CHAPTER SIX: E

191 9 0
                                    

NAGPAPANIC na si Iuhence dahil hindi talaga gumagalaw si Reagan. Nakatayo lang ito at kahit anong pilit niyang pagalawin ang lalaki ay hindi niya magawa. It's like he became a statue in sudden.

"Reagan? Reagan? Diyos ko po!" natatarantang sabi ni Iuhence at saka pinunasan ang pawis sa noo niya.

Naluluha na siya pero nakahinga siya nang maluwag nang gumalaw na si Reagan.

Huminga ito nang malalim na parang muntikan na ba itong malunod sa malalim na pool.

"Uy! Okay ka lang? Kinakabahan na ako kanina." sambit ni Iuhence at nabasag ang boses nito dahil nagbabadya na ang pagtulo ng kaniyang luha.

"I'm sorry. Pasensya na kung pinag-alala kita." Reagan said apologetically while still breathing heavily.

"What just happened?" tanong ni Iuhence kaya naman napabuntong-hininga si Reagan.

"Open your Wattpad application." sagot nito imbes na sagutin ang tanong niya.

Kahit na gustong magtanong ni Iuhence ay ginawa na lang niya ang iniutos ni Reagan.

Dali-dali niyang in-open ang Wattpad application niya at saka tumingin muli kay Reagan.

"Open the story where I came from." dagdag nito at ginawa iyon ni Iuhence.

Naka-sort ang Wattpad library ni Iuhence sa kung ano ang huling binasa niya kaya naman hindi siya nahirapang hanapin ang 'He is His Creation' na kung saan nanggaling ang karakter ni Reagan.

Laking gulat ni Iuhence nang makita niya na ang mga blangkong chapters kagabi ay nagkaroon na ng laman. Pero ang mas gumulantang sa kaniya ay ang mga narration kung saang eksaktong nakasulat kung ano ang mga ginawa at pinagusapan nila kanina.

Pero nagtaka siya nang makitang blangko na naman ang sunod na kabanata.

"Answer me. What just happened, Reagan?" aligagang tanong ni Iuhence.

"See? Naniniwala ka na ba na ikaw ang magtutuloy ng istorya ko? Our moments together just filled the blank pages." sagot nito.

"Malinaw na sa akin. Naniniwala na ako. Pero bakit ka huminto sa paggalaw kanina?"

Reagan sighed, "My creator must've stopped writing for a minute. Let me tell you this. My actions are still depending on my creator. Without instructions, I fall still. Like robot without commands. Medyo delikado dahil kahit anong oras ay mangyayari sa akin ito. Baka isang araw masagasaan na lang ako dahil bigla akong huminto sa pagtawid sa kalsada." malungkot na sagot ni Reagan kaya naman natulala si Iuhence.

"Kaya madali lang ang paghihintay para sa akin. Kasi nakatunganga lang ako. Wala akong gagawin magdamag. I can wait for you at home without being bored." pabirong dugtong ni Reagan at saka ibinalik na sa shelf ang librong binuklat niya kanina.

"'E paano ka natutulog? Tulog ka ba talaga n'on?" tanong ni Iuhence na puno ng kuryosidad.

Tumingala saglit si Reagan para pag-isipan ang sagot niya, "Uhmm... kinda? Kasi sa gabi ay natutulog ang creator ko. Everyone is asleep at night, right? During that times, walang nagsusulat ng mga ginagawa ko. Kaya natutulog rin siguro ako."

"Who's your creator, anyway? The moment na binasa ko pa lang yung He Is His Creation ay napukaw na nito yung atensyon ko. The author's idea is aesthetic."

"You'll meet him."

Iuhence was struck by that info. Ilang segundo ang lumipas bago siya maka-react.

"Ano!?" gulat na tanong nito.

Reagan just shrugged, "Sigurado akong sa oras na makilala mo siya ay nasagot na ang lahat ng mga tanong sa isip mo. Hindi mo na kakailanganin ng mga explanations niya. You'll be thanking him soon enough."

He Is His CreationWhere stories live. Discover now