang fictional character ang kaharap mo. Alam kong marami ka nang naka-encounter na mga karakter na may cold personalities and harsh speech style. Pero flat ang mga 'yon, Iuhence. You know how they act throughout the story. Pero si Lucian, hindi. Aside from the fact that he's a 'real' human being, hindi mo mababasa ang takbo ng utak niya. Hindi mo alam kung ano ang mga susunod niyang gagawin. I advise you to stay away from him."
"Alam ko, Logan. Hindi naman ako nagfe-feeling close sa kapatid mo. And no need to advise me, hindi ko kailangang kuhanin ang loob niya."
Dahil doon, biglang bumagsak ang mood ni Logan.
"Dahil kaibigan mo lang ako?" he said, trying to remain his vibrant composure. Pero hindi pa rin niya naitago ang kalungkutan.
Natahimik si Myrrben at naramdaman ang awkward atmosphere. Nararamdaman niya ang uneasiness ng kaibigan dahil kapwa niya ito lalaki. Alam niya ang pakiramdam ng indirect friendzone-ing.
Pero nanatiling walang kai-de-ideya si Iuhence.
"Uhm, oo? Pero sinusubukan ko lang siyang basahin. Kasi kahit na hindi naman kami connected, pwede pa rin kaming magkaharap. I'm just preparing myself. Lalo na't hindi basta-basta ang kapatid mo. Hindi lang dahil sa kaibigan kita."
Napahinga ng maluwag si Myrrben nang liwanagin niya ang lahat. It means, may tendency na hindi ma-reject si Logan.
"And, duh! Hindi ko nakakalimutan yung pinagtapat mo. Malay mo maging bayaw mo talaga si Kuya so hinahanda ko lang ang sarili ko kung sakaling maging brother-in-law ko si Lucian. Malay mo rin, baka hindi niya ako tanggap, di'ba?"
With that, Logan's face suddenly went red. He didn't expect that Iuhence can say that casually. Not to mention na parang... wala lang talaga. Pero big deal 'yon sa kaniya!
Lalo't kahit hindi masyadong halata, baliw na baliw si Logan sa kaniya.
And now, Iuhence is making him crazier!
How can she say such things like that nonchalantly?
Logan's surprised. Pero ang kalahating parte niya ay nagdidiwang.
Tinawanan tuloy siya ni Myrrben.
"Hindi ba dapat, sa'yo nanggagaling ang mga ganoong linya, Logan? HAHAHAHAHAHAHA!"
Logan tried to roll his eyes. Pero hindi niya nagawa dahil hiyang-hiya siya slash nagba-blush.
Iuhence shook her head, "Kung sakali, ang sabi ko. Frankly speaking, 'wag kang pakampante, Logan. Hindi naman sa feeling patay na patay ka sa akin, pero wala pa akong nararamdamang espesyal sa'yo."
YOU ARE READING
He Is His Creation
Teen FictionA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.
