CHAPTER TWENTY-ONE

184 5 2
                                    

LUNES. Kasalukuyang naghahanap si Iuhence ng data connection sa kanilang campus para I-chat ang kaniyang mga kaklase sa kanilang class group chat. Pagkapasok kasi nito bago mag-alas-siyete ay laking pagtataka niya nang iba ang nagkaklase sa kanilang classroom.

Inis na inis siya dahil nagmadali pa naman siyang maghanda para lang makasabay ang kaniyang kuya na nagmamadali kaninang umaga, pero wala rin naman pala siyang madadatnan.

Napatingin si Iuhence sa screen ng kaniyang phone nang tumunog ito.

Class President to Arts and Design

Kaagad niyang kinlick ang chat head ng GC nila at lumitaw ang reply ng presidente ng kanilang klase sa kaniyang mensahe.

Class President: Mamayang 12:00 ang pasok ng natin. May Division Schools Press Conference ang nagaganap kaya naman na-move ang mga morning classes mamayang hapon. Hindi ka kasi nag-online kagabi kaya 'di ka updated 'e.

Napabuntong-hininga siya ng mabasa niya ang message.

Chineck niya ang oras at 10:13 pa lang ng umaga.

In-off na niya muna ang kaniyang telepono at saka isinilid sa bulsa ng kaniyang palda at naghanap ng mapagtatambayan.

Hanggang sa may marinig siyang pamilyar na boses sa may likuran ng Special Program in the Arts specialization building sa may katabing hagdan papuntang covered court.

Namataan niya si Reagan na prenteng nakaupo at nakasandal sa puno ng balete habang kunot-noong pinagmamasdan ang kaniyang Math notebook.

Naisipan niyang puntahan ito at hindi man lang napansin ni Lucian ang kaniyang pagdating dahil abalang-abala ito.

"I don't understand this one," reklamo nito kaya naman dumungaw si Iuhence sa notebook ni Lucian at nakitang pagca-calculate ng population standard deviation ang pinoproblema nito.

Statistics and Probability...

"Bakit naging 5.78 yung answer?" he asked and heaved out a sigh.

"Kunin mo yung square root ng 5.78. 'Yon yung answer sa variance." sagot niya kaya naman biglang napatingala si Lucian at napakunot ng noo nang makita siya.

Ang buong akala niya ang sasagutin siya nito ng pabalang o kaya naman paaalisin nito dahil sa kagustuhan ng katahimkan. Pero nagkamali siya.

"'Di ko gets."

Umupo si Iuhence sa kaniyang tabi at kinuha ang kaniyang notebook mula sa kaniyang mga kamay.

"Sa pagkuha ng variance, kailangan mong I-divide ang number ng population at I-multiply ito sa total number ng x. Yung F dyan sa table mo ay puro 1 lang. So para ma-justify yung pinoproblema mong 5.78, kailangan mong kumuha ng scientific calculator para I-input ang lahat ng mga sasabihin ko, okay?" sambit nito kaya naman dali-daling hinugot ni Lucian ang kaniyang calculator sa bag.

"1 divided by ten times 334.1."

Ilang segundong nagtipa si Lucian bago siya sumagot, "33. 41."

"'Yon na ang variance. Dumako naman tayo sa population standard deviation. Kunin mo ang square root ng 33.41."

Lucian's face suddenly lightened up, "5.78." he answered and happily showed her the answer from the calculator.

"Thanks," turan nito at saka sinagutan na ang ibang exercises sa kaniyang notebook.

Tumayo na si Iuhence para umalis pero kaagad din siyang napalingon nang tawagin siya ni Lucian.

"Excuse me..."

He Is His CreationWhere stories live. Discover now