CHAPTER THIRTY

13 0 0
                                    


NANG sumapit ang tanghali ay sabay na nagtungo sina Iuhence at Lucian sa eskwelahan para sa practice. Si Iuhence ay abala sa pagma-manage ng stage crew habang si Lucian ay naman ay kasama niya ang mga kapwa Dance Team.

Their whole day was occupied with seriousness. Wala silang oras para maglaro sa eskwela o magpahinga. Nate-tense na si Iuhence dahil sa ilang loopholes na pwedeng um-appear sa show habang ang Dance Team ay hindi expected na isang Korean national pala ang magiging choreographer nila. One of them is an avid KPOP fan kaya naman alam niya ang mga struggles na kakaharapin nila during the practice.

Hindi rin inaasahan ni Lucian na mapapasabak siya. Unang araw pa lang ng pagpa-practice ay sobrang nakakapagod na. He dripped too much sweat the whole day. Wala ring minuto na hindi siya nakakaramdam ng uhaw. Madalas ding hinihingal. Palagi kasing nagpapaulit ang choreographer nila ng isang dance routine hanggang sa ma-perfect nila or kaya naman kung may nagkakamali. Mabuti na lang ay may extrang pamalit ng T-shirt si Iuhence kahit na medyo maliit 'yon sa kaniya. He also borrowed a ponytail para ipitin na muna ang buhok nyang tumutusok sa mata. Dahil sa sobrang pawis kasi ay nabasa ang kaniyang bangs at panay ang harang nito sa kaniyang nakikita. Muntikan na nga siyang mabwisit. Pero 'buti na lang, Iuhence is there to rescue.

At the end of the day, while they're both in their way out of the school, Lucian kept on massaging his shoulders and neck. Paika-ika din siya kung maglakad dahil nanlalambot ang kaniyang mga hita. Kada may hagdan silang dadaanan ay mahina siyang mapapamura.

Iuhence just looked at him with pity, "Hindi ba kayo nag-warm up kanina?" she asked. Nagpresinta na din siya kanina na siya na mismo ang bubuhat ng bag ni Lucian. Hindi na niya kasi kaya at parang bibigay na ang kaniyang katawan.

He shook his head as he grunted when he almost tripped.

"The hard work's paid off. You're quite a dancer, ading." komento ni Iuhence. But that doesn't sound like a compliment to Lucian.

Nang matapos kasi ang ilang conference ni Iuhence kasama ang mga teachers ay nagtungo ito sa covered court kung saan nagpa-practice ang dance team.

She was astonished on how Lucian pulled off any types of choreography. Kahit na matangkad ito ay hindi siya nabibigatan sa kaniyang katawan. Every beat of the music sways with every groove of his body. Mapitik itong sumayaw at mabilis maka-pick up ng steps. And thanks to his retentive memory. Mabilis niyang natatandaan ang mga steps. He looked so cool while dancing. Ni hindi mo mahahalatang nasa architecture ang loyalty at specialty nito. Hindi rin aarte-arte si Lucian kahit na medyo may pagka-sexy ang ilang dance steps.

Yea right. Everything for grades.

"I'll be more delighted if you said, 'Quite talented for an architect' instead." reklamo niya kaya naman natawa si Iuhence.

"Bakit ba hindi mo matanggap-tanggap na lumalabas na ang tunay na kulay mo? You have a spot for acting, and kanina-kanina lang, napalabas mo na yung pagiging dancer mo. To be honest, naboboses-san ko si Ed Sheeran sa'yo so I'm certain na may may ibubuga ka din sa pagkanta. You excel in architecture so definitely, may pagka-artsy ka din. Do not just perceive arts as a stepping stone for innovation. It's a way how to be yourself with a free expression. 'Wag mong pigilan 'yan, Lucian."

Lucian scoffed, "Whatever." then he shrugged.

It's a shame na hindi siya nakinig sa gustong sabihin ni Iuhence. He screamed loudly when he accidentally tripped when he didn't see a stone in his path.

"SHIT!!!"

Sa panahon ngayon, pati karma ay digital na. Instant.

Halos maiyak si Lucian nang bumagsak siya sa lupa. His aching body hit the pavement with a thud sound.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now