After that serious conversation, balik jolly-mode na naman si Reagan.
Pinagiisipan ni Iuhence nang mabuti kung ano ang ibig sabihin ni Reagan. Madali naman intindihin, but she had the feeling that it's somehow a double-edged sword.
'He is here because of me? Pero bakit? Para sa akin niya ipagpatuloy ang sarili niyang istorya?' isip-isip ni Iuhence habang matamang nakatingin kay Reagan habang ito ay isa-isang tinutusok ng tinidor ang red munggo beans sa kaniyang purple yam cheese cake.
"Parang may gusto ka yatang sabihin 'a?" tanong ni Reagan at saka matamang tumingin kay Iuhence kaya umiwas siya ng tingin.
"May propesiya bang nagaganap? Na pagkatapos mong mamatay sa isang story ay magkakaroon ka ng pangalawang buhay dito sa totoong mundo at ako ang hinirang para maging kabiyak ng puso mo para maibsan ang iyong pagdadalamhati sapagkat isang dakilang extra lang ang naging cause of existence mo? That you are a twist filler to emphasize the main characters' lives?" tanong ni Iuhence at inaasahan niyang mao-offend si Reagan ngunit nagulat na lamang siya nang bigla itong tumawa. As in halakhak.
Kaya naman ang ibang tao sa second floor ay napatingin sa gawi nila. Hiyang-hiya si Iuhence pero tila walang pakialam si Reagan. Pero kahit na patuloy pa rin ito sa paghalakhak ay hindi pa rin nababawasan ang pogi points nito. He looked cute when he laughs while his eyes were shut.
"Hoy, tigil na. Baka kabagin ka at may halong ube pa naman 'yang nilalantakan mo." sabi niya kaya naman sa abot ng makakaya ni Reagan ay tumigil na siya.
He sighed and shook his head while a crooked smile's plastered on his lips, "Perks of being with a fiction world explorer." he said and sighed once more before he gets serious.
"Uunahan na kita, Iuhence. None of your speculations about my sudden existence are correct. Kahit ano man 'yan. There's no magic or any form of sorcery in this matter. I existed because HE granted your wish, hindi dahil sa isang propesiya at ikaw ang 'chosen one'. Pfft. Aware ako kung bakit ako nandito at kailangang ikaw din. You seem to have a lot of questions in mind but I'm sure you'll understand it soon." seryosong sagot niya.
"Wait, HE granted my wish? Sinong HE ba 'yang sinasabi mo?" tanong ni Iuhence kay Reagan nang puno ng kuryosidad.
"My creator."
Imbes na maliwanagan si Iuhence ay lalo pang nadagdagan ang mga tanong sa kaniyang isipan.
She couldn't think how Reagan's creator granted her wish 'e isa lang naman din 'yong biro. Na-guilty tuloy siya dahil hindi naman niya sinasadyang hilingin ang isang tulad ni Reagan Aragonza. Wattpad readers often reacts the way how Iuhence did when a fictional character just died. Lalo na yung hindi naman deserve.
But she just kept that thought in mind. She already did plenty of unpleasant things towards Reagan; like avoiding him and even thinking that someone's just playing a huge scam. Hurting his feelings about that thought would just make her feel guilty.
Reagan noticed her puzzled facial expression that's why he chuckled, "Do you, by any chance, got what the story you've just read really interprets?"
Iuhence just shook her head. She remained silent because she just wanted to listen--she wanted to know more.
"After my death, the next chapters were blank right?" Reagan said and Iuhence remembered what happened that night. Yung inakala niyang nagloloko yung Wattpad application niya.
She nodded at this time and took a sip from her drink. Interesado siyang malaman ang lahat kaya naman focus na focus siya kay Reagan.
"That's because our story must fill the missing parts."

YOU ARE READING
He Is His Creation
Novela JuvenilA story within a story between a journalist, a writer slash all-around artist and a fictional character.