CHAPTER THREE: L

256 9 0
                                        

Mornings aren't that great for those people who are lack of sleep. What more for those people who didn't even sleep?

"HOY babae! Gising n--"

"Good morning, Kuya." walang buhay na bati ni Iuhence sa kuya niya pagkabukas ng pinto ng kwarto niya.

Madalas ay pahirapan ang gising ni Myrrben sa kaniyang kapatid dahil madalas ang pagpupuyat nito pero laking gulat na lang niya nang maaga itong gumising.

O baka naman hindi ito natulog magdamag?

"Hoy, matulog ka na lang. Ayaw kong maabala mamaya kung nabalitaan ko na nahimatay ka sa klase." Sermon ni Myrrben sa kapatid.

"6:10 na, Kuya. Dapat 6:30 nakaalis na tayo." sagot ni Iuhence sa kapatid at saka bumuntong-hininga.

"Natulog ka ba? Halatang hindi. Iuhence naman!"

"Kailangan ko pa bang sumagot?"

Napailing na lang si Myrrben dahil sa inaasal ng kapatid. Madalas itong kulang sa tulog pero ngayon lang niya napansin na mukhang hindi ito natulog.

Nagkibit-balikat na lamang si Myrrben at saka naghanda na para sa eskwela.

Papalabas na ng gate ang dalawa nang napansin ni Myrrben na tila balisa si Iuhence.

"Hoy, babae. Baka sa kapupuyat mo, nababaliw ka na? Tignan mo nga yang hitsura mo! Nagmumukha kang sinto-sinto!"

"Ssshh! 'Wag kang maingay, baka marinig niya tayo!" bulong ni Iuhence sa kapatid kaya napalunok si Myrrben.

"Sis, magpa-check up na muna tayo. Baka kasi malala na 'yan 'e!" kinakabahang sagot ni Myrrben at saka luminga-linga sa paligid.

"Cost clear. Move! Move!" sigaw ni Iuhence na parang isang sundalo na lulusob sa kuta ng mga kalaban.

Kaya kahit na nalilito ay kumilos na rin si Myrrben. Mabilis na pumara si Iuhence ng tricycle at nang makasakay ay nakahinga na ng maluwag si Myrrben nang kumalma na ang kapatid.

"Whoo! Muntik na yun 'a!" sambit ni Iuhence at saka huminga ng malalim.

"Ano bang meron kanina, sis?" tanong ni Myrrben sa kaniya.

"M-May iniiwasan lang, kuya. M-May kaklase kasi akong pupunta p-para humirap ng assignment. N-Naiinis kasi ako doon 'e." sagot niya kaya naman napatango na lang siya at hindi na nag-isip pa kung may diperensya na si Iuhence sa pagiisip.

"WOW! Ang aga natin ngayon, a?" sarkastikong tanong ni Lilian kay Iuhence nang mamataan niya itong naglalakad sa pasilyo ng senior high school building. Hindi rin kasi sanay si Lilian na makitang pumapasok nang maaga si Iuhence. Madalas itong late dahil sa, as usual, puyat kababasa sa Wattpad.

"Bakit ka nga pala nandito? Senior high school building 'to, Lilian. Grade 10 ka lang at nandoon ang Special Science Class building kung naliligaw ka man." walang ganang sagot ni Iuhence sa kaibigan.

"Wala naman, may pinaabot lang yung teacher namin sa isa sa mga klase niya dito." sagot ni Lilian.

"'E bakit nandito ka pa? Kanina pa nakapasok si Myrrben. Nakita mo na rin siguro siya dahil wala naman ibang klaseng papasukan ang mga SSC teachers dito kung hindi ang mga nasa STEM (Science and Technology, Engineering and Mathematics)." sagot ni Iuhence and that one caught Lilian off guard. Iuhence knows that Lilian likes his brother.

"T-Tumahimik ka nga. W-Wala akong pakialam doon 'no!" pagde-deny nito kaya naman natawa na lang si Iuhence.

"Okay, sabi mo e'. 'Buti na lang pala at wala kang pakialam sa kuya ko. May nirereto kasi yung Tito namin sa kaniya na ka-edad niya 'e." pamba-blackmail ni Iuhence at kumagat naman si Lilian.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now